Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 298 - Orange Spirit (2)

Chapter 298 - Orange Spirit (2)

"Sa anong batayan sila natanggap?!" Nagagalit ang ibang mga kabataan, tila hindi matanggap ang nangyari at gustong tumakbo kay Tandang Ke para tanungin ito. Yung dalawang batang 'yon ay mas mababa pa sa kanila sa kahit na anong paraan, paano nila nakuha ang pagkilala ng Tanda?

Nilamon sila ng galit, pero walang naglakas loob para harapin si Ke Cang Ju dito, at napadesisyunan nilang ilabas nalang ito kayla Qiao Chu at Jun Wu Xie.

Ngunit nakita na nila ang kalupitan at kapangyarihan ni Qiao Chu noon, kaya't napagisipan nila na ang "magandang solusyon" na ibaling lahat sa payat at mahinang Jun Xie.

Kababalik lamang ni Jun Wu Xie sa kanyang silid at babalikan niya palang ang kanyang plano kung paano gagawin ang kanilang misyon nang may malakas at tila nagmamadaling katok ang bumulabog sa kanya.

Tumayo siya para buksan ang pinto. Sa maliit na buka pa lamang ng pinto ay maraming kabataan na ang nagpumilit na pumasok sa kwarto niya, ang kanilang mukhang nagpapakita ng galit.

"Isarado mo yung pinto, dali!" Nagmamadaling sinabi ng isang kabataan.

Si Jun Wu Xie na naitulak sa gilid, ay nakatayo lang ng nakasimangot sa agresibong grupo ng kabataan. Ang kanyang mata'y malamig habang sinara nila ang pinto.

Anim hanggang pitong kabataan ang nakatayo kung kaya't biglang nanliit ang kuwarto niya.

Nanatiling nakatayo sa gilid si Jun Wu Xie, ang mata'y nanlilisik sa galit sa kanilang pangiistorbo't panghihimasok.

"Bata, saan mo nakuha ang mga damit na to?" Tanong ng isang kabataang may sinag ng kasamaan. Alam nila kung saan nila ito nakuha, pero ang layunin nila ay maghanap ng gulo at nagpatay-malisya sila para gawing dahilan upang "maturuan" nila ng tamang kaugalian ang paslit.

Bakit siya pinag-awayan ng dalawang Tanda sa magkaibang peak? At base sa anong abilidad siya natanggap para maging isang disipulo sa loob ng dalawang araw na kapapasok pa lamang nilang lahat sa Hidden Cloud Peak ng sabay sabay?!

Sa pag-iisip pa lang nito, kinagalit na ng husto ng maraming kabataan.

Dinaanan niya ng tingin ang lahat ng kabataang pumasok sa kwarto niya at patuloy na nanahimik.

"Ano?! May lakas ng loob ka paring magmataas ngayon? Ang kapal ng mukha mo para nakawin ang damit ng mga nakakataas sa atin! Isang malaking paglapastangan! Kung tatanggalin mo lang ang damit mo at tahimik na ibibigay ito sa amin at humingi ng tawad, pipilitin naming palampasin ito at pabayaan ka. Kung hindi, kukunin namin 'yang damit sayo ng sapilitan at kakaladkarin ka namin sa nakataas sa atin para bigyan ka ng parusa!" Inakala ng mga kabataan na ang pananahimik ni Jun Wu Xie ay dahil sa kanyang takot at sindak, na lalong nagbigay gana sa kanila para maghiganti.

Gusto lang nila mailabas ang kanilng inggit at kasuklaman at wala silang pakialam sa kung ano man ang magiging kapalit nito.

Si Jun Xie ay isa lamang kakatanggap na pilyong disipulo, at kung binigyan nila ito ng tamang pananakot para manahimik siya, hindi ito magsusumong kay Tandang Ke!

Ang mga mata ni Jun Wu Xie's patuloy na nanlamig. Ito'y nanlisik sa galit.

"Ikaw ang nanghingi nito. Kapatiran! Tanggalin na natin ang walang hiya na ito ng kanyang damit! Gusto kong makita kung paano panatilihin ng basurang ito ang kanyang pagpapanggap!"

Maraming matitikas na katawan na kabataan ang lumapit kay Jun Wu Xie, tila malaki ang tiwala sa kanilang lakas.

Nag-alab ang nanlalamig na mata ni Jun Wu Xie, ang kanyang nakatagong spiritual powers ay sumabog sa kanyang katawan.

Sumiklab ang kahel na ilaw sa kanyang katawan, at isang kahel na bola ang nagsanib at nagliwanag sa kanyang palad. Iniwasan niya ang lumusob na mga kabataan, at itinulak niya ang kanyang palad na may kahel na globo sa panga nito, at siya'y lumipad! Bigla siyang yumuko at pinatid ang lahat ng mga umaatakeng kabataan sa isang galaw. Inilabas niya ang kanyang spritiual powers sa kanyang palad at lalong lumiwanag ang kinang nito. Inilabas niya ang kanyang palad at ang kahel na globong mula sa kanyang kapangyarihan ay mabilis na inatake ang mga kabataan. Lahat sila'y napahandusay sa sahig!

Maraming hiyaw ng sakit ang maririnig sa buong silid.

Ang kahel na bola at sumabog sa kanilang mga katawan, at ito'y nagdala ng alon ng paghihirap na bumalot sa kanila.

Kanilang napagtanto ang kulay ng kinang ng kanyang spiritual power at sila'y napatitig at hindi makapaniwala.

Ano tong nasa harapan nila?!

Itong paslit na to ay may orange leveled spirit!