Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 25 - Lason (Ikatlong Bahagi)

Chapter 25 - Lason (Ikatlong Bahagi)

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Jun Qing at napa-iling. "Tsk. Tanging ang Kapatid ko lamang ang may kakayanang pagtiisan ang ugali mong 'yan. 'Wag mong kalilimutan, ang batang 'yon… siya ang natatanging anak ng taong sinumpaan mong paglilingkuran ng buong katapatan. Pag dumating ang araw na ako at si Ama ay wala na, siya ay mapupunta sa iyong…"

Ngunit bago pa man matapos ni Jun Qing ang kaniyang mga salita, isang di mawaring pakiramdam ang kaniyang dinanas na parang binabali ang kaniyang mga buto ng isang patalim. Namaluktot siya habang patuloy na kumakalat ang sakit sa bawat buto ng kaniyang katawan.

"Pinuno!" Puno ng pag-alalang nakatingin ang lalaki sa namumutlang mukha ni Jun Qing.

Ang lasong tinamo ni Jun Qing ay hindi pa tuluyang nawawala sa kaniyang katawan, at ang mga nalalabing lason ay nanuot na hanggang sa bone marrow nito. Maging ang taniyag na Soberano ng Angkan ng Qing Yun ay nabigo upang neutralisahin ito. Sa paglipas ng mga taopn, naging mapanuri si Jun Qing sa mga bagay-bagay, hanggang sa mga kinakain nito. Mainam pa ang kaniyang kalagayan habang sinasaway siya, bakit bigla na lamang…?

Hanggang biglang naisip niya ang isang bagay.

"Ang binhi ng lotus? Ngunit paano?"

Hindi man niya gusto si Jun Wu Xie, ngunit dahil nanalaytay sa kaniya ang pagiging isang Jun, hindi siya nag-isip ng kung ano pa man laban sa dalaga nang lumapit ito kay Jun Qing. Kung kaya't paano magiging siya ang dahilan?

Nagngingitngit sa sakit si Jun Qing habang lumalala ang sakit na dinaranas. Parang unti-unting siyang dinudurog at sakit ay hindi niya mailarawan. Ang kaniyang katawan, nababalot ng nanlalamig na pawis.

Nakita ng tagapag-lingkod ang patuloy na paglalang kalagayan ni Jun Qing kung kaya dali-dali nitong binuhat si Jun Qing mula sa kaniyang upuan at nagmadaling isinugod sa kaniyang silid.

Ang lahat ng ito ay hindi ipinabatid kay Jun Wu Xie. Patuloy siyang nagkulong sa parmasya at nananaliksik. Hindi niya ito inalintana dahil maging siya ay pinagdaanan ang prosesong ito. At ayon sa kaniyang palagay, hindi man madali ang karanasang ito ay wala pa rin itong magiging problema.

Gayunpaman, ang hindi niya alam ay may malaking pagkakaiba dulot ang proseso ng paglilinis ng isang normal na tao sa isang taong nalason ng malubha.

Sa mga oras na ito, patuloy ang pagdurusang nararanasan ni Jun Qing na parang isang libong patalim ang sabay-sabay na tumutusok sa kaniyang mga buto. Lahat ng mga magagaling na manggagamot ng bansa ay agad na ipinatawag sa Palasyo ng Lin dahil sa hindi inaasahang kaganapang ito

Ngunit lahat ng mga manggagamot ay walang magawa sa kalagayan ni Jun Qing habang patuloy na tumataas ang lagnat nito. Ang kaniyang katawan ay walang hinto sa pagkislot at ang kaniyang sapin, basa ng kaniyang pawis na halos kulay itim at nangangamoy.

Hindi malaman ng pangkat ng mga manggagamot ang gagawin at nangingig sa takot ang mga itong lumuhod sa tabi ng kama ni Jun Qing.

Agad nagtungo pabalik sa Palasyo ng Lin si Jun Xian nang matanggap niya ang balita upang makita ang anak. Ang balat ni Jun Qing, kasing-puti tulad ng isang papel. Hindi maganda ang kaniyang kondisyon, na parang nakabaon sa hukay ang isang paa.

Nanlamig si Jun Xian sa kaniyang nakita at sumigaw. "Ano ang nangyari?!?" Ang kaniyang mga mata, nanlilisik sa galit habang tinitingnan ang mga nakaluhod na manggagamot.

"Ang a…abang ito… ay hindi malaman kung paano… Kung paano nagkagulo ang daloy ng kaniyanng dugo, at ang lason sa kaniyang bone marrow ay biglang kumalat sa kaniyang buong katawan. Ang abang ito ay ginawa ang lahat… Lin Wang, mahabag ka sa amin!" Ang pangkat ng manggagamot at patuloy na humihiyaw ng awa dahil lahat sila a iisa lamang ang naging resulta – nalalabi na lamang ang oras ni Jun Qing!

Halos himatayin si Jun Xian sa kaniyang nabatid, ngunit pilit siyang nagpakatatag.

Ang natitira niyang anak, hanngang dito na nga lang ba?

Hindi!

Hindi ito maaaring mangyari!

Agad siyang nagtungo sa Palasyo ng Kamahalan, sa pagbabakasakaling makita si Bai Yun Xian dahil siya ay alagad ng Soberano ng Angkan ng Qing Yun. Ngunit siya'y nadismaya dahil tumanggi itong kitain siya sa kadahilanang natatakot pa rin ito mula sa insidente at kasalukuyang nagpapahinga.

Kung kaya't agad din siyang nagtungo sa Bulwagan ng Kamahalan upang makipagkita sa Emperador. Naharap sa isang mahirap na sitwasyon ang Kamahalan at wala siyang magawa kundi hayaang ipahiram ang mga Manggagamot ng Imperyo sa pamumuno ni Jun Xian patungo sa Palasyo ng Lin upang umagapay sa pagaampat ng lunas..