Chapter 230 - Torture (2)

Nakapunta na sya sa Royal Tomb at sa bakuran ng pamilyang Jun. Hinalughog nya na ang lugar ngunit wala ni isang bakas nakita na senyales na andun amg Soul Jade.

Naisip ni Qin Yu Yan na nagsinungaling sa kanya si Mo Qian Yuan .

Hindi matawaran ninuman ang pagsinungaling sa Qing Yun Clan.

Hindi nya pinaslang si Mo Qian Yuan pero nasa inilagay nya pa rin ito sa bingit ng kamatayan. Matapos nyang piliting magsalita ito kung nasaan ang Sould Jade, papabalikin nya ito sa Qing Yun Clan na bali bali ang mga buto nito habang gising itong nagpapasakit.

Ito ang kaparusahan na nakuha nya sa pagtaksil sa Qing Yun Clan.

"Yun Xian." biglang tawag ni Qin Yu Yan. Si Bai Yun Xian na nakatayo lang at tahimik ay biglang napukaw at namutla. Lumuhod sya dito agad bago makaupo si Qin Yu Yam sa mataas na trono ng Emperor.

"Senior! Nagkasala ako sainyo! Hindi ko na uulitin ang pagkakali ko!" Butil butil na pawis ang tumulo sa gilid ng kanyang mukha. Sanay ang tao sa maamong mukha na taglay ni Qin Yu Yan, ngunit alam ng mga disipolo ng Qing Yun Clan ang mga gawain, alam nilang may tinatagong kulo ito sa kabila ng kanyang maamong mukha.

Ang matandang babae ng Qing Yun Clan na nagtataglay ng maamong mukha ay syang tunay na nagtataglay ng napakasamang ugali.

Hindi bihasa si Qin Yu Yan sa medisina, ngunit alam nito paano gumawa ng lason!

Sa bakuran ni Qin Yu Yan, marami itong nakaimbak na banga na may gamot. Sa bawat banga ay may puno ng iba't-ibang uri ng lason. Kaya ng mga ito baliin amg mga buto, tanggalin ang mga mata, at putulin ang dila ng mga taong di nya nakakasundo at gamitin ito sa kanyang pag-aaral sa mga lason. Lahat ng mga taong ito ay mananatiling buhay ngunit makakaranas ng matinding pasakit para sa kanyang pananaliksik.

Kahit ang mga disipolo ng Qing Yun Clan ay takot kay Qin Yu Yan.

Nakangiti itong nakatingin kay Bai Yun Xia na pinagpapawisan at kumaway sya dito. Isang disopolo ng Qing Yun Clan ang galing sa likod na may tulak ng wheelchair. At ang nakaupo dito ay ang nakatago at nakakapangilabot na si Mo Xuan Fei.

"Dahil inamin mo ang iyong kasalanan, alam mo na ang gagawin. Junior kita at may tiwala sa'yo ang aking ama. Dahil pinagtaksilan ako ng isang pinuno, hindi ito ang gustong marinig ng aking ama." Pagkasabinl nya noon ay may tinapon itong kutsilyo sa paa ni Bai Yun Xian. "Patayin mo sya at bumalik ka sa akin para ikaw ay maparusahan."

Nagulat si Bai Yun Xian at tinitigan ang matalim na kutsilyo sa kanyang mga paa. Nagdalawang isip sya bago nya ito kunin. Nanginginig sya habang naglalakad patungo sa di makapagsalita at di masyado makagalaw na si Mo Xuan Fei dahil may sakit ito.

Di nito taglay ang dati nyang itsura na pagiging swabe at nawala ang kanyang pagiging magandang lalake at ang elegante nyang awra. Sya ngayon ay suka ng suka ng mabaho.

"Hindi mo kaya?" Ani ni Qin Yu Yan habang pinagmmasdan si Bai Yun Xian.

"Hindi sa ganun." Kinalma ni Bai Yun Xian ang sarili. Kung gaya pa ito ng dati baka binigyan pa nya ng pagkakataong mahaling muli si Mo Xuan Fei. Ngunit sa ganung itsura at kalagayan, sinuko nya na ang kanyang mga iniisip.

'Patayin sya at papatawarin ako ng aking Senior."

Walang pag alinlangang pinuntahan nya at sinaksak si Mo Xuan Fei sa dibdib nito. Ang walang kagana ganang si Mo Xuan Fei ay nabigla at sa pagkakataong iyon ay parang bigla syang nagising. Iniangat nito ang kanyang tingin para makita kung sino ang sumaksak sa kanya at di sya makapaniwalang si Bai Yun Xian ang kanyang nakita.

"Wala akong ibang pagpipilian. Mas mainam nang mamatay ka kesa mapatay ako." Bulong ni Bai Yun Xian habang nakikita nyang sumasara ang mata ni Mo Xuan Fei. At nang hindi na ito humihinga ay lumuhod sya sa harap ni Qin Yu Yan.

"Aking Senior, patay na sya."