Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1535 - Hindi Pangkaraniwang Academy (2)

Chapter 1535 - Hindi Pangkaraniwang Academy (2)

Pagkalipas ng isang linggo, ang bilang ng mga kabataang nakapasa ay halos aabot lang ng sampu hanggang dalawampu lamang kada araw. Ang mga loft ay halos wala pa sa kalahati ang laman at marami pa ring mga kabataan ang naghihirap pa rin sa assesment.

At para naman sa mga kabataang nagawa nang makapasa, wala silang ginagawa kundi ang mabulok sa kanilang mga dormitory. Wala man lang nagpupunta sa kanila para tignan kung buhay pa ba sila. Ni isang tao ay wala man lang nangumusta sa kanila.

Gusto sanang samantalahin ni Qiao Chu ang panahong ito para makipag-usap sa kaniyang mga kaibigan ngunit hindi sila pinayagan ng pagkakataon.

Ang mga nakapasa ay nagsimula nang bumuo ng kani-kanilang mga grupo!

Ang grupo nina Qiao Chu ay nagpamalas ng lakas at husay sa kompetisyon kaya naman sila ay naging sikat. Kaya naman nakikipaglapit sa kanila ang mga kabataan.

Kailangang itago nina Qiao Chu na magkakakilala sila nina Hua Yao at ng iba pa. Para hindi makilala ang tunay nilang pagkatao, kailangan nilang magpanggap na hindi nila kilala ang isa't isa.

Kahit na magkasalubong sila sa labas, kailangan nilang magpanggap na kunyari sila ay galit sa isa't isa.

Kahit na sinabihan na ang mga kabataan bago pumasok sa Cloudy Brook Academy na hindi nila dapat pakialaman si Jun Wu Xie, karamihan sa kanila ay hindi maiwasang makaramdam pa rin ng galit kay Jun Wu Xie.

Subalit mayroon pa rin sa kanilang masasabing "mga matatalino".

Hindi naman gaanong lumalabas si Jun Wu Xie. Nanatili lang ito sa loob ng kaniyang silid upang obserbahan ang kaniyang spirit power.

Nang matapos siya sa unang pagsubok na ibinigay sa kaniya ng Cloudy Brook Academy, naging kapansin-pansin ang pagbabago sa kaniyang spirit power. Ang orihinal niyang pure purple coloured spirit power ngayon ay nahaluan ng glittery effect na parang mga bituin. Kapag lumalabas ang kaniyang purple spirit glow, may halo iyong glittery specks.

Ngayon lang nakakita si Jun Wu Xie ng ganoon. Tinanong niya na si Ye Sha at Ye Gu tungkol doon ngunit wala ring maisagot sa kaniya ang dalawa.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang mga nagniningning sa kaniyang spirit power at biglang lumitaw ang imahe ni Jun Wu Yao sa kaniyang puso.

Simula nang magpunta siya sa Middle Realm, hindi na sila muling nagkita pa ni Jun Wu Yao. At ang kanilang paghihiwalay na ito ay hindi katulad ng dati.

Bago nito, kahit saan magpunta si Jun Wu Yao, alam ni Jun Wu Xie na nasa iisang lupa lang sila ni Jun Wu Yao. Ngunit ngayon, nasa Middle Realm siya at si Jun Wu Yao naman ay nasa Lower Realm.

"Kung naririto lang sana siya, baka matukoy niya kung anong nangyayari." Bulong ni Jun Wu Xie sa kaniyang sarili. Hindi niya mawari kung naalala niya si Jun Wu Yao dahil sa nangyayari sa kaniyang spirit power o sadyang nalulumbay lang siya sa presensiya nito.

Nanatili namang nasa sulok si Ye Sha at lihim na pinagmamasdan si Jun Wu Xie, wala siyang magawa kundi ang magpakawala na lang ng buntong-hininga. Sa Ye Gu naman ay hindi rin maintindihan kung anong nangyayari.

Pinukaw si Jun Wu Xie mula sa malalim na pag-iisip ng mahinang katok sa kaniyang pinto.

Itinago na ni Jun Wu Xie ang kaniyang spirit power na nasa kaniyang kamay at inilabas ang elixir sa kaniyang Cosmos Sack at saka iyon ininom.

Na-cultivate niya ang elixir na iyon noong siya ay nasa Lower Realm pa lang. Pansamatalang naitatago ng elixir na iyon ang level ng kaniyang spirit power. Kaya naman aakalain ng lahat na mayroon siyang mahinang spirit power.

Ayaw ilantad ni Jun Wu Xie na ilantad ang kaniyang tunay na spirit power kaya naman regular siyang umiinom ng elixir na iyon noong siya ay nasa Battle of Deities Grand Meet.

Pagkatapos niyang mainom ang elixir ay lumapit na siya sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.

Sa labas ng pinto ay nakatayo ang isang batang babae at isang gwapong lalaki.

Related Books

Popular novel hashtag