Lahat ng kababaihan ay may pag-aalalang nagbulungan ng ang mahina at malamlam na boses
ay muling narinig sa likod ng bulwagan.
"Ang magkaroon ng kaibigan mula sa malayo ay isang kasiyahan dito. Ngunit ang hindi ko
maintindihan, ay kung bakit ang panauhin nating ito ay nais gumamit ng lihim na panlilinlang
sa isang disipulo ng aking Spirit Jade Palace!"
Ang boses na iyon ay mahina at malamlam, hindi tulad ng isang boses ng babae na dapat ay
marikit .
Nang bumagsak ang mga salitang iyon, ang manipis na kurtina na tumatabing sa loob ng
bulwagan ay bahagyang umangat dahil sa banayad na hangin. Sa naka-angat na entablado sa
likod ng palatial hall, ay isang mahaba at malambot na upuan. Isang lalaki na may kasuotang
kulay-rosas ang nakaupo doon, nakapangalumbaba, ang mata ay nakatuon kay Jun Wu Xie.
Ang Lord ng Spirit Jade Palace ay isa pa lang lalaki…
Nagulantang sa rebelasyong iyon si Jun Wu Xie na nasa kaniyang harapan.
Sa loob ng napakalawak na Spirit Jade Palace, halos lahat ng disipulo ay kababaihan, bukod-
tangi lamang ang Palace Lord na isang lalaki.
Agad, si Jun Wu Xie ay wala gaanong magandang impresyon sa Lord na iyon ng Spirit Jade
Palace.
"My Lord!" Nang ihantad ng lalaki ang kaniyang mukha, lahat ng kababaihan ay magalang na
lumuhod. Maging si Zi Jin ay napaluhod, may alab na nakatitig sa Lord ng Spirit Jade Palace.
"My Lord… Ako ba'y…" Biglang naramdaman ni Zi Jin na may umuugong sa kaniyang isip,
parang may kung ano doon na wala siyang kontrol.
Napaupo ang Lord ng Spirit Jade Palace at sa isang bahagyang pagkaway ng kaniyang kamay,
ang malapad na manggas ng kasuotan niya ay bahagya iyong nakuskos sa mga kulay-rosas na
bulaklak na nakalagay sa kaniyang harapan, at isang kakaibang amoy ang lumutang sa ilong ni
Zi Jin.
Sa isang iglap, ang bahagyang nahihilong isip ni Zi Jin ay naging malinaw. Nagtataka na
napatitig ito kay Jun Wu Xie na nakatayo sa kaniyang tabi, bakas sa mukha nito ang matinding
gulat.
"Bakit… Bakit ka narito…"
Sa kaniyang utak, imahe ng mga eksena na parehong pamilyar at kakaiba ang mabilis na
dumaloy, at nagdulot ng matinding sakit sa ulo ni Zi Jin.
Minasdan ni Jun Wu Xie ang Palace Lord at bahagyang ibinaba ang sarili upang ibigay ang bote
ng elixir sa harap ni Zi Jin at muling tumayo upang sabihin: "Ang Spirit Jade Palace ay matagal
na panahon ng nakabukod at kung hindi dahil sa pangyayari ngayon, ay hindi ko magagawa na
makita ito. Maaring nagdulot ako ng paghamak sa aking mga ikinilos, at hangad ko ang iyong
pang-iintindi dito."
Natigagal si Zi Jin habang minamasdan ang bote ng gamot sa kaniyang harapan.
"Bihira na makakita ng tao na may alaala pa rin ng aming Spirit Jade Palace. Ako'y nagtataka
kung ano ang nagdala sa aming munting Young Master dito ngayon?" Tanong ng Lord ng Spirit
Jade Palace, ang mata niya ay sinukat si Jun Wu Xie mula itaas hanggang baba ngunit wala
siyang makitang poot mula sa bata.
"Pakikipagtulungan." Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie.
"Pakikipagtulungan?" Tanong ng Spirit Jade Palace Lord habang nagtatanong na nakatingin
kay Jun Wu Xie. Saglit siyang huminto bago niya pinaalis lahat ng kaniyang mga disipulo, at
ang tanging naiwan lamang ay si Jun Wu Xie at ito sa loob ng palatial hall.
Nang makita ni Jun Wu Xie ang ginawa nitong iyon, batid niya na siguradong ang lalaking ito ay
nagtataglay ng kapangyarihan na higit sa kaniya, dahil kung hindi ay hindi nito ipupusta ang
sarili na manatiling mag-isa na kasama siya doon.
Dahil sa mga bagay na umabot sa ganoong yugto, hindi na ninais ni Jun Wu Xie na magsayang
pa ng oras kaya naman diretso na niyang sinabi ang punto: "Sa loob ng napakaraming tao, ang
Spirit Jade Palace ay nagdusa ng pag-uusig kahit saan man mula sa Twelve Palaces. Naisip mo
bang maghiganti?"
Ang Lord ng Spirit Jade Palace ay may kaakit-akit na mukha, ang nakakahalina nitong mata ay
malinaw at magiliw. Kahit sa bahagyang pagsimangot na makikita sa mukha nito ngayon, ay
mapapansin pa rin na ito'y kaakit-akit.
"Ang little brother na ito, ay sinasabi sa akin na nais mong makipagtulungan sa akin upang
pataobin ang kasalukuyang Twelve Palaces?" Bahagyang kumislap ang mata nito, habang
nakatingin sa pangahas at matapang na binatilyo.
"Bakit hindi?" Tanong ni Jun Wu Xie na nakataas ang kilay.
Humalakhak ang Spirit Jade Palace Lord habang nakayapak na naglakad sa marmol na sahig.
Marahan na kinuha nito ang isang bote ng alak at tumingala upang uminom ng alak sa isang
dalisay na pagkilos. Ang mata na bahagyang malamlam ay naningkit, ang matalim at
nakakakilabot na tingin nito ay dumako kay Jun Wu Xie.
"Hindi kita kilala, at hindi ko alam kung anong uri ng poot o paghihiganti mayroon ka laban sa
Twelve Palaces. Ngunit kung binabalak mo na gamitin ang aking Spirit Jade Palace bilang talim
na iyong hahawakan, tila basta mo na lamang ito naisip!"