Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1464 - Ipakita Mo Ang Iyong Mukha (6)

Chapter 1464 - Ipakita Mo Ang Iyong Mukha (6)

Ang black robed man ay inilagak ni Ye Sha sa isang silid. Inatasan ni Jun WU Xie si Ye Sha na

bigyan ng gamot ang black robed man upang patatagin ang paghinga nito upang sa gayon ay

hindi ito mawalan ng malay.

Ang lalaking nakaitim ay nakaupo sa isang sulok ng higaan at ito'y nanghihina, lahat ng

meridians nito ay tinakpan ng spirit powers ni Jun Wu Xie. An tanging nagagawa niya sa

ngayon ay igalaw ang kaniyang bibig at mga matanito'y malamig, habang nakatitig kay Jun Wu

Xie, tila ang nais nito sa ngayon ay walang iba kundi ang hiwain ito at lamunin.

"Kapag napatunayan na ang iyong kakayahan ay mahina, kailangan mong tanggapin ang iyong

kapalaran." Saad ni Jun Wu Xie habang umuupo sa isang upuan na nasa tabi,

nakapangalumbaba habang walang tigatig na minasdan ang lalaking nakaitim.

"Sino ka ba sa akala mo!" Hindi pa rin makapaniwala ang lalaking nakaitim na si Jun Wu Xie ay

isang tao na talagang nagmula sa Lower Realm. Kung ano ang Lower Realm, ay hindi lingid sa

kanilang kaalaman at kung ang Lower Realm nga ay tunay na kayang gumawa ng isang

halimaw na sukdulan hanggang langit, ay hindi dapat sila nagdusa sa pang-aapi ng Middle

Realm ng ilang taon.

"Kung sino ay isang bagay na hindi ka karapat-dapat na magtanong." Isang boses ang biglang

umalingawngaw.

Mabagal na naglakad si Jun Wu Yao mula sa pintuan, ang sulok ng kaniyang mga labi ay

bahagyang nakangiti, ang tingin niya ay wala sa lalaking nakaitim at sa halip ay nakatuon kay

Jun Wu Xie.

Subalit, sa sandaling malinaw na nakita ng black robed man ang mukha ni Jun Wu Yao, ang

mata niya ay halos lumuwa sa pagkakatitig, pulang mga ugat ang pumuno sa kaniyang mga

mata habang patuloy ito sa pagtitig kay Jun Wu Yao na para bang nakakita ito ng multo!

"Tinakot mo siya." Saad ni Jun Wu Xie habang tinatamad na minasdan si Jun Wu Yao.

Kung saan sinagot ni Jun Wu Yao: "Palagay ko ang aking hitsura ay hindi naman ganoon

kasama ang epekto."

"Marahil ay nakilala ka niya." Saad ni Jun Wu Xie na nakataas ang isang kilay.

Bahagyang napagiti si Jun Wu Yao at walang sinabi.

Ngunit ang bibig ng lalaking nakaitim ay walang tigil sa pangangatal at ang mukha niya ay tila

tinakasan ng kulay dala ng matinding takot, mas mukhang takot ito ngayon kaysa nang matalo

siya ni Jun Wu Xie!

"Dark… Dark Emperor…" Ang nakakatakot na dalawang salita na iyon ay sinambit ng lalaking

nakaitim habang ang mukha ay putlang-putla at ang mga mata ay nakapako kay Jun Wu Yao

na naupo sa tabi ni Jun Wu Xie.

Ang ngit ni Jun Wu Yao ay kalmado at wala itong reaksyon sa halip ay si Jun Wu Xie ang

bahagyang napataas ang kilay at sinabi: "Tinawag ka niya."

Nalilito ang mukha ni Jun Wu Yao. "Hindi ko alam iyon!"

"Mapagpanggap." Saad ni Jun Wu Xie at inilipat ang tingin kay Jun Wu Yao, ngunit hindi na

niya ipipilit kung nais nito na ipagpatuloy ang pagtatanggi sa kaniyang katauhan.

Matapos ang kaawa-awa at kamalasan na pagkakita ng lalaking nakaitim kay Jun Wu Yao,

sobra siyang natakot at halos mawala siya sa sarili. Sa harap ni Jun Wu Xie ay nagawa pa

niyang magtapang-tapangan, ngunit nang magpakita si Jun Wu Yao, ay tila isa siyang lobo na

nawalan ng hangin at kaawa-awang nanginig na parang puno sa hangin.

Napakatagal na panahon na nang bumagsak ang Dark Emperor at ang lalaking nakaitim ay

hindi pa kailanman nasilayan ang tunay na hitsura ng Dark Emperor. Ngunit sa Twelve Palaces,

ang mga ito'y may itinatagong larawan ng Dark Emperor, trabaho ng sining na halos

magmukha itong buhay, ang tanging kaibahan lamang sa lalaking nasa harap niya ngayon ay

ang kulay ng mata nito, bukod doon, ay tugma ito.

Bagaman ang Dark Emperor ay wala na, ang walang kapantay na kasikatan at kadakilaan nito

ay hindi naglaho sa Middle Realm, ang dalawang mga salitang iyon ay tila isang sumpa na

nanatili sa puso ng lahat.

Maaring ang presensiya ni Jun Wu Yao ay talagang nagbigay ng takot sa lalaking nakaitim dahil

ang mga reaksyon nito matapos ay naging kakaiba. Bagaman tinanong siya ni Jun Wu Xie ng

ilang mga bagay, isiniwalat niya lahat ng katotohanan na kaniyang alam. Hindi dahil sa duwag

siya ngunit…

Sa harap ng Dark Emperor, walang maglalakas-loob na lumaban at sumuway sa kaniya kahit

bahagya lang. Ang katapangan ng Dark Emperor ay pinag-uusapan pa rin sa Middle Realm

hanggang sa ngayon.

Hindi nais ng lalaking nakaitim na isiping siya ay hindi nakikipagtulungan at makuha ang

"atensyon" ng Dark Emperor sa kaniya. Ang galit ng Dark Emperor ay isang bagay na hindi siya

talaga handang harapin!

Related Books

Popular novel hashtag