Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1533 - Kakaibang Silid (3)

Chapter 1533 - Kakaibang Silid (3)

Gaano karami pang spirit power ang kaniyang kailangang gamitin para mailagay lahat iyon sa shelf?

Gusto nang magtransform ng itim ng pusa at maging blackbeast para matulungan si Jun Wu Xie ngunit pinigilan siya ni Jun Wu Xie.

"Gagawin ko ito mag-isa." Saad ni Jun Wu Xie habang muling pumulot ng isa pang bolang kristal.

Nang siya ay mapunta sa Mount Fu Yao, hindi siya gaanong gumamit ng spirit power at alam niyang para mas lumakas pa ang kaniyang spirit power ay kailangan niya iyong simutin.

At ang lugar na ito ay nagbigay sa kaniya ng oprtunidad na gawin iyon.

Nang makita naman ng itim na pusa ang pagmamatigas ni Jun Wu Xie ay wala itong nagawa kundi ang manahimik sa isang tabi at panoorin na lang ito sa kaniyang ginagawa.

Matapos mailagay ni Jun Wu Xie ang sampung bolang kristal sa shelf, naramdaman ni Jun Wu Xie na nasagad na ang kaniyang spirit power.

Masyadong maraming kailangang spirit power para i-transform iyon sa soul power at idagdag pang hinihigop iyon ng bola kaya ganun na lang kabilis na nasagad ang kaniyang spirit power.

Doon pa lang umupo si Jun Wu Xie para magpahinga.

Mabuti na lang at wala siyang ibang kasama sa silid kundi ang itim na pusa. Pwede niyang ilabas ang pinaglalagyan ng Snow Lotus at gamitin ang Imperial Snow Lotus para mabilis na bumalik ang kaniyang spirit power.

Sa tuktok ng Mount Fu Yao, ang paligid ay puno ng spirit energy. Kahit na hindi iyon magawang maabsorb ni Jun Wu Xie ng direkta, pwede niyang gamitin ang Imperial Snow Lotus.

Kung kinukulang ang Mount Fu Yao sa spirit energy, kahit pa na mayroon siya ng Imperial Snow Lotus imposibleng manumbalik ang kaniyang spirit power ng ganun kabilis.

Isa pa, umabot na sa Purple Spirit fourth stage ang kaniyang spirit power. Kung gayon napakaraming spirit power ang kaniyang kailangan para manumbalik ang kaniyang lakas.

Nang manumbalik na ang spirit power ni Jun Wu Xie ay muli na siyang kumilos.

Maya't mayang nauubos ang kaniyang spirit power kaya naman maya't maya rin siyang umuupo sa isang tabi para magcultivate. Paulit-ulit na ganoon ang ginagawa ni Jun Wu Xie.

Sa oras na ilagay ni Jun Wu Xie ang huling bolang kristal sa shelf, maputla na ang kaniyang mukha. Butil-butil ang pawis na tumutulo sa kaniyang mukha. 

Dahil sa paulit-ulit na pagkaubos ng spirit power ni Jun Wu Xie, bukod sa pagod, mayroon pa siyang kakaibang naramdaman.

Kakaiba ang pakiramdam ng spirit power sa kaniyang katawan, ngunit hindi niya magawang mailarawan iyon.

Naramdaman niyang tila mas bumigat ang kaniyang spirit power.

Pero hindi ganoon ang pakiramdam ng pagdagdag ng spirit power.

Hindi alam ni Jun Wu Xie kung gaano na siya katagal doon. Nang masiguro ni Jun Wu Xie na wala nang bolang kristal sa sahig, kinarga niya ang itim na pusa at lumapit sa pinto.

'Eekk.'

Dahan-dahang tinulak ni Jun Wu Xie ang malaking pinto. Maputla ang mukha ni Jun Wu Xie na lumabas mula doon.

Ang dalawang lalaking nagbabantay sa labas ay gulat na gulat nang makita nilang lumabas sa pinto si Jun Wu Xie.

"Natapos ko na." Marahang saad ni Jun Wu Xie. Kahit na pagod na pagod na si Jun Wu Xie ay nagawa niya pa ring maglakad ng tuwid.

Tumingin lang ang dalawang lalaki kay Jun Wu Xie at hindi nagsalita. Isa sa kanila ang pumasok sa loob ng silid upang tignan kung nagawa nga ni Jun Wu Xie. Nang masigurong nagawa nga ni Jun Wu Xie doon pa lang sila nagsalita.

"Ito ang susi mo sa iyong silid." Inabot nito kay Jun Wu Xie ang nakahanda nang susi saka itinuro kay Jun Wu Xie ang lokasyon ng dormitory.

Related Books

Popular novel hashtag