Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 280 - Ikalimang Sampal (2)

Chapter 280 - Ikalimang Sampal (2)

Tinanggap ng binata ang mga laslas nang hindi nagsasalita at nakayuko. Ang kayang magagandang mga mata ay hindi nagpakita ng kahit na anong bahid ng takot.

Maririnig ang bawat hampas ng tubo sa silid habang ang dalawang disipulo sa labas ay nakayuko habang "ihinahanda" ang dalawang bagong dating na tupang isasakripisyo.

"Kaya pa ng batang yun!? Buhay pa talaga siya!" Sabi ng isang disipulo ng walang malasakit, dahil sanay na siya sa mga nangyayaring pagpapahirap sa silid na iyon at si Hua Yao lamang ang nakatagal ng mahigit sampung araw sa kasuklam-suklam na mga kamay ni Ke Cang Ju.

Kalimutan mo ang sampung araw, ni limang araw walang nakakatagal! Karamihan sa pangatlong araw namamatay ang mga naipapasok dito. At kung hindi sila mamatay, sila'y nabubulag at napipipe at wala silang masabi na kahit anong protesta sa ginagawa sakanila. Kamatayan pa ang lunas para sa kanila.

"Tinignan ko siya kaninang umaga, mukhang hindi na siya magtatagal pa." Sagot naman ng isa pang disipulo.

"Gaano kaya katagal 'tong dalawang to? Dalawang araw? tatlo? Itong batang 'to mukhang payat pero sa totoo lang, matipuno ang kanyang katawan." Sinabi nito habang sinisira ang damit ni Qiao Chu. Nang titigan nila ang hubad na dibdib ng binata, hindi nila napigilan ang kanilang sarili at hinawakan nila ito. Lunod sa paghanga, hindi napansin ng disipulo ang paggalaw ni Qiao Chu sa kanyang paghawak.

Sa kabilang panig, hindi naitago ang dismaya ng isang disipulo sa kanyang suwerte. Napakapayat at maliit lang ang katawan ng nasa harap niya.

"Hindi ko alam sayo, pero eto, suwerte na 'to kung di siya mamatay ngayon."

Habang siya'y nagsasalita, kinuha niya ang kanyang patalim at bago pa mapunit ang damit nito'y natigil sa kanyang gagawin.

Nanigas ang disipulo nang makita niya ang maliit na kamay na nakahawak sa kanyang pulso.

Ang maliit na kamay ay pagmamay-ari ng batang nasa harapan niya.

"Little Black" si Jun Wu Xie, na kanina lamang ay walang malay, ay biglang dumilat at sa malalim na tawag ay may malaking itim na anino ang nagpakita sa silid.

Mahinahon pa ang dalawang disipulo ng biglang makita nila ang isang malaking itim na halimaw, pero nasunggaban na sila bago pa sila makagalaw.

Paano nakapasok ang isang malaking halimaw na ito sa silid?!

At hindi nila napansin?!

Ang mga patalim na hawak nila kanina'y nabitawan na nila nang sunggaban sila ng malaking halimaw at sila'y hinawakan nito sa bawat paa nito sa kanilang dibdib, ang matatalim na kuko nito'y nakapwesto sa kanilang carotid artery. Kaunti pang presyon at mapapatay sila nitong halimaw na ito.

"Pag narinig mo silang magsalita, patayin mo na sila." Isang malamig at malinaw na boses ang kanilang narinig at nang makita nila kung kanino galing ang boses na iyon, nanlaki ang kanilang mga mata sa takot.

Isang maliit na katawan ang nakaupo sa sahig na gawa sa kahoy nang walang pagmamadali. Ang maliit na binatang kanina lamang ay walang malay, ngayo'y nakatitig sakanila na nagbigay kilabot sa kanilang pagkatao. Hindi na sila nagbalak pang manlaban.

Related Books

Popular novel hashtag