Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 30 - Mapanghilom na mga Kamay (Ika-apat na Bahagi)

Chapter 30 - Mapanghilom na mga Kamay (Ika-apat na Bahagi)

Napasimangot sa binata si Jun Wu Xie sa pagkabigla habang siya naman ay kaswal lamang na nagtungo sa pinakamalapit na upuan, umupo, nangalumbaba at saka binigyan ng kaakit-akit na ngiti ang dalaga na tila ba walang nangyari. Ang mahaba at makintab nitong buhok, bagsak at nakabalangkas sa maganda nitong mukha.

Ang larawang iyon mismo ay isang kasalanan.

Hindi siya nakita ni Jun Wu Xie ng ilang araw at halos mapaglimutan na. Hindi inakala na bigla itong magpapakita.

Sa kabila ng mga pabangong nakabalot sa kaniyang katawan, bahagya pa rin niyang naaamoy ang dugo dahil sa matalas niyang pang-amoy.

Masaya si Jun Wu Yao na nakatinging sa dalaga ngunit halos gumuho ito nang makita niyang sumimangot ito sa kaniya at nagtakip ng kaniyang ilong. Ang kaniyang makisig na ngiti, napahinto

"Sa susunod, hangga't hindi mo pa lubos na naaalis ang ganiyang amoy, hindi ka maaaring pumasok sa parmasya." Babala niya. Wala siyang pakialam kung saan man siya nanggaling, hangga't wala itong ginagawang masama sa kaniya o sa Palasyo ng Lin, maaaring nitong gawin anuman ang naisin nito.

Dahan-dahang tumayo si Jun Wu Yao habang nakatingin ito sa dalaga nang may pighati sa kaniyang mukha.

Ang amoy ay bahagya na lamang na naroon, bukod pa rito, ang silid na ito ay nababalutan ng amoy ng mg halamang gamot. Gaano katalas ang kaniyang pang-amoy upang matukoy pa niya ito sa kabila ng mga naghalu-halong amoy?

"Hindi mo talaga gusto ang amoy na ito?" Halik-ik nito.

"Oo!" Napansin niyang naglalakad ito papunta sa kaniya at hindi niya maiwasang mapaatras habang papalapit ito. Nasusuklam siya sa amoy nito lalo na kung wala siyang nilulunasang pasyente.

"Patawad… totoo." Sambit ng binata nang mapansin niya ang patuloy na pag-iwas ni Jun Wu Xie. Maya-maya pa, isang pilyong ngiti ang lumabas sa kaniyang mukha at bigla itong nawala. Bago pa man siya makatugon nang may biglang makisig na bisig na umakap sa kaniya.

Ang kaniyang magandang mukha ay sapilitang napasubsob sa malapad na dibdib ng binata kung saan mas matapang ang amoy ng dugo at si Jun Wu Xie ay nanigas na parang bato.

"Bitawan mo ako!"

"Sandali lang, sa susunod, hindi ko na hahayaang maamoy mo ito." Hindi pinakawalan ni Jun Wu Yao ang dalaga, bagkus ay niyakap pa niya ito ng mahigpit.

Ang kaniyang katawan, maliit at malambot, tila isang munting hayop na nagtatago sa isang ligtas na lugar, ngunit ang munting dalagang akap niya ay mukhang may matatalas na pangil na handing lumaban.

Nagsisiklab sa galit ang dalaga habang patuloy siyang inaakap ng mahigpit at hinahaplos ang kaniyang buhok na para bang isa siyang alagang hayop! Ang damit na kapapalit lang niya ay kinakailangan niyang palitan muli dahil sa kumapit na amoy ng dugo. Nang sandaling pakawalan siya ng binata ay agad ito tumakbo palayo sa parmasya at kinuskos ang sarili ng maraming beses bago siya tuluyang lumabas ng kaniyang silid.

Matapos maabanduna ng kaniyang Mistress, walang magawa ang itim na pusa kundi panlisikan si Jun Wu Yao. Hindi naman mapigilan ni Jun Wu Yao ang mapahalakhalak nang makita ang papalayong Jun Wu Xie. Nakaramdam ang itim ng pusa ng malakas na pagbabago ng kapangyarihan at napagtanto niya kung gaano kapanganib ang binata kung kaya't nagmadali rin itong tumakas sa parmasya at sinundan ang mga direksyon ng dalaga.

Master! Huwag mo akong iwanan sa baliw na ito!

... ....

Unti-unting nagkamalay si Jun Qing, nahihilo man, ay malinaw sa kaniya ang taong nakaupo sa kaniyang tabi. Nang mapawi ang kaniyang pagkalango, napansin niya na tila mas tumanda ang kaniyang Amang labis na nag-aalala sa kaniya mula nang huli niya itong nakita.

"Ama?" Nagpumilit umupo si Jun Qing ngunit pakiramdam niya ang kaniyang buto ay tila nabali at sa sobrang sakit at hindi siya makagalaw.

"Huwag kang gumalaw! Humiga ka lang!" Agad na inalalayan ni Jun Xian ang anak.

"Anong nangyari?" Bagaman at pakiramdam niyang halos mabali ang kaniyang katawan at hindi siya makagalaw, nakararamdam pa rin siya ng kahit kaunting kaginhawaan.

"Halos patayin mo sa takot ang iyong Ama!"

"…" Walang magawa si Jun Qing kundi tingnan ang mapanglaw niyang Ama sa kaniyang tabi.

TL's Note: Ang harot ng male lead!