Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1454 - Makikipaglaro Ako Sa’yo (3)

Chapter 1454 - Makikipaglaro Ako Sa’yo (3)

Tahimik na minasdan ni Ye Sha ang likod ni Jun Wu Xie na unti-unting lumiliit.

[Gaano kakapos ang lason sa mga balon na ito upang ang kaniyang Young Miss ay hindi

masiyahan, at itinaboy ang bawat patak ng pakikibaka sa kaniya!?]

Sa loob ng Fortune Spring Hall, si Luo Xi ay nakatayo lamang sa labas sa ilalim ng liwanag ng

kandila, ang mukha niya ay nabalot ng kasiyahan.

"Nagawa ba ang lahat?"

"Oo."

"Mabuti." Tumango si Luo Xi at tumalikod upang masdan ang kumikisap na apoy ng kandila,

ang mata niya ay napuno ng nakalalasong kasamaan. "Maaring may ilang kamatayan na

maganap sa siyudad na ito bukas, palagay ko ay magtataas ng bahagya ang halaga ng mga

kabaong."

"Ang Young Master ay walang kapantay pagdating sa kaniyang mga plano at ang lason na iyon

ay ginawa pa mismo ng Young Master. Ang lason ay nakamamatay at wala sino man sa lupaing

ito ang magagawang salungatin ang epekto niyon. Siguradong magtatagumpay ka!"

Bahagyang ngumiti si Luo Xi at iwinasiwas ang kaniyang kamay. "Tama, mabuti at alam mo

iyan. Hintayin at panoorin natin ang palabas bukas. Isang bagay pa nga pala, maghanda pa

kayo ng maraming banig na yari sa dayami upang maibigay ko iyon sa lahat ng "mahihirap" na

takas upang ibalot sa kanilang mga bangkay. Hahaha…"

Kinabukasan, si Luo Xi ay puno ng pag-asam habang nakaupo at ang mukha niya ay malapad

ang pagkakangiti sa loob ng kaniyang asyenda at hinihintay ang balita tungkol sa maraming

kamatayan na mangyayari sa hilagang siyudad. Ngunit…

Nakaupo siya doon hanggang narating ng araw ang kasikatan nito ngunit wala siyang

natanggap na kahit isang balita na mayroong namatay!

Nakaramdam ng matinding pagtataka, agad nagpadala si Luo Xi ng mga tauhan sa hilagang

siyudad upang suriin ang sitwasyon at sa pagbalik ng kaniyang tauhan, ang balita na dala

nito'y nagpatigagal kay Luo Xi.

"Anong sabi mo!?" Hindi makapaniwalang nanlaki ang mata ni Luo Xi habang nakatitig sa

kaniyang tauhan na nakaluhod sa kaniyang harapan.

Malungkot na saad ng lalaki: "Ang inyong lingko ay nanatili at nagmasid sa hilagang siyudad ng

apat na oras at nakita na ilan sa mga takas ang sumalok ng tubig mula sa balon, ngunit… wala

akong nakita maski isa sa mga iyon na nagpakita ng sintomas na nalason."

Ang lalaking iyon ay halos mangiyak-ngiyak na. Hindi na kailangan banggitin na walang

namatay. Nang makita ang mga takas na iyon na may hawak ng malalaking sandok at umiinom

direkta mula sa tubig ng balon kung saan ang mga iyon ay mukhang masaya at walang-taros ay

nagpatigagal sa kaniya kanina. Nasaksihan mismo ng kaniyang mga mata kung gaanong

nakamamatay ang epketo ng mga lason ni Luo Xi at kaunti lamang ang kailangan ng isang tao

na lunukin patungo sa kanilang tiyan bago patayin ang isang malusog at malakas na tao ng

ilang sandali, paano pa kaya para sa mahihinang mga takas? Ngunit kahit ano pa man, ang

kakaibang kaganapan ay nangyari!

"Ano ang talagang nagyari!? malabo na ba ang mata mo!?" Hindi matanggap ni Luo Xi ang

ganoong resulta. Ang lason na iyon ay palaging tumatalab sa tuwing gagamitin niya iyon at

hindi pa siya nito binigo maski minsan.

Umiling ang tauhan at sinabi: "Nabagabag ako na maaring namamalik-mata kaya ako'y nag-

ikot upang makita ang sitwasyon sa ibang mga balon, ngunit ang sitwasyon doon ay pare-

pareho."

Napaupo si Luo Xi sa kaniyang upuan, ang kulay sa kaniyang mukha ay hindi na maganda.

"Paano nangyari ito… Paano nangyari ang ganito… Napakaimposible nito! Ang aking lason…

Bakit wala itong epekto… Alis! Pumunta ka doon at magdala ka ng tao upang subukan ang

lason. Hindi ako naniniwala na nasa gamot ko ang problema!"

Maya-maya, isang maliit na binatilyo ang kinakaladkad patungo sa silid ni Luo Xi. Pinilit na

ipainom ang lason dito at sa loob ng dalawang minuto, ang binatilyo ay wala ng buhay na

nakahandusay sa sahig at ang dugo ay umaagos sa pitong butas ng katawan.

Habang tinititigan ang dugo sa sahig, ay mas lalong nagtaka si Luo Xi.

Malinaw na walang problema ang lason, kaya bakit ni isa man lang sa mga takas sa hilagang

siyudad ay hindi namatay?

"Kayong lahat ay magtutungo muli doon ngayong gabi! Gawin ninyong triple ang dami ng

lason at ibuhos ninyong lahat!" Saad ni Luo Xi sa nangangalit na ngipin.

"Masusunod!"

Subalit…

Sa ilalim ng gabi na kalangitan,matapos lumisan ang grupo ng black robed men, ay muling

sinuri ni Jun Wu Xie ang mga balon. Sa pagkakataon na ito, ay hindi na siya nag-abala pa na

magsalita bago niya ibinatong muli ang dalawang bote ng elixir kay Ye Sha na dismayado, at

mabilis na itong bumalik sa kaniyang higaan upang matulog.

Nakatayo si Ye Sha doon na hawak ang mga bote ng elixir, bakas sa mukha nito ang

pagdadalamhati. Sa mga sandaling iyon, tila nais niyang tumakbo patungo kay Luo Xi at

sabihan ito na gumawa ng lason na mas mataas ang uri at mas dakilang gamitin sa susunod.

Kahiya-hiya ang lason na ginamit niya dito at iyon ay nagpawala ng interes sa Young Miss na

halos hindi na nito inabala na muling surrin iyon!