Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1513 - Ang Isda ay Nahuli na (3)

Chapter 1513 - Ang Isda ay Nahuli na (3)

May tatlong bagay lang na inilantad si Jun Wu Xie sa Twelve Palaces.

Una, ang paggamit sa Spirit Reinforcement ay eksklusibo lamang sa Spirit Mastery Race.

Pangalawa, ang Spirit Mastery Race ay ayaw na lumantad sa mundo kaya mahirap silang hanapin.

Ikatlo, mayroon silang hindi pagkakaunawaan sa kaniyang lahi.

Ang tatlong bagay na ito ay sapat na para maintindihan ng Twelve Palaces na tanging si Jun Wu Xie lang ang makakagawa ng Spirit Reinforcement. Bago pa magsimulang maghalughog ang Twelve Palaces ng mula sa Spirit Mastery Race, kay Jun Wu Xie lang sila aasa para matuto ng Spirit Reinforcement.

Ang tatlong bagay na iyon ay lahat puro kasinungalingan lang.

Iyon ay para hindi siya galawin ng Twelve Palaces dahil sa takot na hindi nila matututunan ang Spirit Reinforcement.

Hindi siya natatakot na baka mabuko ang kaniyang kasinungalingan dahil bukod sa kaniya, wala nang ibang marunong gumamit ng Spirit Reinforcement at iyon ang bagay na gagamitin niya laban sa kaniyang kaaway!

Hindi pa rin gaanong kumbinsido ang lalaki. Matapos ng ilang sandaling katahimikan, doon pa lang ito nagsalita: "Iyan ang halimbawa ng isang batang may gustong marating. Mabuti kung ganiyan ka mag-isip. Malaki ang mundo at marami ang may matataas na ambisyon. Ang Spirit Reinforcement ng Spirit Mastery Race ay sadyang pambihirang katangian, malayo ang mararating mo dahil mo diyan. Tama ang desisyon mo at naniniwala akong may maganda kang makukuha sa Battle of Deities Grand Meet."

Tumingin lang dito si Jun Wu Xie at hindi sumagot.

"Gumagabi na, dapat sigurong umuwi ka na at magpahinga. Hihintayin ko ang iyong pagtatanghal sa mga susunod na araw sa Battle of Deities Grand Meet. Umaasa akong marami ka pang ipapakita." Nakangiting sabi ng lalaki.

Tumingin si Jun Wu Xie sa lalaki at nagtanong: "Taga saan ka?"

Saglit na natigilan ang lalaki, halatang hindi niya inaasahan ang tanong na iyon mula kay Jun Wu Xie. Bahagya siyang yumuko at sinulyapan ang silver wolf emblem sa kaniyang dibdib. "Hindi mo ba nakikilala ito?"

Umiling si Jun Wu Xie.

Humagalpak ng tawa ang lalaki. "Sige. Ngayon naniniwala na talaga akong ang Spirit Mastery race ay isang tribu na hindi nga nakikisali sa kung anumang kabuluhan sa mundong ito. Hindi ako mula sa Twelve Palaces. Ako si Su Jing Yan."

[Hindi siya nagmula sa Twelve Palaces?]

[Kung gayon...siya ay mula sa Nine Temples?]

 Ngayon ay naintindihan na ni Jun Wu Xie kung bakit nagtatago lang at hindi nagpakita ang mga taga-Twelve Palaces na nasa paligid lang nila.

Ang Twelve Palaces ay gustong kalabanin ang Nine Palaces ngunit sa kasalukuyan nangunguna pa rin ang Nine Temples. Mas mataas ng isang rank ang Nine Temples sa Twelve Palaces.

"Tatandaan ko iyan." Matapos sabihin iyon ay tumalikod na si Jun Wu Xie karga ang kaniyang itim na pusa.

Hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mukha ni Su Jing Yan nang umalis si Jun Wu Xie. Umikot ang kaniyang paningin sa paligid at nagsalita: "Umaasa akong hindi niyo nakakalimutan ang rules ng Battle of Deities Grand Meet. Habang hindi pa natatapos ang Battle of Deities Grand Meet, ang tanging magagawa niyo lang ay ang manood at mag-obserba."

Narinig ni Jun Wu Xie ang sinabing iyon ni Su Jing Yan ngunit nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang paglalalakad.

Dahil alam niyang ang sinabi nitong iyon ay hindi para sa kaniya kundi ay para sa mga taong nagtatago. Mga taong nagmula sa Twelve Palaces na gustong sumunod sa kaniya!

Tahimik ang paligid at tanging si Su Jing Yan lang ang nakatayo doon para panoorin ang pag-alis ni Jun Wu Xie.

Biglang naramdaman ni Jun Wu Xie na mabilis na nagsialisan ang mga nakasunod sa kaniya kanina.

[Mukhang...]

[May mataas na awtoridad nga ang Nine Temples sa Twelve Palaces.]

Ang rules sa Battle of Deities Grand Meet ay itinakda ng Twelve Palaces at Nine Temples. Isa sa mga rules ay lahat ng miyembro ng Twelve Palaces at Nine Temples ay maaari lang manood at mag-obserba hanggat hindi pa natatapos ang Battle of Deities Grand Meet. Maliban na lang kung hindi nakapasok sa susunod na round ang kanilang napupusuan, doon pa lang nila ito pwedeng kausapin. 

Sa oras na matapos na ang kompetisyon, desisyon ng mga nanalo kung saang palasyo o pwersa sila makikibilang.

Related Books

Popular novel hashtag