Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1396 - Tapusin ang Pagpatay sa Pamamagitan din ng Pagpatay (2)

Chapter 1396 - Tapusin ang Pagpatay sa Pamamagitan din ng Pagpatay (2)

"HYAAAAAH!" Balot ng dugo, ang mga sundalo ng Qu Country ay mahigpit na hinawakan ang kanilang mga sibat at lumaban sa mga Poison Men na umaatake sa kanila. Diretso nilang tinignan sa mga mata ang halimaw na kanilang mga kalaban.

Sa mga oras na iyon, kinalimutan nila ang takot. Kinalimutan nila ang posibilidad ng kanilang kamatayan.

Ang tanging nasa isipan nila ngayon ay walang susuko.

Walang susuko!

Dahil sa mga Poison Men ay nawala ang kanilang pag-asa at hindi maipapagkakait ang katotohanang iyon sa bawat sundalong natira. Ang mga halimaw na ito ay uubusin silang lahat...at iyon na ang kanilang katapusan.

Lungkot at takot ang nasa puso at isipan ng bawat sundalong naroon, ngunit hindi iyon bumakas sa kanilang mga mukha.

Kahit na alam nilang naghihintay na sakanila ang kamatayan, hindi sila papayag na mamamatay na lang silang parang aso!

Kahit na wala silang sapat na kakayahan para labanan ang kanilang kaaway, lalaban pa rin sila hanggang sa kanilang huling hininga! Papatay! Papatay! Papatayin ang kaaway!

Ito na ang kanilang huling paghihirap. Ito na ang kanilang huling laban.

Ang katotohanang wala na silang ibang aasahan dahil wala nang tutulong sa kanila ang dahilan kung bakit sila ganito katapang.

"ARRGGGHHHH!" Isa sa mga sundalo sa frontline ang ngayon ay hawak ng Poison Men. Hindi ito makagalaw dahil sa hawak ito ng halimaw sa magkabilang kamay. Sinaksak ng mga sundalo ang Poison Men na iyon maging ang kanilang mga ngipin ay ginamit na nila upang makagat ang haliaw.

Bakit...

Bakit kailangan nilang manggulo? Bakit kailangan nilang sirain ang payapang pamumuhay ng mga tao dito? Bakit kailangang ubusin talaga nila ang mga nakatira dito!?

Ang mga giyerang nangyari sa Lower Realm ay hindi kasing lala ng tulad nito. Hindi tao ang kanilang kaaway kundi halimaw!

Hindi na maatim ng Emperor ng Qu Country na panoorin ang kaniyang mga sundalo na isa-isang namamatay. Kaya naman determinado na siyang makilaban ngunit siya ay pinigilan ng Commander in Chief.

"Ang Qu Country ay babagsak na. Kapag tuluyan nang bumagsak ang bansa, wala nang pinuno. Simula sa araw na ito, hindi na ako ang inyong Emperor. Katulad niyo na lang din ako. Isang mamamayan ng Qu Country na dedepensahan ang kaniyang bansa!" Matapos sabihin iyon ay itinapon ng Emperor ang koronang nasa kaniyang ulo na simbolo ng kaniyang Imperyal na awtoridad. Humakbang siya at hinawi ang mga sundalong pumipigil sa kaniya. Mahigpit ang kaniyang hawak sa kaniyang sandata at pumasok sa gitna ng mga naglalaban. Hindi niya na matitiis na maupo na lang.

"Kamahalan!" Sigaw ng Commander in Chief at ng mga sundalo/

Bigla!

Isang nakakabulag na liwanag ang lumitaw sa kanilang harapan!

Para itong isang bulalakaw na dumaan sa kanilang uluhan mula sa likod ng main camp ng Qu Country at bumagsak sa mismong gitna ng giyera!

Nagtatakang tumitig ang mga sundalo sa liwanag na iyon. Ang liwanag na iyon ay agad na umatake sa Poison Men!

"Roar!!!"

Isang nakakabinging alulong ang narinig ng lahat!

Nang mawala ang maliwanag na ilaw, isang higanteng pigura ang lumitaw sa gitna!

Iyon ay isang puting giant sized Spirit Beast, ang katawan nito ay tila isang bundok. Siyam ang buntot nito na siyang pumuputol sa katawan ng mga Poison Men!

Sa ulo ng napakalaking Spirit Beast na iyon, nakatayo ang isang payat na tao at nililipad ng hangin ang puti nitong kasuota,

Tila nabato sa kanilang kinatatayuan ang lahat habang ang kanilang buong atensyon ay nasa taong iyon.