Sa loob ng Qu Country, maraming lungsod ang nasira. Ang Qu Country army ay nakikipaglaban sa Poison Men, walang katapusang patayan at dumadanak ang dugo sa lungsod na iyon.
Ang Emperor ng Qu Country ay lagpas singkwenta na ang edad. Kahit na ang buhok nito ay unti-unti nang namumuti, bakas pa rin sa mga tingin nito ang tapang.
"Kamahalan! Malapit nang bumagsak ang ating army! Hindi na natin kayang labanan ang kaaway! Hindi sila takot mamatay at hindi rin sila nakakaramdam ng sakit. Kahit pa maputol na ang mga paa nila, buhay pa rin sila. Kung magpapatuloy pa ito, ang mga sundalo ay..." Nakaluhod ang Commander in Chief sa harap ng Emperor. Namumutla ang mukha nito at bakas ang takot at lungkot.
Saglit na nanginig ang katawan ng Emperor bago nakuhang kumalma at magsalita.
"Ang mga umalis ba para manghingi ng tulong sa Fire Country at Buckwheat Kingdom ay nakabalik na?" Pinilit ng Emperor na magmukhang kalmado sa harap ng kaniyang tauhan.
"Hindi pa..." Sagot naman ng Commander in Chief.
Nagkalat ang Poison Men kahit saan at maraming bansa ang naapektuhan nito. Ang mga maliliit na bansa ay saglit lang na naitumba ng Poison Men. Ang paraan pa lang ng pakikipaglaban ng Poison Men na purong lakas lang ng katawan at walang ring spirits na kasama ay labis na ikinakatakot ng mga tao.
Hindi ito bastang laban lang. Ito ay laban sa mga halimaw na walang takot mamatay!
Kalat na kalat na kahit saang lupalop ang mga Poison Men. Maging ang Fire Country ay nakipagtulungan na sa Qi at Buckwheat Kingdom para mapigilan ang mga Poison Men. Mabuti na lang at ang pinakamalakas na pwersa ay hindi lang ang sarili nila ang kanilang inisip. Tumugon din sila sa mga bansang humingi sa kanila ng tulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang mga sundalo.
Kung hindi dahil sa mga magigiting na sundalo ng tatlong bansang ito, masa marami ang bilang ng mga bansang bumagsak.
Ang pinakamalapit na malakas na bansa sa Qu Kingdom ay ang Buckwheat Kingdom. Sinong mag-aakalang ang dating mahina na Buckwheat Kingdom ay isa na ngayon sa pinakamalakas na pwersa matapos matanggap ang lupa at mga mamamayan ng Condor Country? Sa panghihimasok ng mga Poison Men, hindi lang nila nadepensahan ang kanilang sariling bansa, bagkus ay nakatulong din sila sa mga bansang nanghihingi ng tulong.
Nitong nakaraang buwan lang, nang maisip ng Emperor ng Qu Country na hindi nila makakayanang labanan ang Poison Men, agad niyang ipinatawag ang kaniyang mga sundalo para mapigilan ang Poison Men at mabigyan ng sapat na panahon ang mga mamamayan na tumakas. At para na rin sila ay makahingi ng tulong sa Buckwheat Kingdom.
Ngunit isang buwan na ang nakakalipas at wala ni isa ang nakakabalik.
Sa ganitong panganib, walang nakakaalam kung nakarating ba ang mga tao sa Buckwheat Kingdom para makahingi ng tulong o sila ay nakasalubong ng mga Poison Men at naubos.
Hindi na alam ng Emperor ng Qu Country ang kaniyang gagawin para protektahan ang kaniyang bansa. Ang tanging hiling niya na lang ay sana nakatakas at ligtas ang kaniyang mga mamamayan.
Bilang pinuno ng bansa, wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niyang kapabayaan.
"Ito na ang katapusan...ito na..." Saad ng pinuno ng Qu Country habang malungkot na umiiling-iling. Malapit nang bumagsak ang bansa. Hindi dahil sa sila ay sinakop ng ibang bansa, kundi dahil sila ay kinatay na ng mga halimaw.
Lumabas sa military tent ang Emperor kasama ang Commander in Chief. Nanigas ang kaniyang puso habang nakatingin sa paligid kung saan nagkalat ang mga patay na sundalo.
Tila alon ang mga Poison Men, hindi nauubos ang mga ito. Ang mga sundalo ay nakipaglaban sa mga ito hanggang sa kanilang huling hininga ngunit hindi pa rin nila napigilan ang malakas na alon!
Ang kanilang mga dugo ay dumanak sa kanilang lupa, ang simbolo ng kanilang huling kagitingan.