Tumikhim si Ye Sha, sinenyasan nito si Ye Jie na humarap. Namumula ang nakalantad na parte ng mukha ni Ye Jie. Naglakad siya papunta sa harapan ni Jun Wu Xie habang kumakalansing ang silver bells na nasa kaniyang paa.
"Ako si Ye Jie..." Mahinang usal nito.
"Ibigay mo saakin ang Hell Rodent." Utos ni Jun Wu Xie at inunat ang kaniyang braso sa harap ni Ye Jie. Agad namang inabot ni Ye Jie ang Hell Rodent ng walang pag-aatubili.
May yakap-yakap na chestnut ang Hell Rodent sa kaniyang dibdib habang natutulog. Kinalabit ito ni Jun Wu Xie. Pupungas-pungas itong bumangon sa palad ni Jun Wu Xie habang yakap pa rin ang chestnut.
Kakakuha pa lang niya noon mula sa kamay nina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit!
"Squeak?" Naguguluhang tumingin ang Hell Rodent kay Jun Wu Xie.
Hinaplos ni Jun Wu Xie ang malambot nitong tiyan. Iyon ang isa sa mga kahinaan ni Jun Wu Xie.
"Sumuka ka." Saad ni Jun Wu Xie.
Kumurap-kurap ang Hell Rodent at tumingin kay Jun Wu Xie. Nang makita nitong tumango si Ye Jie ay binitawan nito ang chestnut at ipinasok ang kamay nito sa kaniyang bibig!
Nanlaki ang mga mata ni Lei Chen sa sumunod na nangyari nang maglabas ang Hell Rodent ng isang perlas na kasing-laki ng itlog mula sa bibig nito!
"Squeak!" Hinawakan ng Hell Rodent ang perlas sa harap ni Jun Wu Xie na para bang inaabot niya ito.
Ngunit umiling si Jun Wu Xie.
Ibinalik ng Hell Rodent ang perlas sa kaniyang bibig at naglabas naman ng isang magandang jade mula doon. Agad na nagliwanag ang mukha ni Little Jue!
"Squeak?"
Umiling si Jun Wu Xie.
Magical artifact.
"Squeak?"
Umiling.
Matapos ang ilang bagay na naglabas ang Hell Rodent ng ilang bagay, itinuro ni Jun Wu xie ang kumikinang na golden dragon throne.
Agad na naintindihan ng Hell Rodent ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie at agad niyang inilabas ang gold bar mula sa kaniyang bibig!
Tumango naman si Jun Wu Xie.
"Sige, magpatuloy ka."
Tumalon ang Hell Rodent mula sa palad ni Jun Wu Xie at tumayo sa dragon throne kung saan sunod-sunod siyang nagluwa ng gold bars...
Sa isang kisapmata lang ay natakpan na ang paa ni Jun Wu Xie ng mga gold bar na iniluwa ng Hell Rodent.
Nakatulala lang si Lei Chen sa nangyayari sa kaniyang harapan. Gulat na gulat siya sa nangyayari.
[Great Lords!]
[Ang matabang dagang iyan ba ang legendary bottomless treasure trove?!]
Maya't maya ang pagkalansing ng mabibigat na gold bars habang patuloy sa pagluwa nito ang Hell Rodent. Di kalaunan ay napuno ang buong sahig ng great hall ng gold bars.
Hindi makakapaniwala ang sinumang makakakita noon na ang lahat ng gold bars na ito ay mula sa bibig ng matabang daga.
Patuloy pa rin sa kaniyang ginagaw ang Hell Rodent.
Nang tuluyan na ngang mapuno ang buong great hall, doon pa lang muling nagsalita si Jun Wu Xie: "Sige na. Tama na muna 'to sa ngayon."
Itinikom ng Hell Rodent ang kaniyang bibig ay bumalik sa kamay ni Jun Wu Xie at muling niyakap ang chestnut bago tumalon sa balikat ni Ye Jie.
Para bang...
Ang mga gold bar na nasa sahig nito ay walang halaga kumpara sa puno ng kagat na chestnut.
"Kunin niyo muna ito para sa mga pangunahing kailangan. Kung kulang pa ang mga ito, puntahan niyo lang si Ye Jie. Marami siya niyan." Saad ni Jun Wu Xie.
Halos mabulag na si Lei Chen dahil nagkikintabang gold bar sa kaniyang paligid. Hindi pa rin siya nakakabalik sa kaniyang katinuan dahil sa nangyari.
Ngayon lang niya nadiskubre na ang kanilang Kamahalan pala ay may taglay na pambihirang yaman!
[Ang matabang dagang iyon, hindi talaga siya ang bottomless treasure trove?
Ngumiti si Qu Ling Yue habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Puno ng paghanga ang kaniyang mga mata. Kahit anong gawin ni Jun Wu Xie, kahit gaano kasimple man ay ganon na lang ang paghanga dito ni Qu Ling Yue.