Magmula nang malason si Jun Qing, ang kaniyang mga binti ay nawalan rin ng pandama, maliban na lang sa ilang pagkakataong nakakaramdam ito ng labis na panlalamig tuwing taglamig. Gayunpaman, malinaw sa kaniya ang kasalukuyan niyang nararanasan, bagay na hindi niya nararamdaman nitong mga nagdaang taon. Kahit na masakit, masaya siya sa kaniyang nararamdaman.
"Ama, nasaan si Wu Xie?" Tanong niya nang may biglaan itong naalala.
["Tiyo, may tiwala ka ba sa akin?"]
Hindi siya nag-isip nang kung anupaman nang tanungin siya nito ni Jun Wu Xie. Ngunit ngayon, matapos ang lahat ng mgapangyayari… matapos siya nitong tanungin, ay saka siya nito sinubuan ng 'binhi ng lotus' at noon ang kaniyang katawan dumanas ng malaking pagbabago.
Ang lahat ng ito ay malabong nagkataon lamang!
Sa kahilingan ng anak, nagpadala ng isang tagapaglingkod si Jun Xian upang ipatawag si Jun Wu Xie.
Nang pumasok siya ng silid, bakas pa rin ang aroma ng mga halamang gamot. Bitbit ang itim na pusa sa kaniyang bisig, nagtungo ito sa tabi ng higaan ni Jun Qing.
"Gising na si Tiyo." Tulad ng inaasahan, walang bahid ng pagkabigla sa kaniyang tinig.
"Wu Xie, sa pagkakataong ito, nais ng iyong Tiyo na magpasalamat sa iyo ng maayos." Taos-pusong ngumiti si Jun Qing sa kaniyang pamangkin. Napansin din niyang mukhang masaya at kuntento ang pusa sa kaniyang bisig. Mula pa noon ay mahilig na sa hayop si Jun Wu Xie, ngunit dahil sa pagkainipin ng dalaga, ang mga hayop na iyon ay hindi makatiis at madalas tumatakbo papalayo sa kaniya sa tuwing lalapitan niya ang mga ito. Maging siya ay sinubukang humuli ng ilang aso at pusa para kay Wu Xie, ngunit maging ang mga ito ay tumatakbo kapag nasilayan na ang dalaga. Kung kaya't ang makita ang pusa sa bisig ng dalaga ay isang pambihirang pagkakataon.
"Hindi na kinakailangan. Alam kong kasalanan ko ito." Napayuko at marahang niyang sagot habang hinihimas ang pusa.
Ikinagulat ito ng mag-ama.
"Wu Xie, ano ang ibig mong sabihin?" Malumanay na tanong ni Jun Xian sa pangambang matakot ang kaniyang apo kung sakaling magaspang ang kaniyang pagkakatanong.
Tumingin si Jun Wu Xie sa dalawa nang may liwanag sa kaniyang mga mata at nagsabing, "Sa katunayan, walang dahilan upang ikubli ko pa ito sa inyo. Noong mga oras na iyon, nang mahulog ako sa bangin, halos mabali ang aking mga buto. Kung hindi dahil sa Master na nagligtas sa akin, marahil ay matagal na rin akong pumanaw."
"Master?"
Tumango si Jun Wu Xie at nagpatuloy, "Siya ang nagligtas sa akin at naghatid sakin pabalik sa Palasyon ng Lin. Gayunpaman, hindi niya nais ipabatid sa iba ang kaniyang katauhan, kung kaya't ipinaubaya niya ako kay Wu… Kuya. Habang ako ay nagpapagaling, nakita niya ang pagkagiliw kong matuto ng medisina at kinuha niya ako bilang kaniyang alagad. Batid kong wala akong alam na anuman sa kaniyang pinagmulan, siya pa rin ang aking tagapagligtas at alam kong kahanga-hanga ang kaniyang kasanayan sa panggagamot. Ang tunay na dahilan kung bakit ako nagpasiyang mag-aral ng medisina ay hindi dahil bigla ko itong nagustuhan kundi dahil sa kaniya. Ayon kay Master, dahil mahina ang aking pangangatawan, bukod pa rito, ay wala akong contractual spirit, ito na lamang ang natatanging paraan upang mapangalagaan ang aking sarili." Sumulyap siya kina Jun Xian at Jun Qing at nang makitang taimtim silang nakikinig, nagpatuloy siya. "Sa katunayan, ang binhing iyon ay hindi isang pangkaraniwang binhi ng lotus. Ito ay nanggaling kay Master at may kakayanan itong maglinis ng bone marrows."