Chapter 229 - Torture (1)

Nagkalat ang amoy ng dugo sa Imperial Palace main hall. Nakaupo sa taas at bandang kanan na trono na sumisimbolo ng pagiging Emperor si Qin Yu Yan. Maamo at maganda ang kanyang mukha ng nakangiti lagi ngunit hindi ito ang nakikita sa kanyang mga mata.

Sa baba ng trono ay ang grupo ng Qing Yun Clan na pinamumunuan ni Jian Chen Qing, nanginginig ang kanilang mga labi ng makita nila ang katawan ng isang lalake, nakahandusay sa sahig sa gitna ng hall.

Gutay gutay ang suot nitong damit at ang buhok nito ay magulo at ang tamo nito ang hindi mabilang na sugat. Angd dugo nito ay nagkalat sa sahig. Ang laging magandang pustura nito ay napalitan ng nakahandusay na katawan habang namimilipit sa sakit.

Ang mga katulong ay nag ipon sa gilid ng palasyo ay unang pagkakataon nila makasaksi ng kalagim lagim na pangyayari.

"Ang mahal na reyna ay ipinagdadamot pa rin ang impormasyon kung nasaan ang Soul Jade? Bakit mo pa pipiliin danasin ang mga pasakit? Ang Qing Yun Clan at ang Qi Kingdom ay laging magkaibigan, bakit mo kami hinahayaan mainis?" Nanatiling naka upo lang si Qin Yu Tan sa kanyang trono at huminga ng malalim habang nakatitig sa nakahandusay na katawan sa malamig sahig.

Bagong hirang lang na emperor si Mo Qian Yuan sa Qi Kingdom na syang magkakaroon sana ng isang pagtitipon para sa kanyang pagkahirang at para sa mga paghanga sa kanya ng mga tao, ngunit pinasakitan ito ng Qing Yun Clan sa mismong main hall ng Imperial Palace.

Hindi nya na taglay ang kanyang lakas at tanging pag iinda ng sakit ang nakikita sa kanyang mukha na nakalapat sa matigas at malamig na sahig. Ang gwpao nitong mukha ay may dalawang malalim na sugat sa gawing panga ng kanyang mukha. Dumadanak pa rin ang dugo at tila namanhid na sa sakit si Mo Qian Yuan, di nya na pansin ang mga sugat nya dahil mas nararamdaman nya ang sakit sa loob ng kanyang katawan. Parang hinihiwa ang katawana nya sa loob at anumang oras ay mamatay sya sa pasakit nito.

Alam ni Mo Qian Yuan na hindi nya mararanasan ang matamis na kaginhawaan.

Hindi nya na rin alam ga ano na sya katagal nagpapasakit, ang tanging naaalala nya lang ay biglang sumugod ang Qing Yun Clan sa Imperial Palace at pinalabas lahat ng court officials, at sinara lahat ng pintuan. Kinaladkad nila ang namumuno pababa ng kanyang trono at sapilitang pinainom nang di alam na kung anong lason.

At doon na nagsimula ang pasakit...

Pinutol ang mga litid sa mga kamay at paa nito at binali ang kanyang gulugod. Di rin nya mabilang ang mga hiwa sa kanyang katawan. Sobrang sakit nito para isipin lamang ngunit pinainom pa sya ng gamot ng Qing Yun Clan para manatiling gising at maramdaman nya ang sakit. Kahit anong sakit ang nararamdaman nya di nya magawang mahimatay o mamatay. Ramdam nya ang kabog ng kanyang puso sa bawat sakit na kanyang nararamdaman.

Gustong tumawa ni Mo Qian Yuan, para tawanan ang kanyang katangahan. Lahat ng kanyang nararanasang sakit ay bunga ito ng kanyang pagiging walang kwenta.

Kung naniwala lang sya noon pa kay Jun Wu Xie at umatake sila, hindi nya mararanasan ang hagupit ng Qing Yun Clan.

Ngunit hindi nya naisip na ang clan na ito, ang clan na malawak ang kaalaman sa Medisina ay kayang kaya gamitin sa kalaban para maranasan ang pasakit nito sa katawan ng matindi nang hindi namamatay.

Ang akala nya ay napakasama ni Jun Wu Xie, ngunit sa ginawang pagpasakit sa kanya ng Qing Yun Clan ay tila anghel na para sa kanya si Jun Wu Xie.

At alam nyang kailanma'y hindi sinaktan ni Jun Wu Xie ang mga inosente.

Ito sana ang mangyayari kung pumayag sya dito.

Kahit ba panghahawakan ng Qing Yun Clan ang reputasyon nito bilang pinakamataas na clan sa balat ng lupa? At kahit pa maging maayos ang pagtratro nito sa kanya?

Nilunok ni Mo Qian Yuan ang dugo na umakyat sa kanyang lalamunan? Matinding pagpapasakit ang nararamdaman nito.

"Ayaw mo pa rin bang sabihin?" hinawakan ni Qin Yu Yan ang kanyang baba gamit ang dalawang nyang daliri habang nakatingin at napipikon sa tahimik na si Mo Qian Yuan. Di nya inaasahan yun , ang mahina na Emperor ng isang maliit na Kingdom ay nagkaroon ng lakas ng loob pagsinungalingan sya.

Related Books

Popular novel hashtag