Ang magkakasunod na pagsabog ay nagdulot ng kaguluhan sa Kaharian. Sa mga nakakita mismo sa mga nangyari, mumultuhin sila ng madugong eksena sa buong buhay nila.
Marami sa mga nakakita ang nagkasakit dahil lang sa mga nakita nila. Linagnat sila at nag-init ang mga spiritual powers nila, na nagdulot ng matinding sakit. Lahat ng manggagamot sa bayan ay hinahabol, ngunit walang makapagsabi ng sanhi.
Buhat ng lagnat, marami na ang nakahiga lang sa kama, hindi alam na sila'y nalason.Ang mga epekto ng lason ay mas matagal lumabas sa mga taong mas malakas ang spiritual powers dahil pinapalakas nito ang epekto ng lason. Mas kaya nilang kimkimin ang lason. Sa kabila naman, kaunti lang sa mga pangkaraniwang tao ang mayroong pulang-yugto ng spiritual powers, at hindi kaya ng kanilang katawan ang pagkimkim sa lumalakas na lason.
Sa Palasyo ng Lin, maraming kariton ng damong-gamot ang tuloy tulyo sa pagdating. Dahil hawak ng hukbo ang Kaharian, hindi pwedeng tumanggi ang mga may ari ng mga tindahan sa kanila, lalo na't may mga armas ang nakatayo sa harap nila habang nagmamadali nilang linalabas lahat ng kanilang tinda.
Hindi rin naman nila ito pinapamigay. Sinabi sa kanila ng mga sundalo na ang Prinsipeng Tagamana ang naghahanap dito at may sapat na pambayad na dadating sa loob ng ilang araw.
Mas napilit nilang mamigay ang mga nagtitinda.
Puno ang patyo ni Jun Wu Xie ng mga karton ng damong-gamot at ang mga paparating pa ay dinala sa patyo ni Mo Quan Yuan.
Mula umaga hanggang tanghaling-tapat, nakakulong si Jun Wu Xie sa dispensaryo, inaaral ang lason galing sa sampung sundalo. Mula sa maliit na tasa ng dugo na kanyang nakuha, nakuha na niya.
Dumating ang gabi, at sumilip ang buwan mula sa likod ng mga ulap at pinaliguan ang mga lupa ng liwanag nito.
Natimpla na ni Jun Wu Xie ang panremedyo at pinainom ito sa mga sundalo bago tignan ulit ang kanilang pulso. Umayos ang kanilang pulso at hindi na nagwawala ang kanilang spiritual powers, bumalik sa dati.
"Tapos na kayo. Ipatawag niyo si Long Qi."
Sinaludo nila si Jun Wu Xie at agad na umalis. Dumating rin agad si Long Qi.
Nakakapagod ang araw ni Jun Wu Xie, at mahapdi ang mga binti niya. Umupo siya't minasahe ang kanyang mga tuhod.
Tahimik na lumapit sa kanya si Long Qi at nagsalin ng mainit-init na tubig sa isang tasa, binigay ng nakayuko.
Hindi talaga masalita ang binibini at tahimik lang, ang kanyang mukha, isang malamig na maskara, hindi malapitan. Ngunit kapag handang tumulong, maganda ang pagkakagawa. Nakita ni Long Qi ang mga sundalo bago dumating. Sa kanilang lagay, nakita niyang maayos na sila at natapos na ni Jun Wu Xie ang panremedyo.
Sundalo lang siya, at wala siyang masyadong magagawa para sa Binibini. Maipapakita lamang niya ang kanyang utang na loob, sa kanyang nakakahiyang pamamaraan.
Ininom ni Jun Wu Xie ang tubig. Ang tuyo niyang lalamunan ay nabasa ng tubig at nabawasan ang kanyang pagod.
"Wala akong silbi, walang nagawa para malaman ang pagkakakilanlan ng mga sumabog na katawan." Nahihiyang sinabi ni Long Qi dahil wala siyang nakita sa kanyang imbestigasyon sa limampung sumabog na katawan.
Hindi na gulat si Jun Wu Xie. "Sumabog sila, malamang." Kahit ang mga buto ay nadurog, Maliban nalang kung gumamit sila ng mga kagamitan mula sa nakaraang buhay ni Jun Wu Xie, walang makakahanap ng anuman.