Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1444 - Muling Kumatok sa Pintuan ng Kamatayan (4)

Chapter 1444 - Muling Kumatok sa Pintuan ng Kamatayan (4)

"Tumayo… Tumayo ka at magsalita…" Natataranta si Ye Jie.

Ngunit ang babae sa halip ay diretso na nagsalita: "Ang Lord ng Clear Breeze City ay nagdala

ng grupo ng mga kawal dito at ngayon ay tinatanong niya ang lahat tungkol sa nangyari

kanina. Ang City Lord ay hindi tunay na mabuting tao at nagmamakaawa ako na mag-ingat si

Young Master Jun laban sa kaniya!"

"Ha?" Naguguluhan na si Ye Jie.

Iniisip ng babae na ang batang babae ay hindi naniniwala sa mga sinasabi niya at namula ang

mukha niya dahil sa pagkabalisa habang natatarantang nagpapaliwanag: "Sa panlabas na

anyo, ang Lord ng Clear Breeze City ay inilalarawan ang kaniyang sarili bilang isang mabuting

tao. Ngunit kung tunay na nagmamalasakit siya sa mga takas, bakit niya hahayaan na tumira

ang mga takas sa isang maruming lugar? Nagpunta siya dito ngayon kasama ang kaniyang mga

kawal at sinasabi na upang hulihin ang mga sanggano ngunit ito ang Clear Breeze City tama!?

Siya ang Lord ng Clear Breeze City! Napakaimpossible na tingin niya sa mga nangyari ay

kakaiba sa puntong ito lamang. Ang tanging bagay na mahalaga sa kaniya ay malaman kung

sino ang taong pumaslang sa mga sanggano na iyon, at pinapakita lamang nito na mayroong

hindi tama!"

"Ang mga tao dito ay nagiging isip-bata at malamang ay sinabi na nila sa kaniya na si Young

Master Jun ang pumaslang sa mga lalaking iyon. Napilitan si Young Master Jun na lumusob

upang iligtas ako pati ang aking anak at siya ay malaking tagapagtaguyod para aming dalawa.

Nagmamakaawa ako sa munting binibini na dalhin ang mga salitang ito kay Young Master

Jun!" Pagkatapos sabihin iyon, lumuhod ang babae at sa isang malakas na kalabog ay itinama

niya ang ulo sa sahig, hind na nagpumilit na pumasok at niyakag na ang anak paalis.

Nakaalis na ang mag-ina ngunit si Ye Jie ay nanatili pa ring nakatayo doon, gulong-gulo ang

isip.

Kung alam lamang ng babae na may malaking problema si Ye Jie sa paghahayag ng kaniyang

sarili sa salita ay siguradong hindi nito hihilingin kay Ye Jie na ihatid ang mga sinabi kay Jun Wu

Xie.

"Siya iyon…" Isang banayad na boses ang biglang narinig mula sa hagdan at naguguluhan na

napatingala si Ye Jie, at nakita niya si Jun Wu Xie na nakatayo sa itaas ng hagdan kasama si Jun

Wu Yao na nasa likod nito.

"Arh!" Ibinuka ni Ye Jie ang kaniyang bibig, nais sabihin ang mga sinabi ng babae kay Jun Wu

Xie. Sa puso niya ay alam niya kung ano ang nais niyang sabihin ngunit pagdating ng mga

salitang iyon sa kaniyang bibig, ay hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Narinig ko ang lahat." Saad ni Jun Wu Xie, nakita niya kung gaano kahirap iyon kay Ye Jie.

Blankong napatingin si Ye Jie sa kaniya ng ilang sandali bago siya ngumiti ng maliwanag sa

kaniya.

"Ang pares ng mag-inang iyon, kung tama ang aking pagkakatanda, sila ang iniligtas mo

kanina?" Saad ni Jun Wu Yao na may bahagyang ngiti, kampanteng nakasandig ang braso sa

barandilya ng hagdan.

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie.

"Kahit paano ang isang iyon ay matalino, marunong gumanti." Nasisiyahan si Jun Wu Yao sa

reaksyon ng babae.

Hindi sumagot si Jun Wu Xie. Hindi siya umaasa ng kahit anong kapalit mula sa mga taong iyon

at ang rekasyon ng babae ay talagang nagpagulat sa kaniya. Alam niya na ang Lord ng Clear

Breeze City ay may suot na paimbabaw na maskara ng kabutihan ngunit ang mga takas ay

walang alam tungkol sa bagay na iyon. Ngunit ang babaeng iyon ay nagawang mapansin ang

mapanlinlang na ugali mula sa lahat ng pinong detalye at agad na nagpunta dito upang sabihin

iyon sa kaniya. Bukod sa iba pang mga bagay, kahit paano ang isip nitong iyon ay mas malinaw

kumpara sa iba, at alam nitong gumanti sa mga kabutihan na ipinakita dito.

"Ang mga daga ay nagiging balisa at naglalabasan na tila alon. Kaya, may naisip na ba si Little

Xie kung paano sila haharapin?" nakangiting saad ni Jun Wu Yao.

Walang ekspresyon na sumagot si Jun Wu Xie: "Nais kong hulihin ang ahas sa ulo nito. Hindi

ang mga taong ito ang aking puntirya." Kahit na ang mga sanggano o ang City Lord, o maging si

Luo Xi ay wala ang kaniyang pansin. Ginagawa niya lamang ang lahat ng ito upang pilitin na

lumabas ang pinakautak sa likod nito.

At ayos sa kasalukuyang sitwasyon, tila ang mga ito'y balisa na. Sa loob lamang ng isang araw

ngayon, ay ilang ulit silang nagpunta dito upang hanapin ang kamatayan at ang mga ganoong

reaksiyon ang nagbigay ng kasiyahan kay Jun Wu Xie.

"Ako'y hahayo upang magmasid muna." Saad ni Jun Wu Xie habang tinatapik ang likod nng

kamay ni Jun Wu Yao, pagpapahiwatig na hindi nito kailangan ipakita ang sarili bago siya

lumabas ng bahay upang magtungo sa City Lord na pinalilibutan ng mga takas.