Ang mga Poison Men na labis na kinakatakutan ng mga refugees ay walang binatbat sa harap ng mga makapangyarihang kabataan. Hinding-hindi nila ito makakalimutan sa tanang-buhay nila.
Doon naintindihan ng mga refugees kung gaano sana nila ipapahamak ang kanilang mga sarili kung nagpatuloy silang nakawan ang grupong ito. Maging ang mga Poison Men ay hindi sila kayang labanan!
Mahigit dalawampung Poison Men ang nabura sa isang iglap lang. Nagkalat ang kanilang mga gutay-gutay na bangkay sa paligid kasabay ng pag-alingasaw ng masangsang na amoy ng kanilang mga dugo.
Lumayo si Jun Wu Xie sa senaryong iyon. Ang kaniyang puting damit ay hindi man lang nabahiran ng dugo.
"Heh heh, akala ko naman kung gaano kalakas ang mga halimaw na ito. Pero 'di naman pala nila kaya ang isang suntok o kahit isang ihip man lang." saad ni Qiao Chu habang itinatago ang kaniyang flaming gauntlets.
"Mahihina. Napaka-hina!" Umiling-iling si Qiao Chu. Hindi pa siya nag-iinit ay nagkalat na ang mga bangkay ng Poison Men sa paligid.
"Hindi sa sila ay mahina. Sadyang lumakas lang tayo." Saad ni Fan Zhuo habang tumingin sa kaniyang mga kamay. Noong nasa Dark Emperor's tomb sila, wala silang ideya kung gaano kataas ang inilakas ng kanilang mga kapangyarihan. Ngunit ngayon, nasaksihan nila na labis-labis ang kanilang kapangyarihang taglay.
Nang marinig ng grupo ang sinabing iyon ni Fan Zhuo, napuno ng pride ang kanilang mga damdamin.
Isang taon ng cultivation, at ngayon ay kanilang inaani ang kanilang itinanim.
Nakabawi na sa kanilang pagkagulat ang mga refugee. Nakaluhod sila sa lupa at umiiyak.
"Kami ay may mga mata at hindi namin alam ang Mount Tai, nagmamakaawa kaming patawarin niyo kami. Pakiusap, parang awa niyo na." Nanginginig ang kanilang mga katawan dahil sa sobrang takot. Sa kanilang nasaksihang massacre, paanong hindi sila manginginig sa takot?
Ni hindi nga nila magawang depensahan ang kanilang mga sarili sa mga Poison Men, ano pa kaya kung sila Jun Wu Xie ang kanilang makaharap?
"Alis." Malamig na sabi ni Jun Wu Xie.
Nagkumahog sa pagtakbo ang mga refugee. Hindi na sila nangahas na dalhin ang bangkay ng kanilang mga kasamahan.
"Mas malakas ang mga Poison Men na ito kumpara sa nakita natin noon." Komento ni Ye Mei habang hinahaplos ang kaniyang baba. Nakaramdam siya ng kakaiba nang kaniyang suriin ang mga katawang inatake ng Poison Men. At sa kaniyang nakita kanina, talaga ngang nagbago ang mga ito.
Yumuko si Jun Wu Xie at sinuri ang mga patay na katawan ng Poison Men.
Ang mga Poison Men na namatay sa kamay ni Rong Ruo ang may pinakamalalang sinapit. Tila giniling ang laman sa bandang dibdib ng mga ito.
Matapos mapalakas ng grupo ang kanilang mga spirit powers, mayroong nadiskubre si Fan Zhuo para mas mag-improve ang kanilang mga Ring Spirits.
Matapos magtransform ng ring spirit ni Rong Ruo, pwedeng magtransform ang Hell Butterflies na maging Hell Dust at magkakalat sa paligid. Kapag nasinghot ang Hell Dust at makapasok sa baga, magiging matatalas na blade ang Hell Dust at kokontrolin ni Rong Ruo para tumusok sa baga ng kaaway.
Ang mga Poison Men na warak ang dibdib ay makikitaang hindi na nga talaga sila tao. Hindi lang ang kulay nila ang nag-iba. Maging ang layer ng kanilang laman at dugo ay ibang-iba kumpara sa normal na tao. Ang kanilang dugo ay dark purple maging ang kanilang laman. Ang kanilang mga laman loob naman ay halos nangingitim na dahil sa pagkababad sa lason pati na rin ang kanilang mga buto.
Ang sitwasyong ito ay malayo ang pagkakaiba sa kaso ng nakatatandang kapatid ni Little Jue.