Ang pagtatanong ay maayos na naisagawa, sa sobrang ayos ay hindi maiwasan ni Jun Wu Xie
na isipin na wala na siyang kailangang gawin pa. Kailangan lamang niya itulak si Jun Wu Yao
paharap at ilagay ito sa harapan ng mga tao ng Twelve Palaces at ang mga iyon ay mabilis na
magdadatingan upang gumapang at magbigay puri sa kanilang harapan?
Ngunit siyempre, iyon ay nasa isip lamang niya. Ang katotohanan na hindi isinisiwalat ni Jun
Wu Yao ang kaniyang tunay na katauhan ay nagsasabi sa kaniya na may sarili itong mga dahila
doon. Higit doon, hindi nais ni Jun Wu Xie na umasa ng sobra sa ibang tao.
Mula sa bibig ng lalaking nakaitim, kaniyang napagtanto na tulad ng dalawang lalaki sa Cloudy
Peaks, ang mga iyon ay mula sa Palace of Flame Demons at ang uri ng lason na ipinilit nila sa
mga katawan ng takas ay iba sa Condor Country. Ang lason na ginagamit nila ngayon ay
espesyal na binago mula sa nakaraang lason na ginamit.
Ang Palace of Flame Demons ay gumawa ng matinding pagsisikap upang umatake ngayon
sapagkat ang Middle Realm ay hindi na ganoon kapayapa at ang Palace of Flame Demons ay
nais gamitin ang pagkakataong iyon upang palakasin ang kanilang kapangyarihan at posisyon,
hangad na pahirapan ang iba pang labing-isang palaces. Doon sila nagdesisyon na umatake sa
Lower Realm. Matapos mapag-isa at makuha ang kontrol sa Lower Realm, ay magagawa
nilang makuha ang lagom sa paghahanap sa libingan ng Dark Emperor, at hadlangan ang ibang
palaces sa kanilang misyon na bumaba doon.
"Ang Middle Realm ay nagiging magulo? Anong ibig sabihin noon?" Interesadong tanong ni
Jun Wu Xie habang nakataas ang kilay.
Tapat na ipinaliwanag ng lalaking nakaitim iyon sa kaniya.
Ang Middle Realm ay nahahati sa One Region, Four Sides, Nine Temples at Twelve Palaces.
Ngunit dahil sa ang Dark Region ay bumukod ang orihinal na balanseng kapangyarihan ay unti-
unting nasira sa pagdaan ng panahon. Ang Twelve Palaces ay hinangad na sugpuin ang
kapangyarihan ng Nine Temples at ang Nine Temples ay walang ginawa upang pigilan sila, na
naging dahilan upang mahimok ang Twelve Palaces na mas maging agresibo.
Sa katunayan, bukod sa Palace of Flame Demons, ang antas ng mga gawain sa ibang palaces
ay yumayabong ngunit ang kanilang paraan at layunin ay magkakaiba.
Ang lakas ng Palace of Flame Demons na kabilang sa Twelve Palaces ay nagiging malakas sa
araw-araw na kung saan ay lakas-loob silang gumawa ng malaking kaguluhan habang ang
ibang palaces ay nangahas lamang na kumilos ng lihim.
Ang Four Sides ay palaging matatag, laging nanatiling malayo sa mga makamundong gawain
habang ang Nine Temples ay laging tinitingnan ang Twelve Palaces. Ang bawat palaces na
kabilang sa Twelve Palaces ay pinatibay ang kanilang lakas upang ihanda ang kanilang mga
sarili sa pagsupil sa Nine Temples upang maghiganti dahil matapos bumukod ng Dark Region,
ang tanging nag-aagawan sa nangungunang posisyon ay ang Twelve Palaces at Nine Temples.
Ang Four Sides ay laging nanatiling hindi kapuna-puna sa kanilang mga kilos at at hindi nila
idinawit ang mga sarili sa anumang laban.
Ang Palace of Flame Demons ay nais na makakuha ng malaking kalamangan para sa sarili sa
puntong ito ngunit si Jun Wu Xie ay biglang nagpakita at tuluyang sinira lahat ng magandang
plano nila.
Ang lalaking nakaitim ay naging totoo sa pagsiwalat lahat ng kaniyang nalalaman at nang
paalisin na ito ni Jun Wu Xie upang katagpuin ang nagpadala dito, bakas sa mata nito ang
kaginhawaan na may bahid ng pakiramdam ng kalayaan.
"Tila ang Middle Realm ay mas naging maligalig rin." May lungkot na saad ni Ye Mei. Dahil sa
tagal na hindi na ito nakakabalik, hindi na niya alam kung ano ang naging pagbabago sa Middle
Realm.
"Hindi ba't magandang pagkakataon ito sa atin ngayon?" Saad ni Jun Wu Xie na bahagyang
nakataas ng kilay, isang malamig na kislap ang nagniningning sa kaniyang mga mata. Sa simula
ay ninais niya na maging malakas upang protektahan ang mga taong mahalaga sa kaniya.
Ngunit ngayon na taglay na niya ang kapangyarihan, ang nakalatag sa kaniyang harapan ng
mga sandaling iyon ay hindi na lamang ang sariling kaligtasan.
Dahil sa hangarin ng Twelve Palaces na maghari sa Middle Realm, siguradong kakaladakarin
nila ang Lower Realm sa kanilang mga plano. Sa kasalukuyan ang Middle Realm ay hindi
nagtataglay ng sapat na kapangyarihan upang labanan ang Middle Realm at bagaman hindi
nais ni Jun Wu Xie na ilubog ang sarili sa putik, ngunit ang kaniyang pamilya ay naninirahan
dito sa Middle Realm. Matapos masaksihan kung paano tratuhin ng Middle Realm ang mga
tao dito Sa Lower Realm bilang hamak na mga piyon, naramdaman niya na hindi na niya
kayang tiisin pa iyon.
"Dahil ang Middle Realm ay tila nasa gitna ng malaking pagbabago, bakit hindi nila tayo…
isama, ang Lower Realm." Saad ni Jun Wu Xie na ang sulok ng mga labi ay nakangisi.
Napataas ang kilay ni Jun Wu Yao at nilingon si Jun Wu Xie. "Anong iniisip mong gawin?"
Tumugon si Jun Wu Xie: "Wala naman gaano. Hayaan lamang sila na ang tingin sa mga tao ng
Lower Realm ay hamak na mga langgam lamang na puwede nilang patayin kung gusto nila,
iyon lang."