Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 351 - Phoenix Academy (4)

Chapter 351 - Phoenix Academy (4)

Nagmamadaling inabot ni Hua Yao ang bote ng gamot sa kamay ni Jun Wu Xie at inubos niya iyon nang kaniyang inumin. Tinanggal niya rin ang mga benda sa kaniyang katawan. Tahimik na nakaupo si Hua Yao sa higaan at ipinagkatiwala kay Jun Wu Xie ang paggamot sa kaniyang katawan.

Kakaiba ang pinsalang natamo ni Hua Yao. Halos karamihan doon ay kaniyang mga buto ang tinamaan. Medyo mahaba ang oras na ginugol ni Jun Wu Xie sa paggamot sa kaniya ngunit mabilis pa rin ang galaw nito.

Pagkatapos silang gamutin ni Jun Wu Xie, unti-unting nabubuhayan ang mga mukha nina Qiao Chu at Hua Yao.

"Salamat." Simpleng saad ni Hua Yao.

Umiling naman si Jun Wu Xie bilang sagot, sunod ay tumungo sa namumutlang si Rong Ruo upang kunin dito ang itim nitong pusa.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Qiao Chu at Hua Yao ang namumutlang si Jun Xie kung kaya naman ay alam nilang hindi pa nakakabawi ang katawan nito. Gayunpaman, pinilit pa rin nitong gamutin sila. Hindi man sabihin ni Jun Xie pero alam nilang paraan iyon ni Jun Xie upang magbigay ng pasasalamat sa kanilang suporta dito.

"Umm, Little Xie, pwede ka namang dumito muna at saka na lang umuwi kapag bumuti na ang iyong pakiramdam." Saad ni Qiao Chu.

"Hindi naman ako nagmamadali." Sagot ni Jun Wu Xie. Nabanggit ng Guro ni Hua Yao na makakatulong daw ang lawa dito para iligtas si Snow Lotus, kaya naman hindi siya nagmamadali na umuwi.

Nagsakripisyo si Little Lotus para sagipin siya at pinilit ang sarili nitong magpalit anyo bilang si Drunk Lotus kahit na walang tulong ng alak. Lubos na napinsala ang katawan nito dahil sa white robed man. Hindi alam ni Jun Wu Xie paano isalba ang Snow Lotus at kung magagawa ba iyon noong balbas saradong lalaki. Handa si Jun Wu Xie na isuko ang lahat para doon.

Lubos na nababalisa si Jun Wu Xie. Pagkatapos ng mga nangyari, napagtanto niyang mas komplikado ang mundong ito kaysa sa kaniyang inaakala. Ang kapangyarihan ng dalawang misteryosong lalaki ay higit pa sa kanila. Kahit na inilabas na ni Hua Yao at Qiao Chu ang kanilang buong purple level spiritual power, hindi pa rin nila kaya ang white robed man. Higit pa doon, mas malakas pa ang grey robed man kaysa sa white robed man.

Marami ang makapangyarihang tagapagtaguyod sa mundong ito at Maaaring mas malakas pa sa purple leveled spirit. Hindi sapat ang kaniyang mga lason para sa mga iyon.

Parang nagyeyelo ang mga tingin ni Jun Wu Xie.

Muntik na siya doon kung walang nagsakripisyo para sa kaniya. Kung hindi dumating ang black robed man sa tamang oras, maaaring patay na siya ngayon.

At sa susunod?

Ang layunin ng mga kaaway nila ay ang patayin ang kaniyang Snow Lotus. Hanggat nasa kaniya ang Snow Lotus, hahanapin siya ng mga ito at maaaring hindi na siya swertehin sa suusunod!

Hindi niya alam kung bakit gusto ng mga itong makuha ang Snow Lotus at kung aanhin ng mga ito iyon.

Kailangan niyang lumakas!

Hinding hindi na ito dapat mangyari ulit!

Tumayo si Jun Wu Xie. Nagpatahimik sa apat ang kaniyang hindi pagsasalita ng ilang sandali at nang siya ay tumayo nasa kaniya ang buong atensyon ng mga ito.

"Dalhin mo ako sa kung saan mo inilibing ang buto ng ahas." Sabi ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Rong Ruo.

Saglit na nag-atubili si Rong Ruo ngunit tumango rin sa huli at nagpatiunang lumabas ng silid.

Sa loob naman ng silid, sumalampak si Qiao Chu sa higaan nang makalabas si Jun Wu Xie.

Ang mga pinsala at sugat na kanilang natamo ay mas Malala kaysa sa kanilang pinapakita. Maswerte silang magamot ni Jun Wu Xie kanina kung hindi ay maaaring patay na sila ngayon.

"Ang swerte natin at buhay pa tayo." Biglang saad ni Qiao Chu habang nanghihinang nakahiga sa kama.

Habang inaalala niya ang nangyari sa kaniya sa bundok na iyon, iniisip niyang iyon na ang kaniyang huling hininga.

"Hindi pa tayo pwedeng mamatay." Sagot naman ni Hua Yao habang nakatingin sa kisame. Bakas ang galit sa mga mata nito.

Nagpakawala si Fei Yan ng malalim na buntong hininga at nabura ang ngiti sa mukha nito. "Kung natatandaan niyo pa ang ating sinumpaan, kailangan niyong pahalagahan ang buhay niyong ito. Lahat tayo ay mamamatay balang-araw, ngunit hindi pa ito ang panahong iyon."