Nakita ni Jun Wu Xie ang poisonous liquid kung saan ibinababad nila ang Poison Men sa Condor Country. Hindi niya makilala ang mga halamang ginamit para dito. Ngunit kung titignan niya ang mga bangkay ng Poison Men, mas matapang ang lason na ginamit dito kumpara sa mga Poison Men na nakita niya noon sa Condor Country.
Kumalat ang dugo ng Poison Man sa lupa at ang dinaanan ng dugo ay natunaw. Halos papantay sa Bone Corroding Tree ang dugo ng Poison Men. At kung babanggitin ito sa normal na tao, sadyang katakot-takot nga ang magkaroon ng ganitong taglay ang dugo ng Poison Men.
"Kakaiba sila sa Poison Men noon sa Condor Country at kakaiba din sa Scarlet Blood. Ito ay panibagong lason." Paglalahad impormasyon ni Jun Wu Xie sa kaniyang mga kasama.
"Iba? Ibig ba nitong sabihin, iba din ito sa gawa ng Condor Country noon?" Saad ni Hua Yao.
Nang talunin ni Jun Wu Xie ang Condor Country, ang mga Emperor mula sa ibang mga bansa na na-house arrest ay sinabing ang mga sundalo ng Condor Country ay ipinadala na sa kanilang mga bansa. Dala ng mga sundalong iyon ang mga kailangang gamitin para sa paggawa ng Poison Men. Nang marinig ng grupo ang tungkol sa kumalat na epidemiya, naisip nilang hindi nagtagumpay ang mga Emperor na pigilan ang mga sundalo ng Condor Country. Kung kaya ay kumalat at dumami ang mga Poison Men.
"Hindi ko alam." Malamig na sagot ni Jun Wu Xie. Ang mga ideyang nabuo sa kaniyang isip ay hindi sapat at hindi niya magang matukoy ng tama ang nangyayari.
Ang mga suot ng Poison Men ay gula-gulanit. Ang kanilang mga muscle ay tila mapippigtas na. Ang kanilang mga mukha ay distorted kaya mahirap tukuyin ang kanilang pagkakakilanlan.
Tumayo si Jun Wu Xie. "Para malaman natin ang totoo, kailangan nating bumalik."
Agad namang tumango ang grupo. Naghanap-hanap pa sila sa maliit na bayang iyon at nakadiskubre ng ilan pang mga Poison Men. Pinatay nila ang mga iyon at agad na nagpatuloy sa pagkilos.
Ang kalangitan ng Lower Realm ay nandidilim, katulad ng takot na naramdaman ng mga tao sa nakalipas na isang taon.
Nakarating ang karwahe nila Jun Wu Xie sa isang lungsod kung saan tila abandunado na. Ang gate papasok ng lungsod ay sira-sira at walang katao-tao sa daan. Tanging ang ihip lang ng hangin ang kanilang maririnig. Mukhang wala nang natitirang buhay sa lugar na iyon.
Habang sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, may nakasalubong silang grupo ng mga refugee. Magkahalong babae at lalaki ang laman ng grupo. Kahit pagod man ay nagawa pa rin ni Fei Yan na makakuha ng impormasyon mula sa mga ito. Ang grupong iyon ay tumakas mula sa Qu Country. Ang Qu Country ay ay isang maliit lang na bansa pero mas malaki lang ng kaunti kumpara sa unang Qi Kingdom.
Sila ay mga mamamayan ng Qu Country ngunit labis silang natakot sa mga Poison Men na umatake sa kanilang bansa. Kaya naman wala silang ibang nagawa kundi ang tumakas at lisanin ang kanilang mga tahanan.
Sa katunayan, marami pang maliliit na bansa ang mayroon sa Lower Realm at karamihan sa mga iyon ay hindi nagawang pigilan ang panghihimasok ng mga Poison Men. Kaya wala silang nagawa kundi ang sumuko. Hindi nila nagawang protektahan ang kanilang mga mamamayan. Ang tanging magandang nangyari lang ay hindi tumigil ang Emperor sa pagdepensa sa kanilang bansa. Pinakilos nila ang kanilang mga army para pigilan at pabagalin ang pagpasok ng Poison Men army para magkaroon ng sapat na oras ang mga mamamayan na makatakas.
Wala silang ibang dala kundi ang dasal na sana ay matigil na ang unos na ito sa lalong madaling panahon.
Habang pinapanood ang matandang halos puti na ang lahat ng buhok at ang mga batang bakas ang pagal, hindi napigilan nina Qiao Chu na magalit. Mahigpit silang napakuyom at namumula sa galit ang kanilang mga mata.
Hanggang saan ba ang kayang gawin ng Twelve Palaces para tumigil?
"Pupunta tayo sa frontliner ng Qu Country." Matalim ang mga matang desisyon ni Jun Wu Xie. Ang lahat ay magsisimula dito!