Chapter 245 - Awkward (1)

Nakita na nila kanina ang grupong papasok ng Imperial main hall na pinamumunuan ni Jun Wu Xie at pinanuod nila ang mga ito na isa-isang inuubos ang mga taga-Qing Yun Clan. Namangha silang lahat kay Jun Wu Xie.

Nang dumadaan si Jun Wu Xie sa pinto ng main hall papunta sa Lin Palace, isang matandang lalaki na puting-puti na ang lahat ng buhok nito sa ulo ang mariing nakatitig kay Jun Wu Xie.

Sumimangot si Jun Wu Xie at tumigil. Nakilala niya ang matandang ito. Kasama ang henerasyon ni Mo Qian Yuan, tatlong henerasyon itong nanilbihan sa Imperial Family ng Kingdom of Qi. Naging pangkaraniwan lang ito at hindi ito nagsumikap o nagreklamo. Iyon ang dahilan kung bakit nanatili itong pangkaraniwan, hindi mataas ang posisyon at hindi rin mababa kahit na tatlong henerasyon na itong nanilbihan. Kinonsidera ni Mo Qian Yuan ang mahabang paninilbihan nito at ang pagiging tapat kaya naman inangat ni Mo Qian Yuan ang posisyon nito nang siya ay manungkulan.

Walang malawak na kapasidad ang matanda ngunit nakaani ito ng respeto sa Imperial court dahil sa edad at sa matagal na nitong paninilbihan. Nakilala ito sa matatas nitong pananalita at ilang beses nang natigilan si Mo Qian Yuan dahil sa paraan ng pananalita nito.

Ang matandang lalaki ay palapit kay Jun Wu Xie. Pagod si Jun Wu Xie at hindi siya handa sa maaaring ibatong tanong nito.

Ngunit bago pa man maipakita dito ni Jun Wu Xie ang pagkawala niya ng pasensiya sa kasalukuyang sitwasyon, lumuhod na ang matanda sa kaniyang harapan. Nasurpresa si Jun Wu Xie sa ginawa nito.

Nang lumuhod ang matanda, sunod na nagsiluhod ang grupo ng mga opisyales sa likod nito.

Nang pangunahan ni Jun Wu Xie ang patayan sa pintuang daan ng Imperial Palace, marami ang nailang sa kaniya kahit pa mayroon siyang matinding dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Kahit nang magsimula nang manungkulan bilang Emperor si Mo Qian Yuan, pakiramdam pa rin nila na ang Young Miss ng Lin Palace ay tuso.

Ang nangyari ngayong araw ay nakapagpabago ng kanilang tingin kay Jun Wu Xie. Nakita nila ang malinis na intensyon ni Jun Wu Xie.

Kung hindi naging tuso si Jun Wu Xie, sinakop na ang Kingdom of Qi at naghari-harian na ang mga ito sa Kingdom of Qi.

Para sa mga opisyales na laging nangangaral tungkol sa moral at etika, wala silang nagawa kundi ang maghintay sa labas ng main hall at pilit silang pinanood habang pinapahirapan ang kanilang pinakamamahal na pinuno. Ang kahihiyan ay sobra na para kanilang tiisin at harapin.

Maaaring maliit ang kanilang kaharian, ngunit dapat itong umusbong.

Kung napahintulutan lang ang Qing Yun Clan na magpatuloy sa kanilang kalupitan, malamang ay hindi nakaligtas sa atake ng mga ito. Kung nawala ang haligi ng kaharian, hindi nila magagawang harapin ang kanilang mga ninuno.

Isinantabi ng mga opisyales ang kanilang mga posisyon at lumuhod sa harap ni Jun Wu Xie. Pinasalamatan nila si Jun Wu Xie sa paraang alam nila.

Napagisip-isip nilang may mabuti rin palang maidudulot ang pagiging tuso at marahil iyon ang kulang sa Kingdom of Qi kaya nanatili itong maliit na kaharian.

Saglit na nag-alangan si Jun Wu Xie bago niya napagtanto ang intensyon nito. Bahagya siyang napasimangot at nagsabing: "Ginawa ko lang ang nararapat, hindi niyo ako kailangang pasalamatan." Agad siyang tumalikod at inignora ang mga opisyales.

Sumulyap si Jun Wu Yao sa grupo at nagmadali para habulin ang lakad ni Jun Wu Xie. May nahagip ang kaniyang mga mata na nakaagaw ng kaniyang atensyon.

Ang maliit na tenga ni Jun Wu Xie ay namumula.

Naisip ni Jun Wu Yao na sadyang kaakit-akit si Jun Wu Xie sa kaniyang nakita. Sa personalidad nito ay hindi ito marunong tumugon sa grupo na halos lahat ay kasing-tanda ng kaniyang lolo, at nagpapakita sa kaniya ng lubos na pasasalamat.

Hindi ito tapat sa sarili at ibinuko siya ng kaniyang tengang namumula. Naaliw siya sa isiping iyon. Napangisi siya habang patuloy itong sinundan.