Sa burol sa Phoenix Academy, isang bagong walang markang puntod ang naroon. Walang katawan sa ilalim ng lupang iyon, kundi buto ng ahas.
Dinala ni Rong Ruo si Jun Wu Xie sa puntod na iyon. Tumayo si Jun Wu Xie at tinitigan ang walang markang lapida. Walang kahit anong ekspresyon sa mukha nito.
Simula nang siya ay muling mabuhay, maraming beses nang namantiyahan ng dugo ang kaniyang mga kamay. Para protektahan ang Jun Family at para siguraduhing mamayagpag ang Lin Palace sa Kingdom of Qi, marami siyang pinatay na tao.
Hindi niya pinatay ang black robed man, ngunit ang lalaking iyon ay namatay dahil sa kaniya.
At ngayon ay hindi man lang niya ito mabigyan ng disenteng burol dahil ang katawan nito ay nagkapira-piraso. Sa puntod na ito tanging ang mga buto lang ang laman niyon.
Utang na loob ni Jun Wu Xie ang kaniyang buhay sa lalaking iyon. Kahit na ginawa niya iyon ayon sa utos ni Jun Wu Yao para protektahan siya, responsible siya sa buhay nito.
Para protektahan siya, isinakripisyo nito ang kaniyang sarili.
Ganoon ba ang katapatan?
Matagal na nakatayo lang si Jun Wu Xie sa tapat ng puntod habang ang hangin sa burol ay nililipadd ang kaniyang itim na itim na buhok. Tumingala siya at pinagmasdan ang mga ambon na pumapatak. Ang ambon na iyon ay unti-unting lumalakas at tuluyang binasa ang kaniyang buong katawan.
Nanlamig ang kaniyang katawan ngunit wala pa iyon kumpara sa kaniyang nararamdaman.
"Bumalik muna tayo." Tiningnan ni Rong Ruo si Jun Wu Xie na puno ng simpatiya. Nanghihina pa rin si Jun Wu Xie at ngayon ay basang-basa ito ng ulan. Maaaring hindi ito kayanin ng kaniyang katawan.
Hindi sumagot si Jun Wu Xie at nagpatuloy na titigan ang kalangitan. Pumapatak ang ulan sa kaniyang mukha. Nakakapagpaginhawa ng pakiramdam ang ulan ngunit nagsisimula nang numuot sa kaniyang kalamnan ang lamig.
"Kung hindi kita babantayan, hanggang saan mo paparusahan ang sarili mo?" Isang baritonong boses ang narinig niya.
Nanigas ang katawan ni Jun Wu Xie bago niya lingunin iyon. Nabalot siya ng pamilyar na yakap at init.
Nagulat si Rong Ruo nang kaniyang makita ang lalaking bumaba sa kalangitan. Animo'y sugo ng diyos. Nagdulot ng hindi maipaliwanag na takot ang awra ng lalaking iyon kay Rong Ruo dahilan para hindi siya makalapit dito.
"Hindi alam ng aking munting prinsesa kung gaano ako nasasaktan na makita kang ganito?" Ang pamilyar na boses ay nanggaling sa kaniyang likuran. Marahan namang sumagot si Jun Wu Xie: "Kuya?"
Ihinarap ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie sa kaniya.
Bahagyang nabasa ng ulan ang itim na itim na buhok ni Jun Wu Yao at tumutulo sa gwapong mukha nito.
"Aking prinsesa, wala ka nang dapat ikatakot. Andito na ako." Niyakap niya si Jun Wu Xie ng mahigit at ikinapalagay iyon ng kaniyang damdamin.
Kahit sino pa iyon, kapag sinaktan ang kaniyang mounting prinsesa, dapat silang maghanda sa kaniyang mabagsik na ganti.
Bigla namang nahimatay si Jun Wu Xie sa bisig ni Jun Wu Yao. Marahil dahil sa labis na pag-aalala o dahil sa pinsala nito sa kaniyang katawan.
Kinarga naman siya ni Jun Wu Yao at parang may munting buhawi na pumallibot sa katawan nito. Hinigop naman ng munting buhawi na iyon ang basa sa kanilang katawan dahilan para matanggal ang panlalamig na kanilang nararamdaman.
Bumwelo si Jun Wu Yao at lumipad patungong Phoenix Academy habang buhat nito si Jun Wu Xie sa kaniyang bisig.
Natigilan naman si Rong Ruo at hindi makapagsalita habang pinapanuod ang dalawa. Saka lang siya nakabawi nang mawala sa kaniyang paningin ang mga ito.
"Ang lalaking iyon...galing ba siya sa Middle Realm?"
Naisip ni Rong Ruo na posibleng ganon na nga. Ikinabahala namin niya ang isiping iyon kung kaya't nagmadali siyang tumungo sa Phoenix Academy.
Habang nakaupo at nasisiyahang umiinom ng wine sa may lawa ang balbas saradong lalaki, ginulantang siya ng kaniyang maramdaman ang pwersang papalapit sa kaniya. Ang matamlay nitong mata ay napamulagat dahil doon!