Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1403 - Iron Empress (1)

Chapter 1403 - Iron Empress (1)

Nang dumating ang karwahe nina Jun Wu Xie, ang mga sundalong nagbabantay sa gate ay nagtaong sa kanila ng kanilang mga katanungan para sa seguridad ng lugar. Ngunit nang makita nilang si Jun Wu Xie ang nakaupo sa loob ng karwahe, sila ay natigilan ng ilang sandali. Agad silang lumuhod upang magbigay ng kanilan pagbati at pagrespeto sa kanilang Emperor. Kahit na nakalampas na sa kanila ang karwahe, hindi pa rin nabubura sa kanilang mga damdamin ang pagkagulat.

[Ang kanilang Kamahalan ay bumalik na!]

[Ang kanilang Kamahalan ay bumalik na!]

Nagkagulo ang mga tao dahil sa pagdating na iyon ni Jun Wu Xie. Hindi sila makapaniwalang ang kanilang Kamahalan ay nakabalik na!

Kahit na hindi nagtagal si Jun Wu Xie sa Fire Country, ngunit ang bawat misyong nagagawa ni Jun Wu Xie ay labis na gumugulat sa mga mamamayan ng Fire Country. Ang buong bansa ay alam kung gaano kalakas ang kanilang pinuno.

Sa loob ng Imperial Palace ng Fire Country, kumisap-kisap ang kandila sa Imperial Study kaya naman kumunot ang noo ng babaeng nag-aaral doon. Ilang mga kasulatan ang nasa mesa nito na nanghihingi ng pahintulot sa military reinforcement.

Ang babae ay mayroong kaakit-akit na ganda. Ngunit sa liwanag na dulot ng kandila, mababakas ang matapang nitong mukha.

"Ang Yang Country ay nagpadala na ng labindalawang sulat, sila ay nanghihingi ng tulong. Kamahalan, tingin mo...dapat bang..." Bakas ang pag-aalala sa mukha ng katulong habang nakatayo sa gilid.

Nag-angat ng tingin ang babaeng nakaupo. Kalmado ang mga mata nito.

"Mayroong mahirap na lokasyon ang Yang Country. Kaya madali nilang madedepensahan ang kanilang bansa. Noong unang beses na atakehin sila ng Poison Men, nagpadala na sila agad ng sulat na nanghihingi ng tulong. Sa kakayahang taglay ng Yang Country, hindi sa hindi nila kayang lumaban sa Poison Men, gusto lang nilang mabawasan ang mga posibleng mawala saa kanila." Nakasimangot na saad ni Qu Ling Yue.

"Paano ang Ling Country?" Tanong muli ng katulong kay Qu Ling Yue na naging Empress ng Fire Country.

"Nagpadala na ako ng mga tao doon." Mahinang usal ni Qu Ling Yue.

Lahat sila ay nanghihingi ng agarang tulong. Halos pare-pareho ang laman ng mga sulat na nasa kaniyang mesa.

Nanghihingi ng tulong!

Nanghihingi ng tulong!

Kahit gaano pa kalakas ang Fire Country, hindi iyon sapat para hati-hatiin at ipadala sa iba't-ibang bansa. Kaya naman kailangang araling mabuti ni Qu Ling Yue kung aling bansa lang ang dapat talaga nilang tulungan.

Nanahimik ang katulong sa tabi, hindi na ito nangahas na magsalita pa.

Ang Fire Country's Empress ay isang babaeng puno ng kontrobersiya.

Siya ang Young Chief ng Thousand Beast City noon, ngunit sa kasamaang palad ay dinanas nito ang bangungot na kahit na sinong babae ay hindi hihilingin. At nang akala nang lahat na kamumuhian na ito at aabandunahin sa mundong ito, ang Young Emperor ng Fire Country ay pinakasalan siya at ginawa siyang Empress!

Sa simula, ilang pangmamata at masasakit na salita ang natanggap ni Qu Ling Yue. Maging ang mga mamamayan ng Fire Country ay kinahihiya siyang maging Empress. Kung hindi dahil sa hindi mabaling desisyon ni Jun Wu Xie noon, ng Grand Adviser at gabay at suporta ni Wen Yu marahil ay nabaliw na si Qu Ling Yue dahil sa mga salitang ibinabato sa kaniya.

Sa kabila ng mga pangungutiya at pangmamata ng mga taga-Fire Country, sa halip na magkulong sa silid, taas-noong naglakad si Qu Ling Yue sa Imperial Court para pangatawanan ang pagiging Imperial Empress matapos umalis ni Jun Wu Xie. Siya muna ang papalit kay Jun Wu Xie habang wala pa ito.

Sariwa pa ang alaalang iyon sa isipan ng katulong. Hindi niya makakalimutan kung ilang mura ang tinanggap at pinalagpas nito. Kahit na siya ay katulong lang, siya na nakarinig noon ay lumuha, ano pa kaya si Qu Ling Yue?

Ngunit hindi umiyak si Qu Ling Yue, ni isang beses, walang luhang tumulo sa mga mata nito.