Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 299 - Orange Spirit (3)

Chapter 299 - Orange Spirit (3)

Lahat ng kabataan ay mga binata't dalaga pa lamang. Nagsimula noong sila'y maging kartose nang magising ang kanilang spirits, at sila'y nagensayo at nagpalinang ng kanilang spiritual powers sa loob ng tatlong taon. Sa loob ng sandaling panahon na iyon, marami'y nanatili sa red level at ang orange level ay napakalayo pa't isang pangarap lamang.

Ang mga kabataang pumunta sa angkan ng Qing Yun ay ang mga kabataang ang kalakasan ay nasa medisina at nagpursigi sa larangan na iyon. Ang kanilang oras at pagod ay ginugol sa kanilang pageensayo sa medisina kung kaya't napilitan silang mapabayaan ang paglilinang sa kanilang spritiual powers. Dahil dito, karamihan ng mga disipulong wala pa sa gulang ng dalawampu sa loob ng angkan ng Qing Yun ay kadalasang nananatili sa pula.

Pero anong meron sa batang ito?!

Mukha siyang labing-apat o labing-limang taong gulang lamang pero nasa orange level na siya?!

Nagigising lamang ang spiritual powers sa edad na labing-apat pero nasa orange level na agad siya?!

Sa loob ng isang taon, nagawa niyang malagpasan ang red level?!

Hindi makapagsalita ang mga kabataan. Kahit isinan-tabi nila ang nangingibabaw at katangi-tanging galing nito sa komplikadong pagaaruga at paglilinang ng mga ugat sa harapan ni Mu Chen, at ipalagay na ang kanyang panahon ay iginugol lamang sa paglinang at pagensayo ng kanyang spiritual powers, imposible paring maabot ang orange level ng napakasandaling panahon!

Anong pinakain sa kanya habang siya'y lumalaki?!

Naipamalas na niya ang kanyang ulirang galing sa medisina, at ngayon ay napatunayan pa niya na ang kanyang spiritual powers ay tila nalagpasaan na silang lahat. Ano ba talaga ang nangyayari?!

Ang pagkakaiba ng kanilang spiritual powers ay sapat na para mapaluhod sa suko ang mga kabataang may ilang taon ang tanda kay Jun Wu Xie. Maaaring isang lebel lamang ang linamang ni Jun Wu Xie, ngunit ang red level ay isang pagbukas pa lamang ng pinto para makita ang kalawakan ng spiritual powers, at ang orange level ay isang hakbang na sa nakabukas na pinto kung saan isang panibagong kaharian ng pagbuo at kadalubhasaan ng spiritual powers. Ang distansya ng dalawang lebel ay hindi maipapaliwanag ng kahit na anong salita, pero ang tunay na makakaintindi lamang nito ay ang mga nakalagpas sa pintuan.

Ito ang unang beses na ginamit ni Jun Wu Xie ang kanyang spiritual powers sa labanan, at ang marilag na pakiramdam ng kalakasan at kapangyarihan na dumadaloy sa kanyang katawan, ngunit nagsanib ng natural sa kanyang katawan, ay isang hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Tinignan niya ang mga namumutlang mukha ng kabataan sa kanyang sahig at sila'y nanginig nang mabalingan ng mga malalamig na mata ni Jun Wu Xie.

Sa isang iglap, nawala ang kayabangan at ka-agresibuhan ng mga kabataan. Ang una nilang akala ay si Qiao Chu ang mahirap harapin, pero hindi nila inakala na ang maliit na Jun Wu Xie ay ang maling taong banggain!

Hindi sila maaaring sisihin dahil, kahit paano pa tignan, hindi mo aakalaing may malakas siyang spiritual powers!

Ngunit napakamalupit nga naman ng katotohanan. Ang lakas ng orange level spirit ay nalupig nila ng walang batbat, hinampas sila sa mukha ng malakas at ang kanilang mga mukha'y namaga at nagmukhang mga baboy

"Anong hinihintay niyo? Kamatayan?" Tanong ni Jun Wu Xie na may nanlilisik na mata nang makita niya ang mga kabataang hindi makagalaw sa kanilang kinaroroonan.

Nagising bigla ang diwa ng mga kabataan at madaliang tumakbo papalayo sa silid ni Jun Wu Xie, na parang may multong humahabol sa kanila.

Pakatok pa lamang si Qiao Chu sa pintuan ni Jun Wu Xie nang biglang nagsilabasan ang mga kabataan sa kanyang kuwarto. Napatagil siya sa may pintuan, ang mukha'y makikitaan ng pagkalito.

"Anong gusto nila mula sayo?" Tanong ni Qiao Chu na nakasilip lamang sa pintuan ni Jun Wu Xie. Pinagmasdan niya si Jun Wu Xie at nakitang hindi gusot gusot ang damit nito, at ang mukha niya'y kalmado. Tska niya napagtantong hindi ito inapi, ngunit yung mga kabataang lumabas sa kanyang kwarto ay tila mga ibong nagulat at dali-daling lumipad papalayo kaya siya nag-alala.

"Kamatayan." Sagot ni Jun Wu Xie nang hinawi ang kahel na liwanag sa kanyang palad.

Ang mabilis na mata ni Qiao Chu ay nasulyapan ang kahel na liwanag sa palad ni Jun Wu Xie, at siyang napakurap, hindi sigurado sa kanyang nakita.

Wala pang kinse si Little Xie, hindi ba? Wala pang kalahating taon ang paggising ng kanyang spirit kaya imposibleng nasa orange level na agad siya, hindi ba?

Baka nagkakamali lang siya!

Papasok pa lamang si Qiao Chu nang isara ni Jun Wu Xie ang pintuan. Ang kanyang ilong ay namula at ang kanyang mga mata'y nagsimulang lumuha.

"Gusto ko na magpahinga." Maririnig ang mahinang boses ni Jun Wu Xie sa kabilang panig ng pinto, at naiwan si Qiao Chu na nakahawak sa kanyang namumulang ilong.

Talagang hindi kanais nais ang ugali ni Little Xie!