Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 31 - Ang Hindi Malirip na Dalubhasa (Unang Bahagi)

Chapter 31 - Ang Hindi Malirip na Dalubhasa (Unang Bahagi)

"Gumising ka na at nang makakain ka na!" Masayang dagil ni Jun Xian sa anak. Ngayong mas maayos na ang kalagayan ng anak, maaari na rin itong makakain upang maibalik ang dati nitong lakas kaya dali-dali nitong inutusan ang mga tagapaglingkod.

Nang magbalik ang mga tagapag-lingkod dala-dala ay mainit na lugaw, parehong ang mag-ama ay napatingin sa maiinit na mangkok dahil sa taglay nitong kaakit-akit na aroma.

Bahagyang mapapansin ang amoy ng mga halamang gamot sa pagkain. Dahil hindi siya nakakain magmula ng magkasakit ito, nakaramdam ng pag-ikot ng tiyan si Jun Qing ng sandaling ihapag sa kaniyang harapan ang pagkain.

Ngunit ng sandaling malanghap niya ang aroma, ang dating walang ganang kumain ay napawi. Pilit siyang umupo sa kaniyang kama para lasapin ang kaniyang unang pagkain sa loob ng ilang araw.

Pagkatapos, may kahirapan sa pag-upo ay natuklasan niya ang panganib na pinagdaanan habang siya ay walang malay.

"Bawat manggagamot na nakakita sa iyo ay iisa lamang ang sinabi. Nasa bingit ka na ng kamatayan,.. at kung hindi dahil sa kaniya…" Napabuntung-hininga si Jun Xian habang inaalala ang pait na dinanas ng malamang mamamatay na ang natitira niyang anak. Kung sakaling mangyari muli ang bagay na ito, hindi niya matitiyak kung pati siya ay makakaligtas.

"Ngunit… kamakailan lamang nang mag-umpisang mag-aral si Jun Wu Xie ng medisina. Paano niya nalaman ang mga dapat gawin?" Puno ng katanungan si Jun Qing, at sa pagkakataong ito, malaki ang pinagbago ni Jun Qing. Ang pasaway at walang pakundangan bata noon ay tila nawalang parang bula. Kahit nang humarap ito sa pang-aapi ni Mo Xuan Fei, nanatili itong mahinahon, hindi tulad ng dati. Ngayon ay nagpapakita na siya ng kagalingan at kahinahunan.

"Malaki ang pinagbago niya nitong mga nagdaang araw. Naging mapanuri siya. Sa tingin ko ay hindi isang simpleng pinsala lamang ang inabot niya noon tulad n gating inakala. Kung hindi dahil doon, hindi siya magbabago sa loob lamang ng maikling panahon." Hindi man sabihin ni Jun Xian, ngunit ito ay patuloy na tumatakbo sa kaniyang isipan at hindi maiwasan maghaka-haka.

Ang lahat ng ito ay nangyari matapos niyang magbalik nang sugatan. Ano ba ang pinagdaanan niya?

Sandaling nag-alinlangan si Jun Qing bago niya tuluyang sabihin ang katotohanan na bago ang insidente ay binigyan siya ni Jun Wu Xi eng binhi ng lotus.

"Binhi ng lotus?!" Bahagyang napa-isip si Jun Qing. Sa simula ay naisip niyang may palihim na nagtangka sa kaniya, ngunit ngayon, si Jun Wu Xie ay biglang nadawit.

"Marahil ay ibinigay niya ito sa akin nang walang anumang ibang kahulugan, o maaaring ang aking katawan ay sadiyang hindi na kinaya labanan pa ang lason. Gayunpaman, malaki ang paniniwala kong hindi ako magagawang saktan ni Wu Xie. Ang masasabi ko lang sa ngayon, pagod man ang aking katawan, ramdam kong mas mabuti na ang aking pangangatawan kumpara sa mga nagdaang sampung taon! Nanunot sa aking mga buto ang lason magmula noon, bagaman hindi nito ako tuluyang nakitil, ngunit ramdam ko ang panghihina ng aking ispiritwal at isipan." Patuloy na paliwanag ni Jun Qing sa pag-aalalang lubos na mapahamak si Jun Wu Xie.

Hindi siya nagmamalabis. Tunay na mahina pa rin ang kaniyang pangangatawan, ngunit ramdam niya ang pagkalisto ng isipan. Bukod pa rito, batid niyang dahil sa lason ay hindi niya magawang tipunin ang anumang enerhiyang ispiritwal, ngunit ngayon, nakakaramdam siya ng kaunting pintig sa tuwing sinusubukan niyang damhin ang kaniyang ispiritwal na enerhiya.

"Totoo ba ito? Huwag mong isipin na madali mo akong maloloko. Natural na maniniwala ako sa kakayahan ni Wu Xie, ngunit kung nakakaramdam ka pa rin ng pagkabalisa kahit saan, huwag mong isiping itago ito sa 'kin." Anuman ang mangyari, siya at si Wu Xie na lang ang natitira niyang kaanak at hindi niya hahayaang sapitin nila ang anumang sakuna.

Nakangiting tumango si Jun Qing habang buong pagmamalaki nitong ikinukumpas ang kaniyang mga braso upang ipakita sa kaniyang ama na siya ay tunay nang magaling.

Gayunpaman, ng mga sandaling iyon, ay may kakaibang naramdaman si Jun Qing. Napahinto siya at napa-isip ng malalim.

"Anong nangyari?" Mabilis na nagtanong si Jun Xian nang mapansin niya ang pag-iiba sa reaksyon ni Jun Qing.

Napalunok si Jun Qing at hindi makapaniwala.

"Ang aking mga binti…"

"Anong nangyari sa iyong mga binti?!" Balisang tanong ni Jun Xian.

"Nakakaramdam ako ng… sakit sa aking mga paa?" Napahintong sabi ni Jun Qing.