Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1419 - Good Samaritan (4)

Chapter 1419 - Good Samaritan (4)

Tumitig si Jun Wu Xie sa papalayong likod ni Luo Xi.

Nang maabot niya ang Purple Spirit, ang kaniyang radar ay naging sensitibo. Nararamdaman niya ang spirit powers ng ibang tao. Basta ang taong iyon ay hindi sobrang taas kumpara sa kaniyang spirit powers.

Naramdaman ni Jun Wu Xie na ang spirit power ni Luo Xi ay sobrang baba, nasa red spirit level lang ito. Maging ang mga alipores nito ay mahihina lang din. Ang pinakamalakas na dito ay nasa orange spirit level.

Napakahina ng spirit power na iyon. Kaya imposibleng magpadala ang Twelve Palaces ng ganon kahinang tao sa Lower Realm.

Pero...

Bakit kailangang magpanggap ni Luo Xie sa harap ng mga refugee?

Ang bagay pa lang na iyon ay sadyang kahina-hinala na.

Ang mga tao sa refugee camp ay sadyang mahihina. Kung hindi sila matatanda, sobrang naman ng mga ito. Iyon ang bagay na hindi maintindihan ni Jun Wu Xie.

Tumingin si Jun Wu Xie sa tinapay at elixir na nasa kaniyang kamay. Ang dalawang bagay na ito ay ang binigay ni Luo Xi sa mga refugee at isa si Jun Wu Xie sa nakatangggap.

"May nagdagdag ng White Bamboo dito."

"White Bamboo?" Pamilyar lang iyon sa itim na pusa pero hindi niya maaalala kung para saan iyon.

"White Bamboo, para sa blood circulation. Kung iinumin yun ng matagal ng isang tao, siya ay magiging magulatin. Sa twenty fourth century ito na ang pamalit sa stimulants." Nakangising sabi ni Jun Wu Xie. Alam na alam niya kung para saan ang White Bamboo. Kapag nasa loob na iyon ng katawan ng tao, mahirap iyong tukuyin. Madalas iyong gamitin ng mga taong mayroong masamang hangarin sa isang palaro.

Ginagamit din iyon sa mga emergency. Sa oras na hindi maganda ang pakiramdam ng isang tao, kailangan lang nilang uminom ng White Bamboo extracts at agad na bubuti ang kanilang nararamdaman.

Ngunit nang muling mabuhay si Jun Wu Xie, wala na siyang nakikitang White Bamboo. Inakala niyang walang ganoon sa mundong ito. At sa di-inaasahang pagkakataon, dito niya nakita ang White Bamboo.

Maaaring may mabuting dulot sa katawan ang White Bamboo ngunit pansamantala lang iyon. Malaki ang panganib na idudulot noon sa utak at nervous system ng isang tao kinalaunan. Tanging ang mga taong pumirma sa death indemnity agreement lang ang pwedeng uminom o gumamit noon.

Minsang nakakita si Jun Wu Xie sa kaniyang naunang buhay ng isang taong patuloy sa pag-inom ng White Bamboo sa loob ng isang buwan. Pagkalipas ng isang buwang iyon, ang kaniyang katawan ay labis na lumakas, higit pa sa normal. Ngunit ang side effect noon ay unti-unti siyang nawawala sa katinuan. Siya ay tatlumpong taong gulang ngunit ang kaniyang pag-iisip ay tila nasa labing tatlong taong gulang.

Kapag ang White Bamboo ang ginawang pamalit sa stimulant at matagal itong iniinom ng isang tao, mas malala ang magiging epekto nito sa utak.