Parang kasing bilis ng kidlat ang pagdating ni Jun Wu Yao sa Phoenix Academy. Sinundan niya ang amoy ni Jun Wu Xie patungo sa bakuran.
Sa bakuran, naabutan niya ang isang matangkad na pigura na nag-aantay sa ilalim ng ulan.
Napaangat naman ang kilay ni Jun Wu Yao sa lalaking nakaharang sa kaniyang daraanan. Napangisi naman siya dito.
Kung sinuman ang kaniyang makita sa ganitong sitwasyon ay makakatikim ng kamatayan!
Subalit para namang kinidlatan ang lalaki sa bakuran nang kaniyang makita si Jun Wu Yao. Nanlalaki ang mata nito sa takot at nagsimulang manginig. Bago pa man maitaas ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay ay lumuhod na sa harap ni Jun Wu Yao ang balbas saradong lalaki!
"Panginoon!"
Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Yao. "Sino ka?"
Mayroong nakakakilala sa kaniya sa Lower Realm?
"Palace of All Life, Yan Bu Gui." Sagot ng balbas saradong lalaki.
Isang masamang ngisi ang bumakas sa labi ni Jun Wu Yao at isang itim na hamog ang nabuo sa bandang paanan ng Yan Bu Gui. Inangat ito nga hamog na iyon sa ere!
"Palace of Life of the Twelve Palaces. Mabuti...Iniisip ko kung sinong taga Lower Realm ang gumalaw sa aking munting prinsesa."
Namutla si Yan Bu Gui at lumabas ang mga ugat nito sa kaniyang mukha.
"Jun Xie...Hindi ko siya sinaktan..." Pinilit ni Yan Bu Gui na lumabas ang salitang iyon sa kaniyang bibig gawa ng kaba. Kung hindi siya mabilis, baka ikamatay niya iyon.
Nalukot ang mukha ni Jun Wu Yao at ang itim na hamog ay ibinagsak si Yan Bu Gui sa lupa.
"Magsalita ka! Sino ang may gawa nito?"
Nasira ang soul stone ni Ye Sha at ibig sabihin lang nito ay baka ikamatay niya iyon. Ipinidala siya para protektahan si Jun Wu Xie at ang pagkakatay ni Ye Sha ay nagdulot ng pangamba kay Jun Wu Yao. Iniwan niya ang lahat ng kaniyang ginagawa at hindi na inalala ang magiging kapalit noon at nagmadaling tumungo sa Qing Yun Clan.
Naabutan na lang ni Jun Wu Yao sa Cloudy Peaks ang sira-sirang Qing Yun Clan. Sinundan ni Jun Wu Yao ang namumutawing amoy ni Jun Wu Xie.
Tanging ang kalangitan lang ang nakakaalam kung paanong kumalma ang nagwawala niyang puso nang makita niyang ligtas at buhay si Jun Wu Xie. Ngunit nang mahimatay si Jun Wu Xie sa kaniyang bisig ay nanumbalik ang pakiramdam niyang gusto niyang pumatay ng kahit na sino!
"Mga taong galing sa Palace of Flame Demons..." Sagot ni Yan Bu Gui na hinihingal.
"Palace of Flame Demons..." Nagbabaga ang mata ni Jun Wu Yao sa galit, lumabas ang itim na ahas sa manggas nito at napunta sa ulo ni Yan Bu Gui.
Nakaramdam ito ng matinding sakit sa kaniyang ulo at nakaramdam ng pamumulikat dahilan para pagpawisan ito ng malamig.
Sa sumunod na sandali, naglaho ang sakit na kaniyang naramdaman at wala ditong naiwang bakas ng kahit ano. Tumayo si Yan Bu Gui, nagkukulay abo ang mukha nito at sumusuray ang katawan.
"Lumalala na ang Twelve Palaces at ngayon ay naghahasik na sila ng kalupitan. Swerte mong nakatakas sa Palace of Life ng buhay." Kinuha ng itim na ahas ang lahat ng impormasyon sa ulo ni Yan Bu Gui patungo kay Jun Wu Yao. Nalaman niyang hindi nagsisinungaling si Yan Bu Gui at bukod doon may nalaman siyang kumuha ng kaniyang atensyon.
"Nagpapasalamat ako sa aking Panginoon at ako ay pinatakas." Hindi nagtanim ng anumang galit si Yan Bu Gui bagkus ay nagpapasalamat na siya ay buhay pa.
Ang lalaki sa kaniyang harapan ay hindi magdadalawang isip na pumatay. Ang bilang ng taong buhay pa sa kabila ng kakayahang pumatay ni Jun Wu Yao ay kakaunti lamang.
Saglit na sinulyapan ni Yan Bu Gui si Jun Xie na karga ni Jun Wu Yao sa bisig nito.
Maaaring pinalagpas siya ni Jun Wu Yao dahil sa sinalba niya ang buhay nu Jun Xie. Kung hindi niya ginawa iyon, baka isa na rin siyang malamig na bangkay.
Sa kabilang banda, nanlamig siya nang kaniyang mapagtanto ang isang katotohanan.
Buhay pa ang Panginoon.
Dumanas ang Middle Realm ng pagbaha ng dugo noon, ngayon ay nasa panganib ang Twelve Palaces.