Tulad ng inaasahan, matapos masiguro ni Luo Xi na ang mga bagay-bagay sa hilagang siyudad
ay pareho pa rin, ay lumusob siya sa City Lord's Manor, madilim ang mukha.
Dumanas ng matinding pagkagimbal ang City Lord kahapon kaya ito'y nagkasakit at nanatili sa
higaan. Ang sakong niya na tinapakan ni Ye Sha ay makapal na nabalot ng benda at dahil sa
mabuti siyang inaalagaan ng kaniyang mga asawa ay halos humimig siya habang nakahiga sa
kama.
Nang pumasok si Luo Xi, ang mukha nito'y talagang madilim.
"Bakit ang ipinapagawa ko sa iyo ay hindi pa naaayos!?" Tanong ni Luo Xi habang nakatingin sa
napakatabang City Lord, ang mata niya'y puno ng paghamak.
Nalipat ang tingin ng City Lord kay Luo Xi, nakangisi ang puso niya ngunit ang mukha niya ay
makikita ang gulat at pagtataka.
"Kayong lahat ay lumabas na." Pinalabas ng City Lord lahat ng nasa silid bago siya nagsimulang
umiyak sa harapan ni Luo Xi. "Hindi sa wala akong ginawa upang ayusin iyon, ngunit wala
talaga akong magawa tungkol doon! Nais kong humanap ng dahilan upang makuha ang mga
kabahayan na iyon at maging akin ngunit ang batang iyon ay napakatalino. Higit na tatlong
beses na mas malaki sa presyo ang ibinayad niya para sa titulo ng mga bahay at ng mga lupain
kung nasaan ang mga iyon. Pinadala ko si Liu Er upang manggulo doon kahapon ngunit hindi
lang sa hindi ito nagtagumpay, siya pati ang grupo niya ay namatay doon. Namuno ako ng
hukbo ng mga kawal patungo doon ngunit ako'y binalewala at pinahiya. Nais ko na sanang
alisin ang pagkukunwari ng kaluguran at lusubin siya ngunit naisip ko ang utos ng kagalang-
galang na panatilihin ang mabuting imahe kaya ako'y nagpigil."
Ngasalubong lalo ang kilay ni Luo Xi. Ang sinabi ng City Lord ay tama. Ang imahe nito bilang
butihing Lord ng City ay naitatag lamang sa pamamagitan ng matinding pagsisikap at kung
nais nilang magpatuloy na makatanggap ng maraming takas, ay hindi nila pwedeng sirain ang
imaheng iyon.
Nasa malalim na pag-iisip si Luo Xi nang malipat ang tingin niya sa paa ng City Lord na binalot
ng benda.
"Anong nangyari sa paa mo?"
Napatalon ang puso ng City Lord at mabilis niyang itinago iyon habang sinasabi: "Kasalanan
lahat ni Liu Er! Nang marinig ko na siya at lahat ng mga tauhan niya ay pinaslang doon ay
sobra ko itong ikinagulat at ako'y natumba at nabali ang aking sakong."
Nagtagal ng ilang sandali ang tingin ni Luo Xi sa City Lord at tila naniwala ito sa mga sinabi ng
City Lord.
"Ang mga takas na dapat pupunta sa City Lord's Manor ay wala pa rin. Kung ang lugar na iyon
sa hilagang siyudad ay hindi pa rin maaayos, ang mga basurang iyon ay mananatili na doon, at
magiging sanhi ng pagkaantala sa nais ng kagalang-galang na matapos natin." Maya-maya'y
saad ni Luo Xi.
"Sigurado iyan." Nakahinga ng maluwag ang City Lord.
Tinapunan ni Luo Xi ang City Lord ng nag-aalipustang tingin. "Wala ka talagang silbi. Hindi mo
magawang ayusin ang isang maliit na bagay at kailangan mo pa akong abalahin na gawin
iyon."
"Alam kong mas malakas ka kaysa sa akin." Mabilis na saad ng City Lord, nagmamadaling puri
niya kay Luo Xi, ngunit sa puso niya ay binabati niya ang nakalipas na labingwalong
henerasyon ng ninuno ni Luo Xi. "Iniisip ko kung anong plano ang mayroon si Luo Xi?"
"Nakalimutan mo na ba kung anong uri ng lugar ang Fortune Spring Hall? Kahit gaano kaganda
ang lugar sa hilagang siyudad, kung ilang buhay ang mawawala doon, ang mga walang
kuwentang iyon ay hindi na mangaahas na manatili doon!" Saad ni Luo Xi, ang mata niya'y
nagliwanag dala ng masamang balak.
Nagsabi pa ito ng ilang salita sa City Lord at tumalikod na upang umalis.
Kalalabas pa lamang ni Luo Xi nang agad na ipatawag ng City Lord ang pinagkakatiwalaan
niyang katulong. Matapos magsulat ng maiksi at payak na sulat, ay inutusan niya ang kaniyang
pinagkakatiwalaang katulong na dalhin ang sulat sa hilagang siyudad.
"My Lord, nais mo na dalhin ko ang sulat na ito sa hilagang siyudad?" Tanong nag katulong
habang di-makapaniwalang nakatingin sa City Lord.
Sumagot ang City Lord: "May nakita ka ba na nagpunta dito sa asyenda kahapon?"
Umiling ang katulong.
Malungkot na napabuntong-hininga ang City Lord at sinabi: "Kung gayon, huwag ka na
magtanong pa ng kung anu-ano. Umalis ka na at dalhin mo iyan at siguraduhin mo na walang
makakakita sa iyo."
"Masusunod!"
Minasdan ng City Lord ang papalayong likuran ng katulong at ang puso niya ay nalambungan
ng kilabot. Nang magpunta si Jun Wu Xie kahapon sa City Lord's Manor, ang lahat ng nasa loob
ng asyenda ay pinatulog at itinapon lahat sa bakuran.