Gayong ganito ang epektong nais maabot ni Jun Wu Xie pero...
Nang siya ay makipaglaban sa isang Elder ng Twelve Palaces noon, ang kaniyang kaaway ay mas mababa ang spirit power kaysa sa kaniya. Ngunit hindi pa rin siya nakakasiguro na mas mahina ang mga Elder ng Twelve Palaces. Kahit na hindi pa nakakasiguro sa pagkatao ng kaniyang kaharap, isa lang ang kaniyang nasisiguro, mayroon itong kapangyarihan na mas malakas pa sa Elder!
"Linawin ang ano?" Tanong ni Jun Wu Xie.
Tumingin ang lalaki sa itim na pusa na karga ni Jun Wu Xie.
"Iyan ba ang iyong Ring Spirit?"
Tumango si Jun Wu Xie.
"Ang kaniyang awra ay mukhang mahina, nararamdaman ko. Kaya naman nagtataka ako kung ano ang ipinakita mo sa entablado kanina. Paanong ang isang pusang kagaya niya ay nagawang maglakad sa ere kanina? At nakuha niya pang makuha ang power of flames? Kung hindi ako nagkakamali, bukod sa flying type na Ring Spirits, ang iba pang uri ng Ring Spirits ay walang kakayahang lumipad." Masiglang saad ng lalaki.
Sa mga oras na iyon, naramdaman ni Jun Wu Xie na maraming Purple Spirits ang nakapaikot sa kanila at nagtatago lang. Mukhang nagawa nga siyang sundan ng mga taga-Twelve Palaces.
Ngunit mayroong isang bagay siyang ipinagtataka. Bakit hindi sila nagpapakita?
Bahagyang nagbaba ng tingin si Jun Wu Xie. Hindi siya nagmamadali. Ngayon, nakapaikot naman sa kaniya ang lahat kaya naisipan niyang ilabas ang kaniyang pain para mahuli ang isda.
"Spirit Reinforcement ang tawag doon." Doon pa lang nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie.
"Spirit Reinforcement?" Naguguluhang tanong ng lalaki.
At muling nagsalita si Jun Wu Xie: "Gamit ang spirit power, espesyal na uri ng tubig, at isang rune spell. Magagamit lang ito sa Ring Spirit at bibigyan iyon ng maraming epekto."
"Oh? Mayroon palang ganoon sa mundong ito? Ngayon ko lang narinig iyon." Sagot naman ng lalaki.
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Jun Wu Xie: "Kahit na gumagamit ng spirit power ang Spirit Reinforcement, hindi iyon magagawa ng kahit sino lang. Ito ay isang kakaibang abilidad naming mga taga Spirit Mastery Tribe kaya natural lang na hindi iyon alam ng ibang tao."
"Spirit Mastery Race? Mayroon palang ganoon sa Middle Realm? Parang ngayon ko lang nalaman iyon."
Saglit na sinulyapan ng itim na pusa ang naguguluhang reaksyon ng lalaki. Lihim siyang nasisiyahan dahil doon.
[Syempre hindi mo pa narinig iyan noon dahil gawa-gawa lang iyan ng Mistress. Kung narinig mo na iyan noon baka galing sa multo.]
Diretso lang ang mukha ni Jun Wu Xie, hindi man lang namula ang mukha nito kahit kaunta payak pa rin ang kaniyang paghinga bago nagpatuloy: "Oo mayroon. Kung wala, tingin mo saan ako galing?"
Bahagyang natigilan ang lalaki. Napasapo sa sariling baba ang lalaki. Nakakunot ang noo nito na tila ba malalim ang iniisip.
Muling nagpatuloy si Jun Wu Xie: "Kaunti lang kami sa Spirit Mastery Race at mas gusto naming hindi kami napapansin sa mundo. Nasa gitna kami ng kabundukan nakatira. Kaya normal lang na hindi niyo kami kilala."
"Oh. Kung gayon, bakit ka nagpunta sa Battle of Deities Grand Meet?" Agad na nakahanap ng butas ang lalaki sa sinabi ni Jun Wu Xie.
Lihim na ngumisi si Jun Wu Xie ngunit hindi niya iyon ipinakita.
"Iba-iba ang mga tao. May kaniya-kaniya tayong ambisyon kaya bakit ko ikukulong ang sarili ko sa iisang lugar? Dahil iba akong paniniwala kumpara sa mga kasama ko, nagdesisyon akong umalis at lakbayin ang mundo. Mali ba iyon?" Kampanteng sagot ni Jun Wu Xie kahit na ang lahat ng iyon ay isang kasinungalingan lang.
Alam ni Jun Wu Xie na aagaw ng atensyon ang Spirit Reinforcement sa Middle Realm. Ang tanging kailangan na lang niya ay perpektong konklusyon para mapaniwala niya ang Twelve Palaces na siya lang ang namumukod-tanging may kakayahan noon!