Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 14 - “Three is a crowd”

Chapter 14 - “Three is a crowd”

Isang kautusan mula sa Imperyo ang dumating nang sumunod na araw na nagpapahayag ng pagpapawalang-bisa ng kasunduang kasal sa pagitan ng Ikalawang Prinsipe at ni Jun Wu Xie.

Bago ang araw na iyon ay may mga haka-haka na ang nangyaring pagtatangka sa buhay ng Ikalawang Prinsipe ay posibleng may kinalaman kay Jun Wu Xie. Ngunit dahil sa kaganapang ito, pinapatunayan lamang nito ang kaugnayan ni Jun Wu Xie sa nangyari.

Sa loob ng Kaharian, patuloy na gumuho ang karangalan ni Jun Wu Xie. Matapos kumalat ang mga bali-balita, bukang-bibig ng lahat ang kaniyang kasamaan. Lalo na ng karamihan ng mga kababaihan, na nahuhumaling sa kagandahan ng Ikalawang Prinsipe.

Ito ang kaguluhang pumapalibot sa Tahanan ng Lin. Habang sa loob nito ay tahimik at mapayapa. Si Wu Xie, na pinag-uusapan ng lahat, ay nananatili sa kaniyang silid at abala sa pagsisiyasat patungkol sa kaniyang contractual spirit na putting lotus.

Sa loob ng tanggapan ng Tahanan ng Lin, nagngingitngit sa galit si Jun Xian. Pilit pinipigilan ang sarili na pilasin ang nasabing kautusan mula sa Kaharian. "Magaling! Napakagaling! Ngayong matanda na ako at wala nang saysay sa kanila, iniisip ng lahat na maaari na nilang hamakin ang aking apo!" Sumbat ni Jun Xian habang hawak ang kautusan nang mahigpit.

Ipinaliwanag ni Jun Qing ang lahat nang kaganapan bago ang araw na iyon. Batid man niya ang pagdating ng kautusan ngunit hindi niya inakala na mangyayari ito sa ganitong pagkakataon. Walang maidudulot na maganda ang paglalatag ng kautusan sa panahong kundi mapalawig lamang ang mga haka-haka laban kay Jun Wu Xie.

Hindi lingid sa kaalaman ni Jun Xian ang hambog na pag-uugali ng apo, ngunit nakasisiguro siya na wala itong kakayanang kumitil ng sinuman. Bukod pa rito ay nananatili si Wu Xie sa loob ng kanilang tahanan upang makabawi ng lakas. Ni minsan ay hindi ito lumabas kung kaya't isang katanungan kung paano nito magagawang isapatupad ang nasabing pagtatangka kay Mo Xuan Fei.

Maging ang Hukbo ng Rui Lin ay idinawit pa sa usap-usapan na sinasabing ginamit ni Wu Xie para maghiganti. Bagay na hindi niya mawari. Sa kabila ng labis na pagpapalayaw niya kay Wu Xie, at kahit na ang Rui Lin ay kaniyang sariling hukbo, naging matuwid siya at mahigpit na pinuno. Ni minsan ay hindi niya hinayaan ang apo na makipag-ugnayan sa kaniyang hukbo, lalo pa ang pabayaan itong pangasiwaan ang isang dakilang pangkat.

Hindi pa man nakakabawi si Mo Xuan Fei sa pagkabigla mula sa naganap na pagtatangka sa kaniya ay ipinalabas na ang kautusan. Kung kaya't hindi maiwasan mag-isip na may kinalaman ang Tahanan ng Lin at patuloy na magdulot ng mas malaking mantas sa karangalan ng mga Lin.

"Ama, sasabihin ba natin sa kaniya ang lahat ng mga nangyayari?" Makikita ang lungkot sa mukha ni Jun Qing. Ikinamumuhi niya ang sarili sa pagiging lumpo at walang kakayanang mapangalagaan ang kaniyang pamilya.

Umiling si Jun Xian. " Wala kang sasabihing anuman sa kaniya! Sa katayuan niya, sa tingin mo, anong kaguluhan ang maaari niyang gawin? Bukod pa rito, hindi pa siya tuluyang magaling. Itinalaga ako ng Kamahalan upang pasinayaan ang gagawing pagsisiyasat patungkol sa paglusob sa Ikalawang Prinsipe. Hahanapin ako ang katotohanan and sisiguraduhin kong malilinis ang pangalan niya sa lahat ng mga ipinupukol sa kaniya!" Matapos niyang paglingkuran ang kaniyang bansa ng buong katapatan sa loob ng maraming taon, ito pa ang igaganti sa kaniya. Maging ang dalawa niyang anak, nagsakripisyo dahil dito. Namatay sa digmaan ang isa habang naiwang lumpo ang isa.

Tanging ang kaniyang apong si Wu Xie na lamang ang natitira, ngunit dahil sa pasya ng Imperyo, tuluyan nang nawasak ang kaniyang karangalan. Wala nang simunan pa ang maglalakas-loob na pakasalan ang kaniyang apo matapos ang pang-aalipusta ng pamilya ng Kamahalan.

"Kamahalan, isa kang napakalupit na tao." Bulong ni Jun Xian, bakas sa kaniyang mga mata ang kapaguran.

Maliwanag para sa lahat na wala nang pag-asa Tahanan ng Lin, ngunit kahit ganito, idinawit pa rin nila si Wu Xie sa agawan ng kapangyarihan.

Yumuko nang tahimik si Jun Qing, napakagat sa kaniyang mga labi habang mahigpit na nakatikom ang mga kamay sa ibabaw ng kaniyang mga nasayang na binti.