Chapter 340 - Nanaig (3)

"Mukhang magiging interesado dito ang aking panginoon." Ang pagsasambit ni Ye Sha habang hinihimas niya ang kaniyang baba at nagpapakawala ng maliit na itim na ahas sa kakahuyan.

Ang nai-atas na tungkulin kay Ye Sha ay ang pa-sikretong protektahan si Jun Wu Xie. Ngunit si Jun Wu Xie ay may kakayahang protektahan ang sarili niya sa kahit ano man. Wala siyang hindi kayang gawin sa loob ng angkan ng Qing Yun, at dahil dito, ang tungkulin ni Ye Sha ay naging tagapag-masid at espiya na lamang tungkol sa lahat ng galaw at kilos ni Jun Wu Xie. Isinusulat niya ang lahat ng impormasyon sa isang maliit na piraso ng papel at ipinapadala ito kay Jun Wu Yao na nasa kaharian ng Qi sa pamamagitan ng itim na ahas.

Pagkapakawala ni Ye Sha sa ahas, bigla siyang napatindig ng tuwid at ang mukha niya'y napuno ng pagka-alarma.

Dalawang napakalakas na presensya ang naramdaman niyang mabilis na papalapit sa direksyon niya!

Tumayo si Ye Sha at inobserbahan ng mabuti ang kaniyang paligid.

Si Jun Wu Xie ay nagpapahinga sa mabalahibong tiyanan ni Rolly nang may boses na biglang bumasag sa katahimikan ng kaniyang pagpapahinga.

"Dito lang pala kita matatagpuan."

Napaharap ang tatlong kabataan sa direksyon na pinagmulan ng nagsalita.

May dalawang makisig na lalaki na ilang metro lamang ang layo sa kanila at nakatitig. Ang mga mata nila'y nagmamasid sa kanila na para bagang sila ay mga kargamentong dapat suriin at hindi tatlong kabataan. 

Ang kanilang mata'y nanhahamak. 

"Ikaw ba iyon?... O ikaw?... Ah, malamang ikaw nga ang hinaganap namin" nakangiting pagtatanong ng isang lalaki habang nakatingin kay Hua Yao, Qiao Chu, at pagtapos ay kay Jun Wu Xie. 

Masama ang kutob ni Jun Wu Xie at hindi niya ito naitago mula sa kaniyang mata. Ang biglaang pagdating ng dalawang lalaking ito ay nagdulot ng pagka-kaba sa kanya na tila bang may masamang mangyayari. 

Naging alerto si Hua Yao at Qiao Chu. Si Rolly ay tumayo sa tabi ni Qiao Chu at ang ahas na may dalawang ulo na buto ay naka-pustura ng pag dipensa sa tatlong kabataan. 

"Huh? Ano itong nakikita ko? Isang miyembro ng tribo ng mga Bone Shifters dito sa lugar na ito? Bata, ang ahas na may dalawang ulo na iyan ay ang iyong Ring Spirit, hindi ba?" Pagtatanong ng lalaki habang nakatingin kay Hua Yao. 

Si Hua Yao ay pasimpleng nagulat at tinitigan ng diretso ang lalaki sa mata ng may pagbabanta. 

" Yin Yang Bear... Tsk tsk. Papaanong ang mga Ring Spirit beings na ito ay nandito sa lugar na ito? Ginulat niyo talaga ako" at tumingin naman ang lalaki kay Rolly. 

"Ahas na may dalawang ulo na buto, Yin Yang Bear, hindi kami nandito para sa inyo..." ang mga mata ng lalaki ay tumutok kay Jun Wu Xie at siya ay ngumisi. 

"Bata, mayroon kang Plant Ring Spirit diyan sa iyo, hindi ba?"

Napalakas ang tibok ng puso ni Jun Wu Xie sa kaba. Hindi pa niya inilabas ang Little Lotus kaya't papaano nalaman ng lalaki na may plant spirit being siya sa loob ng katawan niya? 

"Sino Kayo?" Pagtatanong ni Jun Wu Xie. Hindi maganda ang kutob niya sa dalawang lalaking ito at iba sila kumpara sa mga ibang nakaharap na nila. Nakatayo lamang sila sa harap niya ngunit ang pwersa ng kanilang presensya ay nagdudulot ng matinding takot sa kaniya sa puntong nahihirapan na siyang huminga. Iniipit niya ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib. 

Ngayon lang ito naramdaman ni Jun Wi Xie simula ng siya ay mabuhay muli. 

"Bata, mabuti kaming mga tao. Aminin mo na lang sakin na parang kuya mo ko. Ang singsing mo ba ay Plant Spirit?" Nakangiting pagtatanong ng lalaki. 

Sumimangot sa Jun Wu Xie sa kanila. 

"Hay... Kalma ka lang bata. May mga gusto lang kaming malaman." Hindi umubra kay Jun Wu Xie ang naunang pagtatanong niya kayat napabuntong hininga na lang siya sa inis. 

Ang lalaking nakatayo naman na hindi nagsasalita ay nakatitig naman ng masama kay Jun Wu Xie. 

"Hindi tayo magkakilala at wala tayong dapat pag-usapan." sagot ni Jun Wu Xie habang binabantayan ang ikinikilos ng dalawang lalaki. 

"At dahil ayaw niyong makipagtulungan sa amin, wala na kaming ibang magagawa...kundi..."

Ngumiti ng masama ang lalaki at ang mga mata niya tila nagbabanta.

Related Books

Popular novel hashtag