Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 150 - Lumugar ka (1)

Chapter 150 - Lumugar ka (1)

Kalmado si Jun Wu Xie, kahit na mapaminsala ang pamamaraang ginamit.

Nanginginig naman sa galit si Mo Qian Yuan. "Nasiraan na ba ila?! Isang buong kaharian! Kalokohan!! Lagi niyang pinahalagahan ang kanyang imahe sa mga tao, paano niya magagawa ito!?"

Sinulyapan ni Jun Wu Xie ang galit na Mo Qian Yuan at sinabing: "Hindi ito kayang gawin ng Emperador at ni Mo Xuan Fei,si Bai Yun Xian ang may pakana."

Ayos, ngayon alam na niya, na ang lasong binigay kay Lin Yue Yang, ay gawa ni Bai Yun Xian. Sinubukan niyang galawin ang aking lolo. Ipapakita niya kay Bai Yun Xian, na walang sinabi ang mga daya niya sa mga mata niya!

"Bakit ito gagawin ng Qing Yun Clan?" Nagtataka si Mo Qian Yuan.

"Iisang pamilya lang ang lason at medisina." Sagot ni Jun Wu Xie.

Ang mga taong maalam sa medisina, ay maalam rin sa lason!

"Binibini, ang aking mga kapatid?" Walang pakialam si Long Qi sa mga balibalita ng palasyo, may pakialam lang siya sa kanyang mga kapatid sa hukbo.

"Nalason sila, kapag hindi nagamot, hindi sila tatagal ng tatlong araw." Sinabi sa kanya ni Jun Wu Xie.

Nagmakaawa si Long Qi: " Iligtas niyo sila!"

"Ano ba sa tingin mo ang rason kung bakit ko sila pinanatili?" Tinignan niya si Long Qi.

Lumuhod at yumuko si Long Qi sa sahig bilang pasasalamat.

Nang nakita ang kakayanan niya sa medisina, naniwala si Long Qi, na sa kanyang salita, mabubuhay ang mga kapatid niya.

"Wu Xie, gaano ka kakampante sa lason?" Tinanong ni Mo Qian Yuan. Wala pang nakakarinig patungkol sa lasong nagpapasabog ng katawan, at ang kaalamang galing ito sa angkan ng Qing Yun, malakas siguro ito.

"Larong pambata. Ano ba sa tingin mo?" Tinignan ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan.

"...…." Naisip rin ni Mo Qian Yuan na walang kwenta ang kanyang tanong. Walang pakialam si Jun Wu Xie sa anumang galing sa angkan ng Qing Yun. Nasampal na ni Jun Wu Xie si Bai Yun Xian sa mga kaganapan patungkol sa Jade Dew Pills. Napahiya lang siya.

"Ngunit base sa iyong sinabi, mabilis kumalat ang lason, mukhang masyadong marami ang mga taong kailangan nating gamutin at hindi natin ito kakayanin, ano ang gagawin natin?" Hindi maisip ni Mo Qian Yuan ang dami ng nalason. Kahit na magawa ni Jun Wu Xie ang panremedyo, kapag may isang nahawa, hindi titigil ang mga pagsabog.

"Hindi naman masyadong nakakatakit. Mabilis mang kumalat ang lason, saglit rin lang ito sa hangin." Kapag nanatili ito sa hangin, hindi na nila kakailanganing magpadala ng limampung tao sa kanilang kamatayan.

"Gagawin ko ang lahat para mabilis na magawa ang panremedyo, basta hindi maubos ang mga damong-gamot, hindi ako mapipigilan nito." Lumugar ka, Bai Yun Xian, hinihingi mong mapahiya.

"Sisiguraduhin kong darating ang mga damong-gamot." Sabi ni Long Qi, ang hukbo ang habol ng lason, at hindi siya papayag na manaig sila!

"Hayaan mo si Tito Fu sa pagiipon ng mga dmong-gamot, mayroon akong ibang utos para sa'yo." Tinignan ni Jun Wu Xie si Long Qi ng may malisya sa mga mata na matagal natulog.

Dahil pagod na silang mabuhay, ihahatid na niya sila, ng may tuwa!