Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1453 - Makikipaglaro Ako Sa’yo (2)

Chapter 1453 - Makikipaglaro Ako Sa’yo (2)

Ang mas nakakapagtaka ay noong magising sila, umakto sila na parang walang nangyari, wala

sa kanila ang makaalala na pinatulog sila. Sa ilang oras matapos silang magising, silang lahat ay

kumilos na parang nawala ang kanilang alaala, at nagpuntahan sa mga lugar kung saan sila

dapat naroon, at pagkatapos ng ilang sandali ay lubusang magigising na lamang, at nagbalik sa

normal.

Ang kakaibang eksena na iyon ay sapat na upang ang mga balahibo ng City Lord ay tumayo,

nagawang matanto na si Jun Wu Xie ay talagang di-maarok.

Mabilis na natanggap ni Jun Wu Xie ang lihim na sulat ng City Lord. Isiniwalat ng City Lord ang

intensyon ni Luo Xi sa sulat at ayon sa kaniyang naintindihan tungkol kay Luo Xi, gumawa ng

sariling mga palagay si Jun Wu Xie sa mga gagamitin na paraan ni Luo Xi.

"Magiging isang larong pambata na naman ito." Saad ni Jun Wu Xie habang hawak ang sulat at

sinunog sa apoy mula sa kandila, pinanood ito na unti-unting natutupok.

Nakaupo si Jun Wu Yao sa harapan nito, isang bahagyang ngiti ang namutawi sa labi. "Tila

hindi nasisiyahan si Little Xie?"

"Mukha ba?" Tanong ni Jun Wu Xie, ang kilay ay bahagyang napataas.

Saka natatawang tumugon si Jun Wu Yao: "Tama ka. Ang katotohanan na naisip ni Luo Xi na

gumamit ng mga pambatang pamamaraan upang gumawa ng kaguluhan para sa iyo ay

talagang nakakatawa."

Pagdating sa kakayahan sa mga lason at lunas, ay walang natatagpuan si Jun Wu Yao na mas

mahusay kay Jun Wu Xie. Bagaman ipinanganak ito sa Lower Realm, ang kahusayan nito sa

medisina at kaalaman sa lason ay kadalasang nagpapamangha sa kaniya.

Minsan, si Jun Wu Yao ay nagtataka kung saan nakuha ni Jun Wu Xie ang abilidad na iyon. Tila

ito'y nasangkapan na ng mga iyon mula ng una niya itong makita.

Ang sino man na maglakas-loob na magpakita kay Jun Wu Xie ng mga gamot o lason ay

mapapahiya lamang bandang huli.

"Si Luo Xi at ang kagalang-galang ang may komunikasyon sa isa't isa. Kailangan ko lamang

dalhin si Luo Xi sa isang sulok kung saan walang paraan upang makaalis siya at ang tao sa likod

niya ay siguradong kikilos." Kawalang-bahala na saad ni Jun Wu Xie.

Ang pain ay nasa kawit na at nakalatag na ang linya, ang kailangan na lang niyang gawin ay

hintayin na kumagat ang isda.

Sa kailaliman ng gabi kung saan tahimik ang lahat, ilang kaduda-dudang anino ang pumasok sa

mga hanay ng kabahayan sa hilagang siyudad. Ang buwan ay nasa kalangitan at ang lugar ay

napakatahimik sa disoras ng gabi. Ilang kalalkihan ang tahimik na nagtipon at ang isa sa kanila

ay ipinamahagi ang ilang paketeng papel na sinlaki ng palad sa kamay ng bawat isa na naroon

at pabulong na nagsalita: "Lahat kayo makinig mabuti. Ang gamot na ito'y nakakamatay sa

oras na malagay sa dugo. Kayong lahat ay inaatasan na itapon ito sa tubig na nasa mga balon.

Huwag niyong kakaligtaan maski isa." Ang ibang black robed men ay tumango at agad silang

naglaho.

Inisip nila na naging tahimik sila at walang nakaalam na naroon sila. Ngunit lingid sa kanilang

kaalaman, sa loob ng bahay na nakatayong mag-isa, isang munting anyo ang nagtatago sa

kadiliman, nasilayan ng mata nito ang bawat kilos na ginawa nila.

"Ilang balon ang nasa malapit?" Tanong ni Jun Wu Xie sa kadiliman.

Pbulong na sumagot si Ye Sha. "Labing pito. Hindi lamang tayo ang gumagamit ng mga iyon.

Ang mga residente ng Clear Breeze City na naninirahan sa malapit ay ginagamit din iyon."

Malamig na tumawa si Jun Wu Xie.

"Si Luo Xi ay mas masahol nga kaysa sa City Lord. Upang masira ang lugar na ito, wala itong

pakialam kung maaapektuhan ng tubig ang napakaraming inosenteng tao."

Labing pitong balon. At hindi lamang ang mga takas ang umiinom mula sa mga iyon. Ang

mamamayan na nakatira sa malapit ay kinukuha rin ang kanilang tubig mula sa mga balon na

iyon at sa kaniyang hinuha, ang labing pitong balon na iyon ay kikitil sa buhay ng ilang libong

tao.

Tahimik na pinanood ni Jun Wu Xie ang lahat hanggang sa ang mga black robed men ay

natapos anmg kanilang mga gawain at tahimik na umalis.

Pagkatapos ay naglakad siya ng walang pagmamadali, nilapitan ang isang balon na

pinakamalapit sa kaniya. Kumuha siya ng isang timba ng tubig at masusing sinuri iyon.

Ilang sandali ang lumipas, ang pares ng malamig na mga matang iyon ay nabalot ng

pagkasiphayo.

Walang-bahala na hinagis ni Jun Wu Xie kay Ye Sha ang dalawang bote ng elixir.

"Maghulog ka ng dalawang gamot sa bawat balon." Matapos sabihin iyon, ay agad nang

naglakad palayo si Jun Wu Xie, ang kasiglahan niya ay nawala.

Related Books

Popular novel hashtag