"Nakahanda na ang panremedyo, wala tayong saktong bilang ng mga nalasin, kaya naghanda ako ng sapat para sa lahat. Pagkatapos inumin ito ng mga sundalo, ihatid niyo ito sa mga tao."
Kumalat ang lason, at hindi kayang isa-isahin ni Jun Wu Xie ang lahat ng tao, kaya nagpasya siyang uminom nalang ang lahat, na mas mabilis.
"Matatapos."
"Hindi ko naman na sigurong ipaliwanag kung paano?" Nakatingin kay Long Qi ang mga malalamig na mata.
"Hindi ko kayo bibiguin!" Sumagot si Long Qi.
Sa sumunod na araw, mas marami ang nagkasakit. Dahil hindi masabi ng mga manggagamot ang sanhi, nagkagulo na ang mga tao.
Sa hapon, may kinalat na balita. Ang mga nakabasa nito ay nagalit at kumalat ang balita sa lahat ng dako ng bayan.
Ang mga may salarin na nakatago sa bayan ay hindi pa sumusuko at gumamit ng lason para magkalat ng takot sa Kaharian. Ang limampung mga sumabog na katawan ay dala ng lasong ginamit nila.
Hindi tumagal, nagwawala at nanunumpa ang mga tao sa bayan at ang mga pamilyang may miyembrong nahawa ay nagaalala na.
Habang kumakalat ang kaguluhan sa daan, linabas ni Mo Qian Yuan ang hukbo, at inabot ang pangremedyo sa mga mamamayan, isang timpla sa loob ng isang maliit na bote, na tumatabla sa lason sa kanilang mga katawan.
Walumpung-libong sundalo mula sa hukbo ang pinadala, inaabot ang pangremedyo sa mga tao. Ang mga nahawa sa lason ay nakakita agad ng kaayusan sa kanilang kalagayan, at sa kalahating araw, kumalat na ang balita ng kagandahang-loob ni Mo Qian Yuan, at pinupuri siya ng mga tao. Hanggang ngayon, ang reputasyon ng Prinsipeng Tagapagmana ay tumataas, natatakpan ang suporta para sa kasalukuyang Emperador.
Nagdeklara ng Estado ng emerhensiya, at ang mga tumanggi sa pagsasara ng bayan ay ngayo'y nagalit sa mga may salarin at sinuportahan ang hukbo ng Rui Lin.
Ang mga tao ay may mataas nang pagtingin, hindi lang sa prinsipe, kundi pati sa hukbo na tinuturin na nilang tagabantay sa mga tao.
Ang planong nakaubos sana sa Kaharian unti unting nabuking, gawa ng pangremedyo ni Jun Wu Xie na pinapamigay ng hukbo, tuluyang naibsan ang problema mula sa Kaharian.
Ang bilis ng mga kaganapan ay rason kung bakit hindi agad dumating sa palasyo ang balita. Maliban sa limampung namatay, wala nang ibang namatay pa dahil sa lason.
Para makilala ang kinaroroonan ng mga salarin, nagimbestiga ang hukbo sa pagkakakilanlan ng limampung namatay. Sumabog sila at hindi makikilala sa itsura. Tinignan nila ang mga pamilyang may nawawalang miyembro.
Sa Palasyo ng Lin, tinignan ni Jun Qing si Jun Wu Xie na naaabala ng kanyang mga tableta.
"Pinasabi mo kay Long Qi na ang mga may salarin sa pagkalat ng lason ay ang mga salarin na nakatago parin sa Kaharian, bakit?" Hindi maintindihan ni Jun Qing ang mga binabalak ng kanyang pamangkin. Sa kaguluhang dala ng lason, binigyan nito ang hukbo ng sapat na kapangyarihan para kontrolin ang Kaharian, pero hindi pa doon tatapusin ni Jun Wu Xie, ano pa ba ang balak niya?
Inaabala parin ni Jun Wu Xie ang kanyang sarili sa mga tableta at sumagot: "Walang sikretong hindi nabubunyag."
Napaisip si Jun Qing, inatasan niya ang hukbo na imbestigahan ang mga namatay, ngunit sa kanilang pagkamatay, imposible ito. Sa dami ng tao sa bayan, hindi ito madali, kahit na bilang mga nawawala lang.
"Siguro, mahirap pag simple lang ang mga pangyayari. Iba na ngayon. Dahil sa pagaalala ng mga tao sa lason, titignan nila ang kaligtasan ng kanilang mga pamilya, pati ang mga miyembrong naging sundalo." Pinaliwanag ni Jun Wu Xie ng may hawak na damong-gamot.