Agad namang tumalima si Drunk Lotus at sinundo ang dalawang guwardiya sa pinto. Sa oras na sila ay nakapasok, sinalubong sila ng amoy ng dugo. Nakita nila nang sakay ng black beast ang Emperor sa likod nang ipasok nito iyon sa silid. Nang maamoy nila ang dugo, natakot silang malaman kung ano ang nangyari sa loob.
"Sa susunod na dalawang araw, alagaan niyong mabuti ang Emperor. Painumin niyo siya ng maligamgam na tubig kada isang oras..." Naglagay si Jun Wu Xie ng mga bote ng elixir sa mesang katabi ng higaan. Bawat bote ay may partikular na instruksiyon kung paano ito ipapainom. Maayos na ang kalagayan ni Mo Qian Yuan ngunit wala pa rin itong malay. Kaya naman kailangan niya ng magbabantay dito at tutugon sa kailangan nito sa oras na gumising ito.
Napagdesisyunan ni Jun Wu Xie na hindi na siya ang gagawa non.
Matamang nakinig ang dalawang guwardiya sa bilin ni Jun Wu Xie at nag-alangang magtanong. Maigi nilang pinasok sa kanilang isip ang bawat sinabi ni Jun Wu Xie maingat na wala silang makaligtaan.
Matapos maghabilin ni Jun Wu Xie ay agad na itong lumabas sa silid kasama si Mo Qian Yuan dahil hindi niya gusto ang amoy ng dugo kailanman.
Saka lang lumapit sa tabi ng kama ang dalawang guwardiya nang tuluyan nang nakalabas sila Jun Wu Xie. Muntik nang matumba sa gulat ang dalawang guwardiya nang makita si Mo Qian Yuan.
Nakabalot sa benda ang buong katawan ng Emperor at nakahiga sa kamang puno ng dugo. Kung hindi lang umaangat ang dibdib nito dahil sa paghinga, aakalain nilang patay na ito.
Sa katunayan, nang makita nila si Mo Qian Yuan na nasa likod ng black beast, akala nila ay mamamatay na talaga ang Emperor!
Nagulat sila nang makita ang normal nang paghinga ng Emperor at hindi na ito mukhang mamamatay. Ngunit kalunos-lunos pa rin ang itsura nito.
Nagugulahan ang dalawang guwardiya. Pumasok ang Young Miss ng Jun Family na ang tanging kasama lang ay ang dalawang lalaking hindi nila kilala at hindi nila nakita na nagtawag si Jun Wu Xie ng Imperial Doctor para ito ay gamutin. Paano nila nagawang isalba ang Emperor sa loob lang ng kalahating araw?
Hindi kaya'y...Isa sa lalaking kasama nito ay isang milagrosong duktor?
Nilimitahan ng dalawang guwardiya ang kanilang haka-haka kila Jun Wu Yao at Drunk Lotus lang. Hindi naisip ng mga ito na ang nagbigay ng pag-asa kay Mo Qian Yuan na mabuhay ay walang iba kundi si Jun Wu Xie!
Nagmamadali si Jun Wu Xie na makabalik sa Lin Palace para makapagpahinga ngunit dadaan pa lang sana siya sa Imperial main hall nang makita niya ang mga grupo ng opisyales na nasa labas niyon at nakatitig sa kaniya.
Dumating ang mga opisyales doon para dumalo sa morning court ngunit sila ay ipinagtabuyan ng mga delegado ng Qing Yun Clan. Ang tanging nagawa lang ng mga ito ay ang maghintay sa labas at umasang lumabas ang Emperor doon na ligtas at buhay.
Ngunit sa kanilang paghihintay ay narinig nila ang mga sigaw at pagmamakaawa.
Nang ipatanggal ni Jun Wu Xie ang mga alipores ng dating Emperor, nawala ang halos kalahati ng mga opisyales sa Qi Kingdom. Ang tanging natira ay ang mga tapat sa Kingdom of Qi. Nang si Mo Qian Yuan na ang namuno, tumanggap siya ng mga taong may mabuting puso at hangarin kahit na galing ito sa mababang pamilya. Dati ay marami ang hindi tinanggap ng dating Emperor dahil sa galing ito sa hindi kilalang angkan. Kaya naman nang si Mo Qian Yuan na ang nag-umpisang mamuno, nanatili ang mga itong tapat. Ang mga taong iyon ay naghihintay ngayon sa labas ng main hall.
Habang sila ay nakatayo at naghihintay sa labas, malinaw nilang narinig ang sigaw ng pagmamakaawa ng kanilang pinuno, ang mayabang at matatalas na salita ng mga taga-Qing Yun Clan. Wala silang ibang nagawa kundi humiling na sana ay sila na lang ang nasa kalagayan nito.
Sukdulan ang kanilang galit sa Qing Yun Clan ngunit wala silang magawa at parang dinudurog ang kanilang mga puso sa patuloy na sigaw na kanilang naririnig.
Ang pagdating ni Jun Wu Xie ay nagpabago ng kanilang nararamdaman, isinalba sila nito sa matinding kabiguan.