Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1420 - Hindi Kinukulang sa Pera (1)

Chapter 1420 - Hindi Kinukulang sa Pera (1)

Biglang naalala ni Jun Wu Xie ang mga Poison Men. Napagisip-isip niyang ang sitwasyon ng Poison Men ay natutulad sa mga taong overdosed sa White Bamboo. Yun nga lang mas malala ang epekto ng sa mga Poison Men.

"Mukhang ang mga taga-Twelve Palaces ay marami ang inilagay na White Bamboo sa kanilang ginagamit na lason para lumikha ng Poison Men." Saad ni Jun Wu Xie habang ang kaniyang palad ay nagliliyab ng purple fire, sinunog noon ang tinapay at ilang segundo lang ay naging abo iyon.

Sa elixir pill naman, napansin ni Jun Wu Xie ang bakas ng White Bamboo doon. At kumpara sa sa tinapay, mas marami ang nilagay na White Bamboo!

Ang mga elixir na ito ay ipapainom sa mga batang may sakit at masyado pang sensitibo ang kanilang nervous system. Matindi ang pinsalang tatamuhin ng kanilang utak.

Panghabang-buhay ang epekto noon sa mga bata kung sakaling inumin nila at mahirap nang pagalingin.

Kahit na si Jun Wu Xie ay may malamig na personalidad, ang makasaksi ng ganoong kasamang method ay hindi niya maatim.

Anong klaseng Good Samaritan iyon!? Ang totoo ay demonyo talaga siya na gustong kitilin ang buhay ng mga tao!

Nagpapanggap lang ang lalaking iyon bilang isang Good Samaritan at kapag tuluyan nang nawala ang katinuan ng mga taong biktima nito, ang tanging matitira sa mga isip ng mga ito ay kung gaano ito kabait sa kanila! Kalokohan!

Kumpara sa isang ipokritong katulad ni Luo Xi, mas gusto na lang ni Jun Wu Xie ang mga taong harap-harapan ang pagiging masama.

"Mistress, ngayong nakita na nating sadyang pinapakain sa mga refugees ang White Bamboo, 'di kaya'y gagamitin sila para gawing Poison Men?" Biglang napagtanto ng itim na pusa ang sitwasyon. 

Maaaring gamitin ang White Bamboo para palakasin ang isang tao ngunit kapalit noon ay ang pagkasira ng utak. Kung ginagamit ang White Bamboo bilang foundation sa paggawa ng Poison Men, ibig sabihin mas mapapadali ang proseso?

"Mukhang ganon na nga." Napasinghap si Jun Wu Xie at pinulbo ang elixir na kaniyang hawak.

Ngayon ay sigurado na siyang ang pinagmumulan ng Poison Men ay ang Clear Breeze City at ilan sa mga iyon ay nagmula sa mga refugees. Ngunit ang Fan Country ay maliit na bansa lang. Kahit pa gamitin nito ang buong mamamayan ng Fan Country, hindi pa rin iyon magiging sapat para magkaroon ng ganoon karaming Poison Men na nagkakalat sa Lower Realm.

Dito ngayon masusubukan ang kaniyang galing. Kung ano ang tunay na sikreto sa likod ng mga Poison Men!

"Mistress, ano nang gagawin natin? Pipigilan ba natin ang mga refugees na kainin ang mga tinapay?" Tanong ng itim na pusa.

Umiling si Jun Wu Xie.

Tanging siya pa lang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Luo Xi, sa isip ng mga refugee ito pa rin ang kanilang 'Good Samaritan'. Siya ay isang estranghero sa mga refugee, hindi siya papaniwalaan ng mga ito. Kukuha lang iyon ng atensyon ng mga kaaway.

Nagisip-isip si Jun Wu Xie. Dahil nagpapanggap si Luo Xi bilang isang mabait na nilalang, tingin niya ang kanilang laban ay mata sa mata, ngipin sa ngipin. Let him taste his own medicine!

"Halika, pumunta tayong siyudad." Taas ang isang kilay na sabi ni Jun Wu Xie at nagpatiuna nang maglakad.

Habang ang buong mundo ay nagkakagulo, ang Clear Breeze City ay tila pinaninirhan ng mga anghel sa sobrang payapa. At dahil ilang mga mayayaman ang napadpad dito, agad na tumaas ang ekonomiya ng lungsod na ito.

Sa kasalukuyan, ang pinakamahal na bagay sa Clear Breeze City ay walang iba kundi lupa!

Dahil sa biglaang pagdami ng populasyon dito, ang mga presyo ng bahay ay nagsitaasan. Ang mga lugar dati na halos hindi mo lilingunin, ngayon ay napakamahal na. Ang bahay na noon ay sampung tael lang ang halaga, ngayon ay libu-libong tael na ang halaga!

Related Books

Popular novel hashtag