Chapter 173 - TUKSO (2)

Mula pa man sa nakaraang buhay ni Jun Wu Xie ay siya na ang tipo ng taong hindi marunong makaramdam ng kahit na ano. Ang bilang ng taong may pakialam siya ay mabibilang lang sa isang kamay.

Ang mga taong iyon ay ang mga kasama niya hanggang sa bingit ng kamatayan pati na rin ang mga kadugo niyang tunay na may pakialam sa kaniya.

Pero kay Jun Wu Yao, hindi niya alam kung saan niya ito ilulugar.

Hindi niya ito katoto at hindi niya rin ito kadugo.

Ngunit lagi itong dumarating sa oras na kailangan niya ito at maglalaho na lang na parang bula pagkatapos. Hindi niya ito mahanap pero alam niyang nasa paligid lang ito.

Subukan?

Mukhang hindi naman.

"Kung hindi mo ako kinasusuklaman, ibig sabihin ay gusto mo ako ganon ba?" Mukhang kinilig si Jun Wu Yao nang dampian niya ng munting halik ang mga daliri nito.

"Lubos akong nasisiyahan na malaman na ang aking munting anghel ay talagang gusto ako!"

"Hindi 'yan totoo." Paano mo malalamang gusto mo ang isang tao? Hindi niya alam. Iba ang pinaparamdam sa kaniya ni Jun Wu Yao kumpara sa mga malapit sa kaniya at sa mga kadugo niya.

Ang pagkakagustong alam niya ay limitado sa dalawang iyon lang. At dahil iba ang nararamdaman niya kumpara sa dalawang iyon, ibig sabihin ay hindi niya ito gusto.

"Huh? Ibig sabihin lang niyan ay kinasusuklaman mo ako?" Nanlulumo ang boses nito.

Walang nasabi si Jun Wu Xie. Hindi ba't kakasabi niya lang dito na hindi niya ito kinasusuklaman?

"Hindi." Lalong sumasakit ang kaniyang ulo.

" 'Hindi' ibig sabihin ay gusto mo ako?"

"..." Ngayon ay wala na talaga siyang masabi kaya inignora niya na lang ito.

Nahahalata na ni Jun Wu Yao na naiinis na si Jun Wu Xie sa kaniyang panunukso.

"Silence means yes, alam mo ba 'yon?" Mas lalo pang inasar ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie kaya naman kiinarga niya ito.

Hindi sumagot si Jun Wu Xie at nag-iisip siya ng paraan para paalisin si Jun Wu Yao nang makaramdam siya ng mainit-init at basang bagay ang dumikit sa kaniyang pisngi.

Ginawaran siya ni Jun Wu Yao ng halik sa kaniyang pisngi, nanunukso ang mga tingin nito at nakangiti: "Ayan! Gusto din kita!"

Dugdug.

Naririnig ni Jun Wu Xie ang bilis ng tibok ng kaniyang puso.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at natitig sa gwapong mukha nito. Namalayan niya na lang ang kaniyang sarili na nadadala sa gwapong mukha nito.

Sa mga oras na ito ay dapat na tinutusok niya na ang kaniyang mga karayom sa ugat nito para lubayan na siya nito.

Kaya lang ay malaki ang utang na loob niya dito at hindi ito ang tamang para suklian ito.

Hindi niya alam ang gagawin kaya naman napakagat na lang siya sa kaniyang labi at iniiwas ang tingin dito.

Walang balak na bitawan ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie. Natutuwa siyang pagmasdan ang magandang mukha nito. Hinawakan niya ang baba nito at ihinarap sa kaniya ang mukha nito. Mas lalo namang lumapad ang ngiti nito nang makita niya sng pagkalito sa mukha nito.

"Oh siya, oras na para kunin ang pabuya ko."

"Ano?" Gulat na tanong ni Jun Wu Xie. Bago pa man siya makagalaw, inilapit na ni Jun Wu Yao ang kaniyang mukha, ang isang kamay nito ay nakayakap sa kaniyang bewang at ang isa namang kamay nito ay hawak ang kaniyang batok. Siniil siya nito ng halik.

"MMPHH!"

Gulat na gulat si Jun Wu Xie at agad niya itong itinulak. Kumuha siya ng kaniyang karayom at itinusok ito sa gilid ng noo ni Jun Wu Yao.

Umagos ang dugo sa mukha nito patungo sa pisngi. Masclalo namang nabuhayan si Jun Wu Yao sa amoy ng dugo kaya naman mas lalo niya itong siniil ng halik. Sinasamantala ang tamis ng labi nito.

Related Books

Popular novel hashtag