Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1404 - Iron Empress (2)

Chapter 1404 - Iron Empress (2)

Walang sinuman ang mag-aakalang ang Empress na dinuduro ng lahat at sinasabihang marumi ngayon ay isang tila Iron Empress na walang pakiramdam. Matigas na tila bakal at ang bawat utos ay dapat na masunod ora mismo.

Nang manghimasok ang mga Poison Men, siya ang mabilis na nadesisyon na palakasin ang pagdedepensa sa borders, limitahan ang gastos ng bansa at ilaan iyon sa pwersa ng militar at giyera. Nakipagtulungan din siya sa Qi at Buckwheat Kingdom para kontrolin ang sitwasyon.

Ang mga taong noon ay minura si Qu Ling Yue ay itinikom ang kanilang mga bibig at nanahimik.

Ngayon, sa Fire Country, wala ni isang nangahas na kutyain si Qu Ling Yue.

Ilang katok ang pumukaw sa atensyon ng katulong kaya naman agad itong nagtungo sa pinto upang pagbuksan ang nasa kabilang panig noon. Isang guwardiya ang nakaluhod sa harapan, bakas ang pagkasabik sa mukha nito.

"Mahal na Empress! Ang Kamahalan...ay bumalik na!"

Isang bagay ang nabasag. Natabig ni Qu Ling Yue ang lalagyan ng tinta, nanginig ang mga kamay nito. Naguguluhang nag-angat siya ng tingin. Bumakas sa mga mata nito ang magkahalong kaba at gulat.

"Anong sinabi mo..." Tanong ni Qu Ling Yue. Hindi nito magawang ituloy ang kaniyang sinasabi dahil napansin niya ang panginginig ng kaniyang boses.

"Bumalik na ang Kamahalan. Narito siya sa palasyon at hinihintay ka sa great hall." Sagot naman ng guwardiya.

Napatayo na si Qu Ling Yue. Ang madalas na kalmado nitong mukha ay nagpapakita ng pagkanerbiyos.

"Ako..."

Wala nang oras si Qu Ling Yue para magbihis at ang kaniyang damit ay namantsahan na ng tinta. Ngayon niya napagtantong matapos ang ilang gabi ng pagpupuyat, bakas ang pagod sa kaniyang mukha at ang kaniyang buhok ay gulo-gulo.

[Andito na siya, pero...sa itsura niya ngayon, paano niya ito papakiharapan!?]

"Mahal na Empress..." Pukaw ng katulong. Halos kalahating taon pa lang ang nakakalipas nang magsimula niyang pagsilbihan si Qu Ling Yue. At ngayon lang niya ito nakitang umasta na babaeng-babae. Sa kasalukuyan, alam ng buong muno na ang Fire Country ay may Iron Empress. Pero sinong mag-aakalang ang Iron Empress na ito ay bigla na lang malulusaw nang marinig na bumalik na ang kaniyang asawa?

Nagulat naman si Qu Ling Yue nang pukawin ng katulong ang kaniyang atensyon. Tumingin siya sa phoenix robe at huminga ng malalim.

"Magpadala ka ng mga tauhan na maghahatid ng balita sa Grand Adviser at Lei Chen na ang Kamahalan ay nasa palasyo na. Papuntahin mo sila dito ngayon din. Babatiin ko muna ang Kamahalan!" Utos ni Qu Ling Yue at saka taas noong naglakad palabas ng Imperial Study. Pilit nitong itinatago ang pagkasabik.

Sa grand hall ng Fire Country, nakaupo si Jun Wu Xie sa Imperial Throne habang binabasa ang mga battle reports na may kaugnayan sa kasalukuyang sitwasyon. Isang boses ang kumuha ng kaniyang atensyon kaya nag-angat siya ng tingin. Isang taong nagsusumigaw ng karangalan ang lumantad sa kaniyang harapan.

Sa mukha nito, hindi na mababakas ang pagiging tila munting babaeng magiliw, diretso ang mukha nito at walang anumang bakas ng emosyon.

Sa isang taon niyang hindi ito nakita, kung hindi dahil sa itsura nitong hindi nabago, hindi sana ito makikilala ni Jun Wu Xie. Ito ang mismong babae na namumula ang mukha at tenga sa tuwing kakausapin niya noon.

Mahinhin na yumukod si Qu Ling Yue sa kaniyang harapan.

"Maligayang pagbabalik mahal na Emperor." Taos-pusong pagbati ni Qu Ling Yue.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Makakatayo ka na."

"Salamat, Kamahalan." Sa loob-loob ni QU Ling Yue, nahihirapan siyang panatilihin ang kaniyang matikas na itsura. Ang kaniyang kamay na nakatago sa mahabang manggas ay nanginginig habang nakatingin kay Jun Wu Xie na nakaupo sa Imperial Throne. Sa loob ng isang taon na hindi niya ito nakita ay tumangkad ito. Kahit alam niyang babae si Jun Wu Xie, hindi niya pa rin maiwasang kabahan sa oras na nakita niya ito.

Related Books

Popular novel hashtag