Chapter 174 - TUKSO (3)

Nagpatuloy na tumulo ang dugo sa mukha ni Jun Wu Yao at umagos ito papunta sa kaniyang labi.

Nabuhayan ang kaloob-looban ni Jun Wu Yao dahil sa amoy ng dugo, dahil dito, sumiklab nh kulay lila ang kaniyang mga mata.

Dahil sa amoy at lasa ng dugo ay namutawi sa kaniya ang kaniyang nakaraan, kaya naman ay natigilan siya at nagbago ang kaniyang kalooban.

Mas lalo pa niyang nalasahan ang dugo at si Jun Wu Yao ay niluwagan naman ang hawak sa kaniya. Ang kaniyang tingin ay parang walang hangganan at ang dugo sa gilid ng labi nito, sa paningin ni Jun Wu Xie ay isa itong demonyo.

Nagawang makatakas ni Jun Wu Xie sa pagkakayapos sa kaniya ni Jun Wu Yao, dali-dali siyang tumayo. Siya ay hinihingal na nakatingin dito.

Pinunasan naman ni Jun Wu Yao ang dugo sa sa kaniyang labi gamit ang kaniyang kamay. Ang sakit na nararamdaman niya ay dahil sa babaeng nasa harap niya. Kung hindi dahil sa kanyang reflex ay hindi siya makakatakas sa mas malalang idudulot nitong sakit.

Ang kuting na ito ay lumaki na at tumubo na ang mga kuko.

"Huwag ka nang magtampo, nalagyan ka ng dugo dahil saakin." Sabi ni Jun Wu Yao nang nakangiti. Hinugot nito ang karayom na nakatusok sa kaniya. Ngumiti muna ito bago inilagay sa palad ni Jun Wu Xie ang karayom.

"Malalaman mo mamaya kung magtatagumpay si little black na tuluyang sakupin ang Golden Lion. Obserbahan mong mabuti mamayang gabi. Kung sa tingin mo'y may hindi tama sa nangyayari, tawagin mo lang ako." Nakangising sabi ni sabi ni Jun Wu Yao, hindi nito pinapansin ang masasamang tingin ni Jun Wu Xie.

Bigla na ulit itong lumabas ng silid, hindi na nag-antay ng sagot galing kay Jun Wu Xie.

Matapos niyang isara ang pinto, napangiti si Jun Wu Yao. Ninamnam niya ang dugo sa kaniyang mga labi. Hindi pa din humuhupa ang kulay lilang liwanag sa kaniyang mga mata.

Isang anino ang nagpakita sa tabi ni Jun Wu Yao. Nakaluhod ito at hawak ang isang bote ng gamot para sa mga sugat.

"Panginoon." Ang mga mata ng anino ay nagsalubong nang makita nito ang dugo sa gilid ng labi ni Jun Wu Yao.

Kaunti lamang ang nakapag-buhat ng kamay sa kaniyang amo sa mundong ito. Ngunit itong babae ng pamilyang Jun ay napapadalas ang pagpapasakit sa kaniyang panginoon.

Bakas sa mukha ni Jun Wu Yao ang pagkaaliw nito kaya naman natigilin ang anino na magsalita.

Nagtataka siyang sa kabila ng sugat nito ay mukhang masaya pa ito. Hindi ba naiisip ng kaniyang panginoon ang malaking problema na maaaring idulot sa kaniya ng babaeng iyon?

Nitong mga nakaraan madalas itong masugatan at babalik na duguan...

"Hindi na kailangan." Hindi man lang tinapunan ni Jun Wu Yao ng tingin ang gamot na ibinibigay sa kaniya. Mas lalong maaaninag sa mukha nito ang pagkaaliw.

Ang dati na suplado at walang pakiramdam na binata, ngayon ay halatang marunong nang ngumiti at sumaya.

"Maliit na regalo lang ito sakin. Walang dapat ipag-alala. Manatili ka dito at magbantay." Inamoy ni Jun Wu Yao ang kaniyang damit na amoy dugo. Naalala niyang ito ang amoy na ayaw na ayaw ni Jun Wu Xie.

Walang nagawa ang anino kundi ang tumango habang nakatingin sa likod ng papalayong si Jun Wu Yao. Sinarili niya na lamang ang pag-aalala.

"Panginoon...maaring ganon na lamang ang interes mo kay Jun Wu Xie. Kaya lang hindi ba't masyado kang nagiging mapusok? Hindi ka dapat umaalis sa piling ng 'yong mahal na puno ng dugo. Sigurado ka ba sa ginagawa mo?"

Makalipas ang ilang sandali, nakapaglinis na si Jun Wu Yao ng sarili at nakapagpalit na din ng damit. Bumalik si Jun Wu Yao sa pinto ni Jun Wu Xie. Nakasandal siya sa dingding ng kwarto nito.

Ang babaeng iyon ay mahal na mahal ang kaniyang pusa, naisip niyang baka kailanganin nito ang tulong niya.

Ikinumpas ni Jun Wu Yao ang kamay niya sa ere at may isang itim na usok ang lumabas. Dumaan ito sa siwang sa ilalim ng pinto papasok sa kwarto.

Related Books

Popular novel hashtag