Chapter 341 - Nanaig (4)

Bago pa man tapusin ng lalaki ang kaniyang mga sinasabi, bigla na lamang siyang nawala sa kaniyang kinatatayuan.

Nagulat si Jun Wu Xie at kinilabutan, ng walang anu-ano'y biglang may itim na anino ang humatak sa kaniya paatras.

Napakabilis ng mga pangyayari. Sina Hua Yao at Qiao Chu na nasa tabi niya ay di namalayan ang mga nangyari. Nagulat na lang sila na ang lalaking biglang nawala ay nasa kinatatayuan na ni Jun Wu Xie ngayon at may hawak ng punit na piraso ng tela.

Sa kabilang dako naman ay may makisig na lalaki na nakatitig kay Jun Wu Xie at nasa likuran niya. Ang balabal ni Jun Wu Xie ay napansin niyang punit na at hinihipan ng hangin.

"Hmm...Hindi na rin masama." Nakatingin ang lalaki habang nginingitian ang lalaking nakaitim na bigla na lamang nawala. Ang ngiti niya'y lumaki at ang mga mata'y para bang mata ng mamamatay tao.

Nakatitig si Jun Wu Xie sa likuran ng lalaking naka itim. Nangyari ang lahat ng di niya namalayan at di man lang niya naramdaman ang presensya nilang dalawa at bigla na lang silang nagpakita.

Nakita niyang ang harap ng suot niyang balabal ay punit na dahil sa lalaking nakangiti sa kaniya. Kung hindi dahil sa lalaking naka itim, malamang hindi lang piraso ng balabal ang napunit sa kanya, kundi pati ang puso niya! 

Pinawisan ng malamig si Jun Wu Xie. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng pagka-buhay niya, naramdaman niya ang pangil ng kamatayan na kamuntikan na siyang kunin! 

Ang lalaking kanina'y pangiti-ngiti lang sa kanya ay hindi nagdalawang isip na patayin siya! 

"mas mainam kung ikaw ay tumakas na, binibini." 

Tumalikod si Ye Sha kay Jun Wu Xie habang sinasambit niya ito. Ang mukha niya ay seryoso at ang mga mata niya'y nakabantay ng mabuti sa kung ano man ang susunod na gagawin ng lalaking nakangiti sa kanila. 

Kung hindi niya hinila ang binibini sa kinatatayuan nito, malamang ay wala na siya ngayon sa mundo! 

"Sino ka?" tanong ni Jun Wu Xie sa lalaking nakatalikod sa kaniya. Hindi niya makita ang mukha ng lalaking nakaitim sa harap niya ngunit alam niyang di siya sasaktan nito at prinotektahan pa siya. 

Hindi humarap si Ye Sha kay Jun Wu Xie ngunit mahinahon na sumagot: "Ako ay napagutusan lamang ni Master Jun Wu Yao na protektahan ka binibini. Ang pangalan ko ay di karapat dapat marinig ng iyong tainga. Mas mainam kung ikaw ay tumakas na, binibini. Hindi mo kaya ang dalawang lalaking ito."

Napatigil ng bahagya si Jun Wu Xie. Ngayon niya lang narinig muli ang pangalan ni Jun Wu Yao sa loob ng mahabang panahon at ito'y nagdulot ng kirot sa puso niya. 

Ang kanyang nakatatandang kuya ay nagpadala ng magbabantay sa kaniya. 

Nanahimik sa Ye Sha ng saglit at sinabi kina Hua Yao at Qiao Chu: "Hinihingi ko ang inyong kooperasyon, ilayo ninyo ang binibini mula dito. Ako nang bahala sa dalawang lalaking ito." 

Hindi napansin nina Hua Yao at Qiao Chu ang paraan ng pagtawag ni Ye Sha kay Jun Wu Xie ng 'Binibini'. Ngunit sa tono ng pananalita ni Ye Sha ay nakutuban nilang may masamang mangyayari. 

" Sige" pag sang-ayon ng dalawa. 

Tumungo naman si Ye Sha sa kanila. 

Umiling ang lalaking nakaputi kay Ye Sha. 

"Sa tingin mo ba'y kakayanin mo kaming dalawa na pigilan ng mag-isa?" Ang pinaka-mataas na ranggo lang sa Lower Realm ay Purple Belt kaya't iniisip niyang nagkakamali si Ye Sha. 

"Malalaman mo rin." Sumagot si Ye Sha at tumawa saka biglang sumigaw: "ALIS NA!" 

Dali daling sumunod sina Hua Yao at Qiao Chu at binuhat si Jun Wu Xie habang tumatakbo pababa ng bundok. Hindi nila kilala kung sino ang dalawang lalaking iyon at alam nilang hindi nila kayang harapin sila. Ang lalaking naka-itim ay halatang mas malakas kaysa sa kanilang dalawa. Kung labanan ang paguusapan, siguradong hindi sila makakatulong at magiging pabigat pa kung sila ay mananatili. 

"Hindi kayo makakatakas ng ganung kadali." Nakalisik ang mga mata ng lalaking naka-puti sa tatlong kabataan at akmang hahabulin sila ng biglang humarang si Ye Sha sa dadaanan ng lalaki.