Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1407 - Hiling na Pagtago sa Lihim na Mayaman (1)

Chapter 1407 - Hiling na Pagtago sa Lihim na Mayaman (1)

Nang mapagtanto iyon ni Wen Yu, nabuo ang isang hula sa kaniyang isipan.

Posible kayang nahanap ni Jun Wu Xie ang Dark Emperor's tomb?

Pansamantalang kinalimutan ni Wen Yu ang pagkagulat na kaniyang naramdaman at lihim na inobserbahan sina Qiao Chu at ang buong grupo na kasama ni Jun Wu Xie sa paglalakbay. Makalipas ang ilang sandali ay napagtanto niyang lahat ng kabataang ito ay nakamit na rin ang Purple Spirit! Ngunit ang labis na gumulat kay Wen Yu ay ang isang gwapong lalaki na nakatayo sa tabi ni Jun Wu Xie!

Sa taglay niyang kapangyarihan, hindi niya madetermina ang kapangyarihan ng lalaki!

Sa ganitong sitwasyon, ibig sabihin lang nito ay sadyang mataas pa sa inaakala mo ang taglay nitong kapangyarihan!

Sa tabi ni Jun Wu Xie, mayroong isang may nililihim!

"Matagal din bago kita muling nakita, Kamahalan. Maayos naman ba ang mga bagay-bagay?" Nakangiting tanong ni Lei Chen.

Tumango naman si Jun Wu Xie.

"Grand Adviser, Prince. Naparito ang Kamahalan dahil sa insidente tungkol sa mga halimaw. Kailangan mo lang ipaliwanag sa Mahal na Emperor ang iyong mga nalalaman at sapat na iyon." Saad ni Qu Ling Yue. Iba ang paraan nito ng pananalita dito kumpara sa paraan ng pananalita niya kay Jun Wu Xie.

Tumango naman si Lei Chen at lihim na tumingin kay Qu Ling Yue na labis na nag-iba ang personalidad. Sinong mag-aakala na ang inosente at magiliw na batang babae dati ay magiging ganito? Naging emosyonal siya dahil sa isiping iyon ngunit wala naman na siyang magagawa.

Trabaho ni Lei Chen ang mag-distribute ng mga resources at suplay. Sa giyera, may pondong kailangan, at ang uri ng pondo na kailangan sa giyera ay malaki. Kung ang tanging dinidepensahan ng Fire Country ay ang kanilang sarili lang, hindi iyon problema sa kanila. Ngunit nitong nakaraan, sunod-sunod ang pagpapadala ng Fire Country ng sundalo sa iba't ibang bansa na nangangailangan ng tulong. Kung gayon ang mga military supplies, gamot at mga pagkain ay kinailangan ng mas malaking budget.

May matapang na uri ng lason ang dugo ng Poison Men at ang mga lupang nabahiran ng dugo ng mga Poison Men ay naging tuyot. Maraming mga taniman ang nasira naapektuhan nito kung saan iyon din ang kanilang pinagkukuhanan ng pagkain. Nagpatuloy ang giyera sa loob ng isang taon at ngayong taon lang malaki ang ibinagsak ng ekonomiya ng Fire Country.

Gayong natanggap ng Qi at Buckwheat Kingdom ang yaman ng Condor Country, wala rin silang gaanong napakinabangan mula doon dahil sa madalas lang namang kumuha ang Condor Country sa bansang kanilang nasakop.

Kaya naman hindi lang sa Fire Country nag-susuplay ang bansang ito, maging sa Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom na din.

Ang pondo ng Fire Country ngayon ay ubos na. Nasa punto na si Lei Chen na labis siyang namomroblema kung saan kukunin ang mga suplay.

Ito ang unang beses na nagkaroon ng problema sa pera ang Fire Country simula nang maitatag ito.

Dahil sa kasulukuyang sitwasyon kung saan lahat ng bansa sa Lower Realm ay dinaanan ng unos, kahit pa gustuhin nilang manghiram sa ibang bansa ay wala rin sa kanilang maipapahiram.

Kakayahan sa pakikipaglaban, mayroon sila 'non. Pero ngayon malaki ang kanilang kailangang pera na halos iyakan na ni Lei Chen.

"Nag-utos na ako ng mga taong mangalap ng pondo sa loob ng bansa, sana ay makayanan nating maghintay. Hindi pa naman ganoon kalala ang sitwasyon natin sa Fire Country ngunit hindi ko lang masisiguro sa Qi at Buckwheat Kingdom kung ganoon din. Hindi ko masisiguro kung hanggang kailan nila matatagalan iyon." Hindi lang ang mga mamamayan ng Fire Country ang kailangan nilang pakainin, kundi pati na rin ang mga refugees na napapadpad dito.

Mabuti na lang at mayaman ang Fire Country at malalakas ang mga mamamayan nila. Kung hindi ay hindi nila makakayanan ang unos na ito.

"Hindi na kailangan." Biglang nagsalita si Jun Wu Xie.

Naguguluhan namang tumingin si Lei Chen dito.

"Pero Kamahalan..." Wala na talaga silang pera.

"Ye Jie." Saad ni Jun Wu Xie na bahagyang bumaling ang tingin sa gilid nito. Tinatawag ang munting babae na nagtatago sa sulok na may dalang hamster.

Agad namang nag-angat ng tingin si Ye Jie nang marinig niya ang pagtawag na iyon ni Jun Wu Xie.

Related Books

Popular novel hashtag