"Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo." Banta ni Jun Wu Yao dito at dinala na si Jun Wu Xie sa kwarto nito.
Dumating naman si Rong Ruo ilang sandali lang ang nakakalipas at nagulat nang makita niya si Yan Bu Gui na namumutla at basang-basa sa ulan.
"Master!"
Itinaas ni Yan Bu Gui ang kaniyang kamay na parang nagsasabing ayos lang siya, saka umiling. "Kung anuman ang nakita mo, huwag kang magbabanggit kahit kanino. Hindi siya dapat kinakalaban."
Buhay pa ang Dark Emperor at kung malalaman iyon ng Dark Realm, pamumunuan silang muli ng kanilang pinagpipitagang Emperor. Ngunit...bakit nananatili dito sa Lower Realm ang Dark Lord? Ano talaga ang nangyari noon? Kumalat dati ang pagkamatay ng Dark Lord sa buong realm, paanong naririto ito sa Lower Realm?
Sa kabila ng pagkalito ni Yan Bu Gui ay bigla siyang natawa.
"Hahaha! Ang Twelve Palaces ay parang patay na ngayon."
Ang itim na ahas ng Dark Lord ay may kakayahan na kumuha ng impormasyon sa isang tao. Alam ng Dark Lord na nakatakas si Yan Bu Gui sa Palace of Life, ibig sabihin ay alam rin nito ang isa pang bagay.
Tinitigan ni Rong Ruo si Yan Bu Gui na biglang tumawa, ngunit pinili nitong manahimik.
...
Nang magising si Jun Wu Xie, namulatan niya ang isang pamilyar na mukha. Ilang beses maunang kumurap ang kaniyang mata bago tuluyang magising.
"Sa susunod huwag kang gagawa ng mapanganib na bagay." Humiga si Jun Wu Yao sa kabilang dako ng kama at nakapatong ang ulo nito sa sarili nitong kamay. Nakangiti ito habang sinasabi iyon.
Habang walang malay si Jun Wu Xie, sinuri niya ang espiritu nito. Nalaman niyang ang espiritu nitong buo ay naging napakahina. Wala ito masyadong galos ngunit napakahina ng katawan nito, dahilan para maapektuhan ang espiritu nito. Madaling gamutin ang galos sa katawan, ngunit ang pinsala sa espiritu nito...
Lumalim ang tingin ni Jun Wu Yao nang mapansin niyang pinapanuod siya ni Jun Wu Xie. Agad niyang isinantabi ang kaniyang pag-aalala.
"Namatay siya para sa akin." Umupo si Jun Wu Xie galing sa pagkakahiga. "At hindi ko man lang nalaman ang kaniyang pangalan."
Umupo rin si Jun Wu Yao at sumandal sa uluhan ng higaan. Hawak nito ang ilang piraso ng buto ng ahas sa palad nito.
"Gusto mo siyang buhaying muli?"
Tumitig si Jun Wu Xie sa ilang piraso ng buto ng ahas at kumislap ang kaniyang mga mata. Nabanggit ni Rong Ruo na dinala sila dito ng itim na ahas at nag-iwan ng tumpok ng buto ng ahas bago iyon namatay. Hindi nakita ni Jun Wu Xie ang mga buto pero nakakasiguro siyang iyon ang butong tinutukoy ni Rong Ruo.
Napansin naman ni Jun Wu Yao ang mga mata ni Jun Wu Xie. Itiniklop ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay at pumalibot doon ang itim na hamog. Lumaki ang mga buto at Unti-unting nagiging hugis tao.
Unti-unti ay nabuo iyon. Ang isang lalaking nakasuot ng itim ay lumitaw sa silid. Nakapikit ang mata nito at naaalala niyang ito mismo ang lalaking pinasabog ang kaniyang sarili para siya ay maligtas!
Tahimik namang nanuod si Jun Wu Xie. Ang black robed man ay nagmulat ng mga mata. Ang mata nito ay parang sa mata ng ahas.
"Simula sa araw nito, ikaw ay tatawaging Ye Sha." Sabi ni Jun Wu Yao sa lalaking naka-itim.
"Opo! Aking Panginoon!" Lumuhod si Ye Sha gamit ang isang tuhod at walang ekspresyon ang mukha nito.
Nag-angat ng tingin si Jun Wu Yao at tinignan ang nanliliwanag na mukha ni Jun Wu Xie.
"Ye Sha ang kaniyang pangalan."
Pinikit ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata habang hinahaplos ang itim na pusa sa bisig nito.
Hindi siya iyon...
Kamukhang-kamukha niya ito at halos maramdaman ni Jun Wu Xie ang parehong awra na kaniyang naramdaman galing sa lalaki. Ngunit ang Ye Sha na nasa kaniyang harapan ay hindi ang Ye Sha na pinrotektahan siya sa Cloudy Peaks.
Napansin naman ni Jun Wu Yao ang reaksyong iyon ni Jun Wu Xie. Wala itong sinabi at walang kahit anong ekspresyon sa mukha nito ngunit alam niya kung ano ang nararamdaman ni Jun Wu Xie sa oras na iyon.
"Ang kaluluwa ni Ye Sha ay inipon sa mismong buto ng ahas na iniwan dito. Siya ay muling nabuhay, parehong ito at hindi ito si Ye Sha."