Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1511 - Ang Isda ay Nahuli na (1)

Chapter 1511 - Ang Isda ay Nahuli na (1)

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga kabataang iyon. Tila ba nakahanap sila ng mapaglalaruan. Sabay-sabay silang naglakad patungo sa direksyong tinatahak ni Jun Wu Xie.

Para sa kanila, ang payat at maliit na si Jun Wu Xie ay siguradong natalo sa Battle of Deities' competition. Kaya naman pupuntiryahin nila ito para kanilang mapaglaruan.

Tahimik na naglalakad si Jun Wu Xie nang makarinig siya ng mga yabag sa kaniyang likuran. Nilingon niya iyon at nakita ang tatlong nagtatangkarang binatilyo na masama ang tingin sa kaniya.

[Isa na nanamang grupo na humihiling ng kamatayan?] Pinanood ni Jun Wu Xie ang tatlo ngunit blanko ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

"Hoy bata, ikaw..."

Subalit kakabuka pa lang ng bibig ng isa sa mga lalaking iyon ng isang tao ang bigla na lang sumulpot sa harap ng tatlong binatilyo at hinaharangan si Jun Wu Xie.

Nagulat ang tatlo sa biglaang pagsulpot ng taong iyon. Nang titigan nilang mabuti iyon, napansin nilang ang lalaki ay matangkad at may gwapong mukha. Malalim ang titig na ibinibigay sa kanila ng lalaki at ang isang sulok ng labi nito ay nakaangat. 

"Hoy, sino..." Akmang magsasalita pa lang sana ang isang lalaki nang agad namang takpan ang bibig niya ng kaniyang kasama.

Hindi maintindihan ng lalaki kung bakit ginawa iyon ng kaniyang kasama kaya naman nagpumiglas siya. Ang isa naman nilang kasama ay tinuro ang lalaking humaharang sa kanila palapit kay Jun Wu Xie.

Tumingin ang lalaking kasalukuyang tinatakpan ang bibig. Nang makuha niya kung bakit ginawa iyon ng kaniyang kasamahan, agad na tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha.

"Paumanhin! Aalis na kami!" Mabilis na humingi ng tawad ang tatlong lalaki. Namumutla ang kanilang mga mukha habang nakayuko sa matangkad na lalaki.

"Ang pagiging ignorante ay hindi naman mali, pero dapat marunong kayong magkontrol. Alis." Nakangiting sabi ng matangkad na lalaki. Malumanay ang pagkakasabi niya ng kaniyang sinabi ngunit nagdulot iyon ng kilabot sa tatlo.

Agad na tumalikod ang tatlong binatilyo at dali-daling tumakbo na tila ba mayroong demonyong humahabol sa kanila."

Pinanood ng matangkad na lalaki ang tatlong binatilyong kumakaripas ng takbo. Nang makalayo na ang mga iyon ay doon lamang siya humarap kay Jun Wu Xie saka ngumiti dito. 

Malamig ang titig na binibigay ni Jun Wu Xie sa lalaki. Alam niya ang intensyon ng tatlong binatilyo kanina at napansin niya rin ang biglang pagbabago sa reaksyon nila nang makita ang lalaking nasa harapan niya ngayon. 

"Little fella, sadyang kamangha-mangha ang ipinakita mo sa Innate Gift Competition kanina." Malapad ang ngiti ng lalaki habang nakikipag-usap kay Jun Wu Xie. Halos pikit na pikit na ang mga mata nito dahil sa sobrang pagngiti.

"Sino ka?" Tanong ni Jun Wu Xie habang tinitignan nito ang kaniyang kaharap simula ulo hanggang paa. Doon ay napansin niya ang imahe ng silver wolf na nakatahi sa kaliwang bahagi ng dibdib ng damit nito.

"Napanood ko ang ginawa mo kanina at naisip kong sadyang kamangha-mangha noon pero may ilang bagay lang akong nais linawin. Kaya naman napagpasyahan kong sundan ka rito." Hindi nawawala ang ngiti sa mukha nito.

Wala pa ring reaksyon si Jun Wu Xie sa kaniyang mukha at hindi niya rin mahulaan kung sino ang nasa harapan niya ngayon. Noong lumabas siya sa Innate Gift Competition venue, napansin niya ang ilang Purple Spirits na nakabuntot sa kaniya. Ngunit ang lahat ng mga iyon ay may mas mababang spirit power kumpara sa kaniya kaya naman napansin niya agad na nakasunod ang mga iyon sa kaniya. Ngunit ang isang ito ay hindi niya napansin ang pagdating.

[Ang spirit power ng lalaking ito ay mas malakas kumpara sa kaniya!]

[Kung hindi siya nagkakamali, ang mga nakabuntot sa kaniya ay mga taga-Twelve Palaces!] 

Related Books

Popular novel hashtag