Tinignan ni Jun Wu Xie ang dalawang kutsilyo malapit sa kanyang mga paa nang siya'y tumayo. Ang kanyang naninilim na panignin ay nagiba nang siya'y naglakad sa tabi ni Qiao Chu. Giniit niya ang bibig ni Qiao Chu at pinalunok ang elixir dito.
Sa isang kisap-mata, ang walang kabuhay buhay na katawan ay nangisay at sumigaw si Qiao Chu!
"Kadiri!! Ptui!!", tumayo si Qiao Chu habang hinihila niya ang kanyang damit. Kinamot ng kinamot ni Qiao Chu ang kanyang katawan hanggang sa mag-init at mamula ang kanyang balat.
"Ginalaw ako ng isang lalaki!"
"Baliw ba 'yong manyak na iyon!?"
Hindi matanggal sa isip ni Qiao Chu ang ala-ala nang paghaplos sa kanyang katawan habang siya'y gising ngunit hindi makalaban dahil hindi siya makagalaw. Naglakad siya patungo sa itim na halimaw, patungo sa imahe ng lapastangang nambastos sa kanya-- kumukulo ang kanyang dugo at ang kanyang panginin nanilim dahil sa galit.
Nagdalawang-isip ang itim na halimaw at kumurap nang natanaw nito si Qiao Chu; litong lito nang ito'y sumulyap kay Jun Wu Xie.
Nagtago si Jun Wu Xie.
At tinaas ng itim na halimaw ang kanang paa nito.
Pagkataas na pagkataas ng itim na halimaw, naglabas ng buntong-hininga ang disipulo ngunit siya'y biglang nasa ere na nang siya'y sinunggaban ni Qiao Chu na umuusok sa galit!
"Huwag kang mag-ingay", babala ni Jun Wu Xie kay Qiao Chu.
Tinakpan ng kamay ni Qiao Chu ang bibig ng disipulo at hinagis niya ito sa lupa. Kinuyom niya ang kanyang kamay at inulanan ito ng mabibigat na sapak buhat ng matinding galit!
Hindi makatakas ang disipulo mula sa sakmal ni Qiao Chu. May tinatago palang kakaibang lakas na hahamon kay Drunk Lotus ang maliit na katawan ni Qiao Chu--sabay sabay ang paghagis ni Qiao Chu ng kanyang kamao sa disipulong nadurog na ang mukha.
Nagtatago sa ilalim ng itim na halimaw ang isa pang Hidden Cloud Peak na disipulo, napipilitang manood habang tuluyang dinudurog ang kanyang kasamahan. Kinilabutan at nanlamig siya sa kanyang nakita.
Pinakawalan na lang ni Qiao Chu ang lalaki nang inabot na siya ng kanyang huling hininga. Pinunas niya ang kanyang mga kamay na babad na sa dugo. "Ito pa naman ang aking pinaka magandang damit! Ngayon pati ito ay sira na!"
"Little Xie, ano ba ang pinakain mo sa akin at hindi ko magalaw ni isang daliri?", Ayaw nang maranasan pang muli ni Qiao Chu ang pangyayaring iyon. Nang lumitaw si Ke Cang Ju, tinaas ni Qiao Chu ang kanyang kamao ngunit nanigas ang kanyang katawan. Nanatili ito hanggang sa inilagay ni Jun Wu Xie ang isa pang bote ng elixir muli sa kanyang katawan.
"Dapat nang kumpletuhin ang gawain", pabulong na sinabi ni Jun Wu Xie nang kanyang tinignan ang isa pang disipulo ng Hidden Cloud Peak na nasa ilalim ng paa ng itim na halimaw.
Napansin ito ng disipulo at mas lalo pa siyang kinilabutan. Nagmakaawa siya habang nakatingin kay Jun Wu Xie nang may takot, umiiling para sa kanyang buhay.
"Patayin." utos ni Jun Wu Xie.
Sinakmal ng itim na halimaw ang leeg ng disipulo bago pa siya makakilos. Hindi nag-iba ang mukha ng disipulo -- puno ng takot mula sa kanyang mga mata at buong mukha.
Matapos ito, tumuloy sina Jun Wu Xie at Qiao Chu sa mas malalim pa na parte ng silid na nasa ilalim ng lupa.
Doon, ang "aral ng araw" para kay Hua Yao ay nagaganap pa rin habang "nagtuturo" naman si Ke Cang Ju. Habang pinagmamasdan ni Ke Cang Ju ang kanyang mga estudyante, napansin niya ang kakaibang reaksyon ng isang estudyante. Tinaas ng magandang binata ang kanyang mukha, labis na naghihirap rito. Tinignan ng kumikislap niyang mata si Ke Cang Ju mula sa kanyang kinalalagyan.
"Bibigay ka na?", humagalpak si Ke Cang Ju, umalingawngaw ang kanyang tawa sa silid. Walang pinapakitang kahinaan si Hua Yao nang siya'y pinaparusahan, ngunit ngayon ay para bang nag-iba na ang kanyang tingin. Ito na kaya ang kanyang pagsuko?