Ang pagdating ni Jun Wu Xie ay nakakuha ng pansin ng mga tao at nang makita ng ilang mga
takas ang anyo ni Jun Wu Xie, ang puso nila ay bahagyang nabigla. Bagaman puno ng
paggalang, ang mata nila'y hindi maiwasan na makitaan ng takot.
Ang lakas ng Purple Spirit ni Jun Wu Xie at masaksihan ang madugong pagpaslang kanina ay
nag-iwan ng di-mapapawing impresyon sa puso ng mga takas. Bagaman nagpapasalamat sila
sa kagandahang-loob at kabutihan na ipinakita ni Jun Wu Xie sa pagtanggap sa kanila, ngunit
para sa mga karaniwang mamamayan na tulad nila, ang eksenang nasaksihan nila kanina ay
labis-labis. Sa parehong sandali na hinarap nito ang mga sanggano, ay nagdulot din iyon ng di-
sadyang takot at pag-iingat kay Jun Wu Xie.
Katatapos pa lamang marinig ng City Lord ang mga takas nang bigla ay makita niya ang isang
kabataan na may kaakit-akit na anyo na naglalakad palapit. Nang matuon ang sulyap ng mga
takas sa anyong iyon, ay agad niyang natiyak ang pagkakakilanlan ng kabilang partido.
At sa eksaktong sandali ay mas nasiguro niya ang pagkakakilanlan ni Jun Wu Xie, ang mga
mata niya'y masamang kumislap!
"Napakabata mo Young Master Jun?" Napangiti ang City Lord, nakatingin sa malamig na
mukha ni Jun Wu Xie.
"Ano iyon?" Malamig na tugon ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa City Lord na maliwanag ang
ngiti.
"Ako ang Lord ng Clear Breeze City at ito ang unang pagkakataon ni Young Master Jun dito sa
Clear Breeze City at ang sabi na ang mga tao mula sa malayo ay tinuturing na bisita. Narinig ko
sa mga taong ito kanina na nang manggulo ang mga sanggano dito kanina ay masuwerte sila
na mayroong mabuting Young Master Jun na tumulong sa kanila upang paslangin ang bawat
isa sa mga sanggano na iyon. Talaga ngang ang mga bayani ay nagmumula sa pagkabata.
Maari ko bang itanong kung totoo nga ba ang sinabi ng mga taong ito?" Tanong ng City Lord,
animo'y ang mukha nito ay puno ng paghanga kay Jun Wu Xie.
Nakakahindik ang mga mata ni Jun Wu Xie habang minamasdan niya ang mapagkunwang
ekspresyon sa mukha nito at siya'y tumugon: "Ano naman kung totoo? At ano naman kung
hindi?"
Ngumiti ang City Lord at sumagot: "Wala naman, ako'y naantig lamang ako sa pagiging
makatarungan ni Young Master Jun. Ngunit may isang bagay lamang akong hindi talaga
maintindihan at marahil ay kailangan ko si Young Master Jun na ipaliwanag ng bahagya iyon sa
akin."
"Ano?" Tulad ng dati, ang mukha ni Jun Wu Xie ay napakalamig pa rin.
Nakangiti ang mukha ng City Lord ngunit sa kaibuturan ng kaniyang puso ay isinusumpa niya
ng isang milyong beses si Jun Wu Xie ngunit hindi niya ipinakita ang paghamak maski kaunti.
Sinabi sa kaniya kanina ng mga takas na si Jun Wu Xie ang pumaslang kay Liu Er at mga tauhan
nito at bagaman ang kapangyarihan ni Liu Er ay hindi ganoon katindi kasama pati ang kaniyang
grupo na wala ring gaanong kapangyarihan, ngunit sila ay may matinding lakas. Sinabi ng mga
takas sa kaniya na pinaslang ni Jun Wu Xie lahat ng iyon gamit lamang ang lakas nito at ang
ganoon katinding lakas ay naging dahilan upang ang City Lord ay walang magawa kundi ang
mag-ingat. Ngunit dahil wala sa mga takas ang nais magsiwalat sa tunay na kapangyarihan ni
Jun Wu Xie, ay hindi magawang matiyak ng City Lord kung gaano ba talaga kalakas si Jun Wu
Xie at sa kaniyang hinuha ay maaring nasa antas ng yellow spirit.
"Narinig ko rin na ang mga tahanang narito ay itinayo ni Young Master Jun? Maari ko bang
tanungin kung iyon ay totoo?"
Natangay ang sulyap ni Jun Wu Xie sa mukha ng City Lord na napakataba. "Oo."
Natawa ang City Lord at napailing habang sinasabi: "Napakabuti ni Young Master Jun at
talagang kahanga-hanga. Ngunit hindi ko lubos na maintindihan ito. Ang Young Master na
napakabata at napakatalino, bakit nagtitiyaga ka na itaguyod ang walang kapantay na dangal,
upang agawin ang bahay ng iba, isang kalapati sa pugad ng magpie, iyon ay hindi gawain ng
isang ginoo!"
Ang mga sinabi ng City Lord ay naging dahilan para ang mga takas sa paligid ay manlaki ang
mata sa kaniya.
Hindi pinansin ang mga tingin na nakatuon sa kaniya: "Ang mga bahay na narito sa katunayan
ay inutos ko upang itayo ng mga tao para sa mga takas na kapapasok lamang dito sa siyudad
at hindi ko alam kung bakit si Young Master Jun ay nakaisip ng katawa-tawang ideya na
angkinin na ang mga kabahayang ito sa halip ay iyong ideya? Dahil sa napakabata pa ni Young
Master Jun, mauunawaan na ika'y masayang-masaya at nais makakamit ng magandang
reputasyon para sa iyong sarili. Ngunit bagaman ang iyong edad ay puno nang sigla, ay kulang
ka pa rin sa konsiderasyon sa maraming aspeto kung paano mo gawin ang mga bagay. Upang
maitayo ang mga kabahayan na ito, ay inubos ko lahat ng aking naipon at hindi ko ginawa iyon
para sa kasikatan o magandang reputasyon. Tingin ko ay napakabata pa ni Young Master Jun
at marami ka pang oras na makamit ang malalaking mga bagay, hindi mo dapat gawin ang
mga masasamang gawain tulad ng pag-angkin sa papuri ng iba na maging sa iyo."