Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1409 - Hiling na Pagtago sa Lihim na Mayaman (3)

Chapter 1409 - Hiling na Pagtago sa Lihim na Mayaman (3)

Tumingin si Qia Chu sa gulat na gulat na si Lei Chen. Ikinatuwa niya ang reaksyong nakita niya sa huli.

Kung alam lang ni Lei Chen na kapiranggot lang ito sa pwede pang iluwa ng Hell Rodent, baka mahimatay ito sa kaniyang kinatatayuan. 

Bago nila lisanin ang Dark Emperor's tomb, ipinalunok lahat ni Ye Jie ang mga magical artifacts pati na rin ang mga kayamanang nakapaloob doon. Kaya naman ngayon, isa na lang iyong abandunadong lugar dahil maging ang kabaong ng Dark Emperor ay nilunok ng munting daga.

Tuwing gumuguhit sa isipan ni Qiao Chu na ang mga taga-Middle Realm ay patuloy pa rin sa paghahanap sa Dark Emperor's tomb sa kagustuhang makuha ang magical artifacts at kayamanang naroon, labis na nagagalak ang kaniyang puso.

Sinong mag-aakalang ang lahat ng yamang naroon, ngayon ay nasa tiyan na lang ng munting Hell Rodent?

Sa kayamanang mayroon ang Dark Emperor, halos hindi mababawasan ang yaman nito kung tutulungan nitong isalba ang Fire Country o maging ang buong Lower Realm pa man!

Dahil sa gabundok na gold bar na ngayon ay nasa harapan ni Lei Chen, hindi niya na kailangan pang mamroblema kung saan kukuha ng pera.

Kumpara sa Fire Country, mas malubha ang kalagayan ng Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom at inilahad iyon ni Wen Yu kay Jun Wu Xie.

Ang Qi Kingdom ay mayroong Qi Kingdom military na labis na nabawasan dahil sa giyerang kanilang hinarap, mabuti na lang at mayroon silang Rui Lin Army. Sa loob lang ng isang taon, ang sandatahang lakas ng Qi Kingdom ay lumobo ng halos sampung beses at halos pumapantay na sila Fire Kingdom. Ang Buckwheat Kingdom naman ay lumakas din ngunit pagdating sa pagsasanay ay kulang sila. Kaya naman pinapunta ni Qu Ling Yue si Lei Xi sa Buckwheat Kingdom para tulungan sila. Itinago ni Lei Xi sa kaniyang sarili ang kaniyang kagustuhang maghiganti. Mayroon siyang kaalaman at karanasan sa pagdating sa stratehiyang militar. Pansamantala ring ipinadala ng Qi Kingdom si Long Qi para tulungan ang Buckwheat Kingdom. Sa tulong lang ng dalawang taong ito, malaki na ang inilakas ng sandatahan ng Buckwheat Kingdom.

"Napakarami ang bilang ng Poison Men, kaya naman nahirapan kaming ubusin sila sa maiksing panahon lang. Ang pinakaproblema namin ngayon ay hindi namin matukoy kung saan ang kanilang pinamumugaran. Naniniwala akong mayroong taong nasa likod ng lahat ng ito. Normal na tao lang ang mga Poison Men dati at bigla na lang silang nawalan ng sariling pag-iisip na tila isa silang manikang de-tali. Kung hindi natin mahahanap ang kanilang pinamumugaran, kahit na maubos pa natin ang bawat Poison Men na aatake, gagawa at gagawa ng panibagong Poison Men ang taong iyon." Mahabang salaysay ni Wen Yu at pagkatapos ay napabuga ng marahas na buntong-hininga. Mayroon nang namumuong ideya sa kaniyang isipan, ngunit hindi siya komportableng ilahad iyon kay Qu Ling Yue at sa iba pa. Subalit pagdating kay Jun Wu Xie, sigurado siyang agad nitong maiintindihan ang ibig niyang sabihin.

Habang nagkakagulo ang bawat sa bansa sa pakikipaglaban, ang mga mamamayan noon ay magtatakbuhan patungo sa kung saan-saan para sa kanilang kaligtasan. Ang mga refugee na iyon ang magiging puntirya ng kung sinumang nagdulot nitong kaguluhan.

"Tungkol diyan, ako na ang bahala." Matalim ang mga matang saad ni Jun Wu Xie. Malinaw niyang naiintindihan ang nais ipabatid ni Wen Yu.

Kung hindi nila sisirain ang pinag-ugatan ng lahat ng ito, hindi sila matatapos.

"Qiao Chu." Tawag ni Jun Wu Xie.

"Andito!" Agad namang humakbang paharap si Qiao Chu.

"Manatili kayo dito ni Hua Yao para bantayan ang Fire Country habang si Little Yan at Little Ruo ay tutungo sa Qi Kingdom. Fan Zhuo, isama mo si Little Jue patungong Buckwheat Kingdom. Kung sakaling may mangyari, pwede na kayo agad lumaban. Kapag may nadiskubre kayo tungkol sa salarin ng lahat ng ito, maingat kayong mag-imbestiga." Utos ni Jun Wu Xie.

"Sige!" Mabilis namang sumang-ayon sina Qiao Chu at ang buong grupo!

Sa taglay nilang lakas ngayon, kahit pa sila ay malunod sa dagat ng Poison Men, madali lang sakanilang mailigtas ang kanilang mga sarili.

"Wu Yao, sumama ka sakin sa paghahanap sa taong nasa likod ng Poison Army." Ngumisi si Jun Wu Xie matapos niyang sabihin iyon. Hindi siya masisisi ni Jun Wu Yao kung ganito na lang ang reaksyon ni Jun Wu Xie sa nangyayari sa Lower Realm.