Isang tunog ng pag-ingit ang biglang narinig at ang malaking bato ay dahan-dahang nagbukas.
Isang mataginting na musika na tumutugtog mula sa sitara ang pumailanlang mula sa butas na
nagbukas, ang tunog nito'y malambing at nakakatuwa parang mga prutas.
Bumuhos ang liwanag sa likod ng butas na iyon at sinenyasan ni Zin Ji si Jun Wu Xie habang
pumapasok sa butas na nagbukas.
Sa likod ng bato, ay isang tagong paraiso.
Hindi maiwasan ni Jun Wu Xie na mamangha sa makapigil-hiningang kagandahan na iyon. Ang
eleganteng pabilyon sa kaniyang harapan, ang napakalinaw na sapa ng lotus, manipis na gasa
na nakapalibot sa batong haligi na gawa sa puting jade. Lahat ng naroon ay tila hindi mula sa
ilalim ng lupa, mas masasabing tila nasa isa kang palasyo.
Ang alingawngaw ng tawanan ay tila pilak na mga kampana na sinamahan ng tugtugin mula sa
sitara ang maririnig sa loob. Pamilyar na naglakad si Zi Jin sa mga daanan at pasilyo, naroon sa
mukha nito ang isang malaki at maliwanag na ngiti.
Minasdan ni Jun Wu Xie lahat ng nasa kaniyang harapan. Sino ang makakaisip na ang Spirit
Jade Palace na malupit na inusig ng Twelve Palaces sa katunayan ang nagtatago dito mismo sa
Mount Fu Yao!
Sa loob ng Spirit Jade Palace, ang hangin ay nababalutan ng halimuyak ng bulaklak, isang
matamis at katakam-takam na amoy na hindi labis, at lalong hindi kasuklam-suklam. Isang
bagay na nakita ni Jun Wu Xie na kabigha-bighani ay ang mga palmuti na halos karamihan ay
kulay-rosas, kung saan maging ang puting jade na haligi ay may nakaukit na kulay-rosas na
bulaklak ng lotus at mga talulot nito.
Nang makita ng itim na pusa ang kulay-rosas na lugar, ay agad nitong tinakpan ng kamay ang
mukha.
Ang kaniyang Mistress na ito… bukod sa matinding kahinaan laban sa mga malalambot at
mabalahibong bagay, ay may isang kakatwang hilig… ang labis na pagkahilig sa kulay-rosas.
Sino ang mag-aakala. Ang pagkakaroon ng isang malamig at manhid na puso, bukod sa
napakalamig na lamesa sa pag-oopera habang hinihimay ang mga patay na katawan ng walang
kahit anong ekspresyon sa mukha. Pagdating nito sa bahay, ay palagi itong nakasuot ng isang
malambot na kulay-rosas na pantulog. Isang kakaibang dalaga!
Ngunit ang puntong iyon ay isang bagay na hindi napapagtanto mismo ni Jun Wu Xie. Tanging
kapag siya ay nasa kaniyang pinakapribado at lihim na lugar saka ang kakatwang ugaling ito
niya lumalabas.
Nangmalantad sa kaniyang harapan ang lugar na ito na sobra ang kulay-rosas, agad
napagtanto ng pusang itim na hangga't ang Lord ng SPirit Jade Palace ay hindi magiging di-
makatuwiran, ang bagay na iyon ay magiging maayos!
Walang kaalam-alam si Zi Jin kung gaano kaligalig ang pusang itim sa kaniyang likuran at
diretso itong nagtungo sa bulwagan ng palasyo.
Sa loob ng bulwagan, sa likod ng manipis na tela, isang anyo ng tao ang bahagyang makikita.
At sa magkabilang bahagi ng bulwagan, ilang magagandang dalagita ang masayang naglalaro.
Nang masilayan si Zi Jin na nagbalik at nababalot ng balabal, mayroong isang lumapit agad na
bakas ng pag-aalala.
"Senior! Anong nangyari sa iyo? Sino ang nagbigay sa iyo ng mga sugat na ito?" Isang dalagita
na may hugis almendras na mata ang biglang napasigaw at tumulo ang luha sa pisngi nang
makita niya ang katawan ni Zi Jin.
Ang isang pagtangis na iyon ay nagng dahilan upang lahat ng tawanan sa bulwagan ay matigil
at lahat ng mga kababaihan ay sumugod upang surrin ang pinsala ni Zi Jin.
Sinusubukan ni Zi Jin na siguruhin sa lahat ng mga kasama na siya ayos lamang habang
naglalakad patungo kurtina sa pangunahing bulwagan.
"My Lord! Nagbalik na si Zi Jin!"
Isang mahina at malamlam na boses ang pumailanlang mula sa likod ng kurtina.
"Oh? Nagbalik na kaagad?"
"Oo! My Lord, sa paglalakbay kong ito, ay nagdala ako ng isang panauhin para sa aking Lord!"
Habang sinasabi iyon, ikinaway ni Zi Jin ang kaniyang kamay sa labas ng bulwagan.
Si Jun Wu Xie na nagtatago sa labas ng bulwagan ay lumantad at naglakad papasok sa
pangunahing bulwagan ng Spirit Jade Palace!
Nakadamit bilang isa binatilyo, ang kaniyang balingkinitang katawan at kaaya-ayang mukha,
nakatayo sa parang ng mga bulaklak, si Jun Wu Xie ay kapansin-pansin.
"Argh! Isang lalaki!!!" Ang dalagitang mahigpit ang pagkakakapit kanina kay Zi Jin ay
napaurong at umirap nang makita si Jun Wu Xie na biglang nagpakita sa bulwagan habang ang
iba ay nagsisigaw dahil sa takot at ang iba naman ay nakataas na ang mga kamay na mukhang
handang makipaglaban.
Mabilis na naglakad paharap si Zi Jin at sinabi: "Kayong lahat, mali ang inyong pagkakaunawa.
Ito ang aking tagapagtanggol na nagligtas sa akin. Ang aking tagapagtanggol ay narito sapagkat
may importante siyang sasabihin sa ating Lord."
Lahat ng kababaihan ay may pag-aalalang nagbulungan ng ang mahina at malamlam na boses
ay muling narinig sa likod ng bulwagan.
"Ang magkaroon ng kaibigan mula sa malayo ay isang kasiyahan dito. Ngunit ang hindi ko
maintindihan, ay kung bakit ang panauhin nating ito ay nais gumamit ng lihim na panlilinlang
sa isang disipulo ng aking Spirit Jade Palace!"