At tanging ang mga mayayamang refugees lang ang papatol sa ganoon kataas na presyo ng lupang napakaliit.
Kaya naman isang shop ang biglang nagbukas sa tabi ng magistrate's office. Ang shop na iyon ay para sa buy and sell ng mga real estate. Karamihan sa mga mayayamang mga refugees ay dito agad ang takbo at naghahanap ng bahay na mabibili.
Nang dumating si Jun Wu Xie sa shop, mayroon nang mga refugees na nakasuot ng magarbong damit. Ang awra nila ay tila nagsasabing "Ang Iyong Panginoon ay maraming pera, halika at makipagtunggali sakin."
Kahit na ilang araw nang hirap sa tinitirhan ang mga refugees na ito, namumula pa rin ang mga pisngi nila at tila walang hirap na pinagdaanan. Dalawang naggagandahang babae ang nagsisilbi sa isang refugee na may mga ginto at pilak na palamuti sa katawan.
Ang sampung daliri ng lalaking iyon ay may suot na naglalakihang singsing na gawa sa ginto. Mataba ang lalaking ito na animo'y kakatayin na anumang oras.
"Old Master Liu, ang bahay na mayron kami dito ay ang isa sa mga pinakamagandang bahay sa parteng ito. Mayroon pang lily pond sa tabi kung saan pwede kang makapag-relax at makapagpahinga habang umiinom ng wine." Alam ng magandang assistant ng shop kung ano ang mga dapat sabihin. Nang makita nila ang Old Master Liu na ito na nakasuot ng magarbong damit, nagkukumahog ang dalawang babae para makapagbenta.
"Hindi naman pangit ang lugar, pero tingin ko ay medyo maliit iyon. Mayroon ba kayong mas malaki kaysa dito?" Sagot ni Old Master Liu. Ipinapakita talaga nitong hindi siya kinukulang sa pera.
Siya ay isang negosyanteng nagtitinda ng bigas sa Fan Country, nang magsimulang magkalat ang mga Poison Men sinulit niya ang pagkakataong iyon para taasan ang presyo ng kaniyang itinitindang bigas. Kaya naman ngayon ay marami itong pera. Ngunit maging ang kaniyang tinitirhan ay nilusob at sinira ng mga Poison Men dahilan para tumakbo sila kasama ang kaniyang buong pamilya dito sa Clear Breeze City. Gumamit din ito ng pilak bilang panuhol sa mga guwardiya at papasukin silang buong pamilya dito sa Clear Breeze City.
Dahil namuhay itong nanggugulang sa mga tao, hindi gaanong naghirap si Old Master Liu. Sa kabila ng lahat ng yaman niya, iyon ay bunga ng kaniyang pagiging makasarili.
Nang marinig ng magandang assistant ang sinabing iyon ni Old Master Liu, mas lumakas ang kanilang mga tawa at inilipat ang pahina ng brochure kung saan sila tumitingin ng bahay.
Nang pumasok si Jun Wu Xie sa shop, walang pumansin sa kaniya, inignora siya ng lahat ng nasa shop na iyon. Maging ang mga nakatayo lang doon na walang ginagawa ay hindi siya binigyang pansin.
Kakagaling lang ni Jun Wu Xie sa refugee camp at ang kaniyang suot na damit ay marungis. Idagdag pang sinadya niyang dumihan ng uling ang kaniyang damit at mukha. Sa isang tingin pa lang, iisipin na ng sinumang makakakita sa kaniya na wala siyang pera. Isa pa, napakabata niyang tignan kaya naman walang lumapit sa kaniya.
Para siyang "unwelcomed guest" sa shop na iyon.
Ngunit hindi naman iyon napansin ni Jun Wu Xie. Sa uri ng pagtratong iyon, wala siyang pakialam. Mas pipiliin niya pa iyon kaysa sa magkaroon ng isang taong maingay sa kaniyang tabi.
Sa mga estante naman sa shop ay nakadisplay ang mga paintings ng bahay na ibinibenta. Nakahiwalay ang mga maliliit na bahay sa malalaking bahay kaya madali na lang para sa kaniya ang mamili.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Jun Wu Xie na tumingin sa maliliit na bahay na naroon. Agad siyang tumungo sa mga paintings ng mga bahay na may malawak na bakuran.
Aabutin na sana niya ang album ng bahay na nagustuhan niya nang biglang kunin iyon ng assistant bago pa man niya mahawakan.